Chapter 2

4 0 0
                                    

CHAPTER 2: The Enrollment

PLACE: AKIRA UNIBERSIDAS, PHILIP (2012)

" There is no need for that." Lahat kami napalingon sa lalaking nagsalita na pamilyar sa mga tainga ko. He was the least person I expected to see. Nagulat si Sheryl nang makita niya ang mukha nung lalake same as yung red-haired guy. Bakit feeling ko mas OA ang reaksyon nila kaysa sa akin. Siya yung lalakeng naka black na cap kanina na biglang nawala nung pagkabalik ko mula sa pagkakapalit ng damit. Iniangat niya ang braso niya at pinatong ito sa balikat ko at inakabayan na ako." You see, madaling magalit ang girlfriend ko and breaks things especially nung tinitigan mo siya. She find it too uncomfortable dahil nga sa binibigay mong creeps and the fact that she has a boyfriend."

Nagulat ako nang lahat ng tao ay nakatingin na pala sa amin at nakuha namin ang atensyon nilang lahat." If you're challenging for a duel, I would gladly accept since I. Am. Her. Boyfriend." Lahat ng tao ay nagulat at nagkaroon na ng usap-usapan.

" Sam?" naguguluhang tanong ni Sheryl at para bang humihingi ng explanation ko. I raised a flat hand na sinasabi ko ay 'wait'.

" What?" tumawa ng malakas yung lalaki at para bang hindi niya ineexpect yung biglaang nangyari." Clinton, you? Magkakaroon ng girlfriend? Unbelievable. Kung magkakaroon ka man ng girlfriend, magsasawa kaagad sila sayo dahil sa hectic schedule mo at walang inisip kundi ang manalo sa combat and mag rank na una."

" Baka hinypnotize mo lang iyan and commanded her to be your girlfriend kasi kung girlfriend mo talaga siya someone should have known at matagal na itong kumalat." Sabi ni nung lalakeng pula ang buhok. Ngumisi lang yung lalakeng naka akbay sa akin at mas hinila pa ako papalapit sa kaniya." My GIRLFRIEND keeps a low-profile."sagot naman nung lalakeng nakaakbay sa akin at diniinan pa ang word na 'girlfriend'. Clinton ba ang pangalan niya, I think I heard the red guy call him Clinton.

" So what do you say, Keith? A duel?" tanong ni Clinton doon sa lalakeng pula ang buhok na tinawag naman niyang Keith. Masamang tingin ang itinapon ni Keith sa kaniya but in the end napalitan ito ng ngisi.

" I won't turn back." Sagot ni Keith. Sa sinabi niyang iyon ay mas nagulat ang mga tao at mas lumakas pa ang usapan. Tumalikod na si Keith at umalis na sinundan naman ng ilang mga lalaki. " People, please mind your own businesses." Sabi ni Clinton habang naka-akbay pa rin sa akin. Lahat ng tao nagsitalikuran at humina na rin ang mga usapan.

" Sam, your boyfriend is Zachary Clinton?" agad na tanong ni Sheryl nang mawala na sa amin ang usap-usapan. Naguluhan naman ako sa sinabi niya at napabalik sa reyalidad. Nang mapansin ko ang mabigat na nakapatong sa balikat ko ay agad ko itong inalis at lumayo mula kay Clinton.

" Who?" tanong ko. Walang sumagot sa akin but then realization hit me." He is? Zachary Clinton?"

Tumango-tango sa akin si Sheryl. Ngumiti naman sa akin yung Zachary like we were close and stuff." Sheryl, he's not my boyfriend." Bulong ko at sapat na marinig rin ni Zachary. Napalingon naman si Sheryl at tumango-tango si Zachary in approval.

" Totoo? Eh bakit sabi niya kayo?" tanong ni Sheryl.

" I only did it to save your friend."

" Then thank you, what should I call you then?" tanong ko at naiilang pang tumingin sa kaniya. Ngumiti na naman siya at inalok ang kamay niya." Call me Zach."

Tinanggap ko naman ang kamay na alok niya at kinamayan ito. Nakakailang naman na isipin na ang taong sumagip sa akin ay si Zachary Clinton pa." Zach, I do not wish to offend you pero I think this is the first time Sam has ever heard of you kaya hindi siya updated kung ano bang meron at kung anong gulo ang ipinasok mo sa kaniya."

Akirians: The Fourth Black MoonWhere stories live. Discover now