Chapter 3: My True Identity!

45 2 2
                                    

@AmiraHenderson Thank you very much for the simple yet BEAUTIFUL cover! :D

Daniel's POV

Nandito na kami ngayon sa open court kung saan ginaganap yung audition. Dahil by pair ang entry, pinilit ako ni Kath na kami na lang daw ang partner. At para wala ng gulo, pumayag na lang ako kaagad.

"Daniel! Daniel!" narinig kong tawag sa akin ni Julia through the beeper.

Yeah, it's a beeper. Mas high tech nga lang pero para sa akin useless pa rin. Yung first 2 words lang kasi nung tumatawag ang maririnig mo.

Nga pala, meet my disciple, Julia Barretto. Maganda siya, mabait, at masunurin. Actually, gusto ko siya pero hindi niya alam. Gusto ko kasi na dun na niya malaman yung feelings ko para sa kanya pag nag-propose na ako. At yung proposal naman, plano kong gawin yun after nung 5 years contract niya kaso ang pinag-aalala ko lang ay kung sino yung gusto niyang pakasalan.

Ayon kasi sa rules namin, kung gusto namin magpakasal kailangan namin mag-undergo ng 5 years contract at kung wala ka namang balak magpakasal pero may gusto kang hilingin sa hari, kailangan mo mag-undergo ng 3 years contract. Since 5 years contract ang kinuha niya eh di tiyak na may gusyo nga siyang pakasalan. Pero sino naman kaya yun?

Kung gusto niyo naman malaman kung bakit disciple ang tawag sa kanya, wala akong masasagot. Sa totoo lang kasi, hindi ko rin alam kung bakit yan tawag sa mga susunod na mag-uundergo ng mission basta ang alam ko lang pagkatapos ng 5 years contract ko sa mission na to ay siya ang papalit sa akin at magiging normal citizen na lang ako sa paraiso naming mga cupids kaya kailangan niyang matutunan lahat bago pa matapos yung contract ko.

Oo tama ang nabasa niyo. Hindi kami tao, hindi kami hayop, at lalong hindi kami bagay kasi cupids kami. Tulad ng mga napapanuod niyo sa movies and cartoons, pinapana namin ang puso ng mga tao. At yung mga tao na tinamaan ng magkaparehong pana ay destined couple. Sa oras na tinamaan sila nung panang yun ay agad na bibilis ang tibok ng puso nila at maiinlove sila sa isa't-isa.

Kung nagtataka naman kayo kung bakit mayroong third parties o mga kabet, ganito yun. 90% out of 100% of those destined couples, weren't able to develop their love for each other well kaya madali silang nasisira ni Satan at nung mga alagad niyang demonyo.

Hindi namin alam kung ano ginagawa ni Satan pero yung mga ginawa niyang mga kabet ay hindi na tinatablan ng mga pana namin. At higit sa lahat, talagang naaakit nila yung dapat nilang akitin.

Buti na lang, nadiskubre ng mga cupid scientists na ang power ni Satan ay tatalab lamang dun sa mga wala pang destined partners at dun sa mga destined couples na hindi nadevelop ng husto yung love nila sa isa't-isa. Dahil dun, napagdesisyunan na kahit elementary pa lang ay maaari ng panain pero destined crush lang ang tawag sa kanila. At ang panang ito ay may expiration kaya naman maraming dumadaan sa buhay ng isang tao hanggang sa makilala nila yung destined partner nila.

Ganun din sa mga high school students pero pagdating nila ng college iba na. Kung kanino namin pinana yung kapareho ng panang tumama sa kanila, yun na ang destined partner nila forever.

"Daniel, ok ka lang ba? Kanina ka pa kasi tulala," tanong ni Kath with a very worried expression on her face.

"H-ha? Ah oo okay lang ako. Malapit na ba tayo?"

"Oo. Entry #21 na yung nagpeperform ngayon. Limang entries na lang then tayo na."

"Ah sige. CR muna ako."

"Okay"

Pagdating ko sa loob ng CR, nag-transform kaagad ako para hindi ako makita ng mga tao at walang makarinig sa pag-uusapan namin ni Julia.

"Daniel, sorry pero hindi na kasi si Laxellal ang nagbabantay sa monitoring room. Imposible ng makapasok ako ulit dun tulad dati para madelete yung crime mo. Wala na ba talagang ibang paraan?"

"Pasensya ka na Julia dinamay pa kita sa problema ko," sabi ko habang nasa pisngi niya yung isang kamay ko.

Hinawakan niya yung kamay ko na nasa pisngi niya. "Okay lang Daniel. Disciple mo naman ako eh and I truly want to help you. Trust me okay? I will do my best." She smiled at me.

Aw what an angelic face! The best talaga beauty niya. Hindi nakakasawa.

"Okay," sabi ko while holding back my feelings.

"So ano ng gagawin natin? May naisip ka na ba?"

"Wala eh" Napakamot ako sa ulo ko. "Sige, balik muna ako dun sa audition ko ha? Baka kasi entry na namin."

"Sige"

Magtatransform na sana ako into my human form pero bigla niya akong pinigilan.

"Sigurado ka ba dito? Baka madagdagan na naman yung crime mo," she said worriedly while holding my arm.

"Trust me, okay?" sabi ko sa kanya while cupping her face with my both hands.

"Okay, mag-ingat ka."

"Thanks!" I smiled at her. Then, I transformed and went back to the open court. And guess what! Timing lang yung dating ko. Saktong-sakto pagdating ko sa open court, nakita ko si Kath then tinawag yung entry number namin.

"And now, let's welcome entry #27, Ms. kathryn Bernardo and Mr. Daniel Padilla!"

Umakyat kami sa stage then bumunot na si Kath. Depende sa mabubunot niya yung situation na kailangan namin i-act.

Yeah, tama ang iniisip niyo. This is an on the spot acting. Pero bibigyan naman daw nila ng 45 seconds yung taong bumunot para mag-isip kung paano niya paabutin ng 2 minutes yung aming acting.

After 45 seconds . . .

"Daniel, just trust me and react to me."

Magsasalita pa sana ako pero magsisimula na eh. Gagawin ko na lang yung sinabi niya.

"1, 2, 3 Ready. Action!"

06/ 03/ 14

BluePurp_38 :))

WARNING: Cupids are real!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon