Chapter 2: Ang Super Excited na Bakla!

65 3 2
                                    

@Christelgacutan Hi! I just want to thank you for following me. It truly means a lot to me. I hope you give this story a chance and left it some feedbacks. Thanks in advance! :D

I can't believe this! Pinaglalaruan yata talaga ako ng tadhana. Sa dinami-dami ng sections ng Bachelor of Medical Laboratory Science (BMLS), bakit dito pa siya napunta sa section ko at saka bakit kailangan ko pa siyang maging kagrupo sa groupings namin kanina sa Filipino, at NSTP? At alam niyo kung anong mas worse? Pair kami sa 1st quiz namin sa PE next Monday. Lyrical dance daw ang ipeperform namin at dapat hindi daw baba sa 1 minute and 30 seconds yung sayaw namin.

"Huy Daniel! Huwag ka mag-aksaya ng oras. Next Monday na kaya yung performance. Tumulong ka nga paghanap ng sasayawin natin," sabi ko habang patuloy na naghahanap sa youtube.

After kasi sabihin ni ma'am yung tungkol sa 1st quiz namin eh umalis na siya. Gamitin daw namin yung oras sa paghanap ng sasayawin namin at kung gusto namin, maaari na daw kaming mag-practice.

Imbis na maguilty siya at tumulong sa paghanap eh tumayo siya at sinuot ang bagpack niya tapos sinabi niya na hindi pa daw niya nakuha yung Wi-Fi account niya.

Ha! Mukhang may balak yatang tumakas tong poker face na to ah kaya naman pinigilan ko siya kaagad bago pa siya tuluyang makaalis.

"Oops! Saan ka pupunta?" Hinawakan ko yung bag niya at sinamaan siya ng tingin.

"Akala ko ba gusto mong tulungan kita?"

"Are you mocking me?! Paano mo naman ako tutulungan kung uuwi ka na?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Ah akala ko sasabihin mong di mo kaya pag wala ako," sabi niya habang para siyang natatawa pero pinipigilan niya lang.

"Ha? Okay ka lang? Feeler!" At saka ano na naman ba tong hallucination ko na para siyang natatawa? Hay naku Kath! Magpacheck-up ka na nga. Alam namang imposibleng tumawa yang si Daniel diba? Emotionless kaya yan.

May sasabihin pa sana ako pero narealize ko na umalis na pala siya. CR nga muna ako.

Tumingin ako sa paligid.

Teka! Bakit walang CR dito sa Skygym? Naiihi na talaga ako. Baba nga muna ako dun sa 5th floor. Feel ko kasi may nadaanan akong CR dun kanina habang paakyat ako papunta dito sa Skygym.

Pagdating ko sa 5th floor, may nakita akong CR. Thank you Lord! At siyempre pumasok ako kaagad. Ihing-ihi na ako eh. Buti na lang open yung unang cubicle.

"Pre, pahingi naman ng wax mo. Naiwan kasi yung sa akin."

"Sure Pre! Kuha ka lang."

Teka! Boses ng lalake yun ah. Mga manyak talaga. Patay kayo sa akin.

Sisigaw na sana ako pero biglang nagsink-in sa akin na baka boys' CR tong pinasukan ko. Blue kasi yung tiles unlike sa girls CR ng PL and PN building pinasukan ko kanina na pink lahat ng tiles.

OMG. Paano kung boys' CR nga to?

Fudge! This is the worst! Wala na ba talagang magandang mangyayari ngayong araw na to?! Hindi ko naman to sinasadya eh. Ihing-ihi na kasi talaga ako kaya pumasok na ako kaagad kahit di ko alam kung girls' or boys' CR to. Huhuhu! Lord help me.

Light bulb!

Magpapanggap na lang ako na lalake. Mukha rin naman akong lalake eh. You know, flat-chested at saka panglalake rin naman tong hairstyle ko. Hairstyle kaya to ni Ji-hoo ng Boys Over Flowers. At saka isa pa, mana kaya ako sa papa ko.

O sige na. Final decision na to.

Take a deep breath, close your eyes and open the door!

Binuksan ko na yung door. Lumabas ako sa cubicle at binuksan ang akung mata.

"Waaaaaa!" OMG! Ano yan?! Yan ba yung . . .

"Aaahhhh! Bastos! May pervert na babae! Help!" sigaw nung baklang bumulaga sa harapan ko habang tinatakpan yung flower niya.

"A-anong pervert? Ikaw kaya tong pervert. Wala ka pa nga sa loob binuksan mo na." Unconsciously, naturo ko yung you know niya.

"Waaaaaaaaaaa!" sigaw naming dalawa.

"Iclose mo nga muna yang zipper mo," demand ko.

The bakla rolled his eyes at dahil naiinis na talaga ako, umiwas ko na lang ako ng tingin before I reach my limit.

At sa kasamaang palad, dun tumingin sa baba yung mata ko . . .

"Waaaaa!" sigaw ko ulit habang tumakbo ako palabas ng CR. I can't believe 2 times na ako nakakita ng you know.

My gosh, my eyes! Waaaa! Bakit ba kasi sobrang excited nung baklang yun? Hindi pa nga siya nakapasok sa cubicle, binuksan na niya yung zipper ng pantalon niya. At kung nagtataka kayo kung paano ko nalaman na bakla siya, siyempre obvious sa voice niya no at saka yung attire niya katulad kay Vice Ganda.

Nagpatuloy pa rin ako sa pagtakbo. Siyempre no, wala na akong mukhang maiihaharap kaya kailangan makalayo na talaga ako sa CR na yun.

Boom!

Aray! Ang sakit ng noo ko. Binuka ko ang mata ko.

"Da-Daniel?"

"Clumsy," sabi niya sa akin sabay tulak gamit yung palm niya na parang bato. Ang tigas eh.

"Clumsy ka diyan. Ikaw nga tong biglang humarang sa dinadaanan ko. Ano bang problema mo? At saka alam mo ba na parang bato yung kamay mo dahil sa sobrang tigas? Lagot ka talaga sa akin pag nagkabukol tong noo ko"

"Huwag ka nga magreklamo. Kung di ko yun ginawa, nahulog ka na sana sa hagdanan."

Tumingin ako sa gilid niya.

Oo nga may hagdanan nga.

"Ehehe! Sorry and thank you!" In fairness scary yung aura niya dun ha kahit expressionless pa rin yung mukha niya. "Huy! Hintayin mo naman ako."

Pagbalik namin sa Skygym, sinimulan agad namin ang paghahanap hanggang sa nakahanap siya at nakahanap ako ng gusto ko. Ang napili ko ay yung bleeding love na performance sa So You Think You Can Dance (SYTYCD) at ang napili naman niya ay No Air na performance sa SYTYCD. Maganda rin naman yung No Air kaso feel ko mahirap. Marami kasing karga-karga chuva.

"Bleeding love na lang. Baka mamaya mabalian pa ako ng buto dahil sa mga karga-karga na parts niyang No Air."

"Magaan ka lang naman. Gusto mo patunayan ko?"

Nakaka-confuse naman tong lalaking to. Nang-aasar ba siya o hindi? Feel ko kasi nang-aasar siya kaso di naman yun yung pinapakita ng mukha niya. Hay naku!

Bigla siyang tumayo at sinuot yung bag niya.

"Huy! Saan ka pupunta?"

Wala siyang sinabi pero palapit ng palapit siya sa akin. OMG Lord! Anong gagawin niya?

"Kung ano man yang binabalak mo, huwag mong . . . " Imbis na tapusin ko ang sasabihin ko ay napasigaw ako. "Waaaaaaa! Bitawan mo nga ako. Sino bang nagsabi sayo na pwede mo aking kargahin?"

"Pinapatunayan ko lang."

"O sige na. Sige na. Naniniwala na ako. Bitawan mo na ako. Nakakahiya"

"Ayaw ko."

"Ha?! Baliw ka na talaga." Pinagsuntok-suntok ko siya pero imbis na siya yung masaktan eh ako yung nasaktan. Aray! Ang tigas talaga ng katawan niya. Gawa ba siya sa bato?

Pagpasok namin sa elevator, binaba na niya ako. "3pm na"

Ano bang pinagsasabi nitong poker face na to? Eh ano naman ngayon kung 3pm na?

Ting!

Bumukas na yung elevator.

"Bilisan mo," sabi niya sabay labas sa elevator.

3pm? Ayy oo tama! Yung audition. Lagot ako kay ma'am.

"Tara bilis!" Sabi ko sabay hawak sa wrist niya. Para kasing wala siyang balak umalis dun.

"Ay teka! Saan nga ba iheheld yung audition?"

05/ 29/ 14

--> BluePurp_38

WARNING: Cupids are real!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon