Chapter 4: The First Meet of Ex Lovers After 4 Years

44 2 1
                                    

I am dedicating this chapter to my darling friend (@gaildenila) who is always there for me. :))

Kathryn's POV

Nandito na kami ngayon sa stage pero hindi ko siya katabi ngayon. Bumubunot kasi ako ngayon at yung mabubunot ko ang magsasabi kung anong situation ang kailangan namin i-act within 2 minutes.

Lord, please yung madali lang and Lord please help us lalo na yang poker face na si Daniel. Lord, kailangan talaga naming mapili or else baka isipin ni Ma'am na sinadya naming magpatalo at tiyak na ibabagsak na niya ako matapos ba naman nung ginawa ko sa kanya kaninang umaga. You know yung sipa-door scene.

Hahaist! Pero Lord alam mo naman diba na hindi ko sinadya yung pagsipa sa kanya through the door.

"Excuse me miss. Kailangan mo ng bumunot. Time is gold.  Marami pang susunod sayo."

"Sorry po," sabi ko sabay bunot. And guess what kung ano ang nabunot ko.

"First meeting of ex lovers who still love each other even after  4 years of break up."

"Miss you have 20 seconds left"

Ano?! 20 seconds left na lang. Sobra naman sila. Di lang man nila ako sinabihan na nagsimula na pala yung 45 seconds ko.

Hay naku! Bahala na nga. Ibabase ko na lang to sa experience ko at sa mga Korean drama na napanuod ko. Lord, ikaw na ang bahala sa amin especially that poker face.

"Time's up! Miss pumunta ka na dun sa gitna ng stage katabi nung partner mo."

"Okay po."

Naglakad na ako papunta sa gitna. Gosh! Nanginginig yung paa ko at ang bilis pintig ng puso ko.

Pinikit ko ang mga mata ko. Kaya mo to Kath! Hindi ka pwede maging irregular student at sayang yung perang binayad ng mga magulang mo. Huwag mong kalimutan na hindi pinupulot ang pera. Dugo at pawis nila yan. Kaya Kath relax ka lang! Isipin mo na lang na wala ka sa stage at kayo lang dalawa nung ex mo ang nandito ngayon.

Finally, I had the courage to open my eyes.

"Daniel, just trust me and react to me."

"1,2,3 Ready. Action!"

Pinikit ko ang mata ko at inisip ko na ang first love at ang nag-iisa kong ex ang nasa harap ko ngayon. Isipin mo Kath. Ano ang gagawin at sasabihin mo sa kanya sa sitwasyong ito? First time niyong magkita after four years ng break up niyo, anong sasabihin mo?

Kaya mo to Kath! Isipin mo lang na si Laxellal yung nasa harap. Try to imagine his annoying face.

Nung nafeel ko na kaya ko na, binuksan ko na ang mga mata ko. Tiningnan ko siya ng diretso sa mata, at sinampal siya. "How dare you?! Pagkatapos mo akong lokohin at saktan 4 years ago, bigla kang magpapakita ulit sa akin at sasabihin mong mahal mo pa rin ako. Tama na! Maawa ka naman sa akin. Hindi pa ba sapat yung sakit na idinulot mo sa akin dati?"

Nagsimula ng maging blury ang paningin ko at nag-sink in sa akin na umiiyak na pala ako. Pinunsasan ko ang luha ko. Bakit ba ako umiiyak? Pinapakita ko tuloy sa kanya na hinda pa rin ako nakakamove on kahit apat na taon na ang lumipas.

Pero bago ko pa masimulang pigilan ang paglabas ng luha ko ay niyakap niya ako na naging dahilan ng lalong pag-out of control ng luha ko.

"Sorry," sabi niya habang lalo niyang hinigpitan ang pagyakap sa akin.

"Ha. Ha. Ha," I faked a laugh. "Sorry? Nagpapatawa ka ba? Alam mong hindi sapat ang sorry. Bakit, sa tingin mo, mabubura ng sorry mo lahat ng sakit na nararamdaman ko?"

Bigla siyang bumitiw sa pagyakap sa akin. Nakatingin na siya ng diretso ngayon sa mga mata ko habang ang mga kamay niya ay nakalagay sa balikat ko.

Sinubukan kong alisin yung mga kamay niya. "Ano ba?! Bitawan mo nga ako."

Huminga siya ng malalim at binitawan ako. Lumuhod siya at sinubukan niyang abutin ang kamay ko pero siyempre hindi ko siya hinayaan. "Tumayo ka nga diyan. Please. Tigilan mo na ang kalokohang to!"

Hindi siya tumayo. Pilit niya paring inaabot ang kamay ko. At nung nagtagumpay siya, nagsalita siya kaagad.

"Sorry hindi ko talaga sinasadya. Sa apat na taong nagkahiwalay tayo, dun ko lang narealize na mahal pala talaga kita. Please bigyan mo ako ng one last chance. Ipapakikita ko sayo kung gaano kita kamahal at papatunayan ko sayo na mahal na mahal kita."

"Time's up! What a great performance!" sabi nung isang lalake kasabay ng palakpakan ng mga tao.

Oo nga pala, acting lang to. Baliw na talaga ako. Alam ko namang hindi si Laxellal tong nasa harapan ko pero inisip ko pa rin at umasa ako na yun din ang sasabihin niya. Pero teka, ano daw? Great performance? Ibig sabihin magaling din umarte tong poker face na si Daniel? O.o

Pero oo nga naman, imagine niyo nadala ako ng husto. Halos makalimutan ko na nga na umaarte lang kami. Char! May hidden talent pala sa pag-aarte ang poker face nato.

"Wala ka bang balak bumaba?" biglang sabi ni Daniel.

"H-ha? Ay oo nga pala. Hahaha! Thank you." Napakamot na lang ako sa ulo. Ano ba to? Nakakahiya. Baka isipin ng mga tao feeler ako at attention seeker na addict sa stage. Hahay.

Pagbaba ko sa stage, hinabol ko si Daniel. Ang bilis naman niyang maglakad. "Uy Daniel!" sigaw ko.

Ay chapa?! Hindi lang man siya lumingon o huminto. Lagot ka sa akin. Tumakbo ako at nung naabutan ko na siya ay agad ko siyang binatukan sa ulo.

"Ano bang problema mo?!" sabi niya sabay lingon.

Nanlaki ang mata ko. Amazing! For the first time in forever, ngayon ko lang siya nakitang nagalit o nainis.

"Wow ha. Marunong ka pa lang magalit," sabi ko na may halong pang-aasar.

"Ano ba kasing kailangan mo? Papansin!"

"Yuck! Wag ka ngang feeler. Ako? Papansin? Sayo?" sabi ko habang nagkukunwaring nasusuka. "Okay ka lang?"

"So ano ngang kailangan mo?" Naka-ekis yung braso niya banda sa chest niya.

"Ang sungit naman nito-" Huminto ako. Bigla kasi siyang tumalikod. Hahay. Chinachapa na naman tong beauty ko.

Hinabol ko siya ulit. "Uy Daniel! Hintay!"

11/ 24/ 14

--> BluePurp_38 :D

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 24, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

WARNING: Cupids are real!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon