Umiling siya pero medyo binilisan naman yung pagpapatakbo saka ako binaba dun sa may tindahan ng siomai para raw makakain na ako habang nagpa-park siya. Kumaripas talaga ako ng takbo sa tindahan sa paanan nung Vinzons Hill at bago pa ako napuntahan ni Hiro, naka-dalawang order na ako ng siomai, huehue.

Pinabayaan lang naman niya akong kumain, take my time daw sabi niya. Edi bumili na rin ako ng kwek-kwek, cheese sticks, kikiam, fishball, tas naka-tatlong buko juice ako habang siya naman, tingin ng tingin sa relo niya. Nung bumili na ako ng walong order ng siomai at cheese sticks saka apat na tubig, dun lang niya ako inayang mag-lakad pabalik sa puno ng akasya kung saan naghihintay sina Mason.

Habang naglalakad, inaayos ko sa kamay ko yung mga hiwa-hiwalay na supot para makadekwat pa ako ng cheese sticks kasi di pa naman ako busog eh. Bigla ba namang hinablot ni Hiro yung plastik ng cheese sticks ko. "HOY!"

"Ako na'ng magbubuhat," pabalang niya pang sabi sa'kin.

"Di na, kaya ko na," alma ko naman at sinubukang kunin ulit yung plastik.

Kaso iniiwas naman niya. "Ako na nga sabi eh!" singhal niya.

"Ako nga! Akin naman yan eh! Bakit ba?!"

Nag-agawan talaga kami at nakuha niya lahat ng dala ko kasi pera naman daw niya yung pinambili namin hanggang sa may bumato kay Hiro at tinamaan siya sa likod ng ulo. Nung lumingon siya, sinundan ko ng tingin yung binato sa kanyang lumipad pabalik kaya sinalo ko. "Uy, mani! Sayang!" natutuwa kong kumento bago ko binuksan tas kinain yung laman. Saka ako lumingon kung sino yung nagbato. "Anong ginagawa niyo dito?" gulat kong bati kina kuya ko.

As in! Nandun kasi sina Kuya Chino, Kuya Mac-Mac at Kuya Chuckie. Bakit kaya? Tapos hindi sila magkandatuto kung sino ang sasagot sa'kin.

"Hmmm... Wala lang. Napadaan lang tapos, may nakitang magandang tanawin," sagot ni Kuya J na pinsan ni bespren. Nandun din pala sila ni...

Kuya K na may hawak na plastic ng nilagang mani! "Ah, okay," tango ko, tas lumapit ako sa isa pang pinsan ni bespren. "Kuya K, penge pang mani, hehe."

Umiiling naman siyang natatawa habang inaabot sa'kin yung supot ng mani. "O ayan. Kuha ka ng marami para tumangkad ka pa."

"Yehey! Thank you po!" masigla kong balik sa kanya bago umupo sa gilid ng daan para kumain ng nilagang mani. Kung ayaw akong bigyan ng pagkain ni Hiro, ays na ako sa mani. Pampatalino pa.

Hindi ko na alam kung sino ang nag-abot ng tubig sa'kin. Basta kumain na lang ako habang pinapanood yung mga estudyante ng UP na nagpapalakad-lakad. Nakakahilo sila sa dami lalo na dahil wala silang uniform tulad namin. May magagandang babae, magagandang lalaki, may mga hindi ko alam kung babae nga ba talaga kasi malalaki naman ang katawan kahit nakadamit-babae. O kaya mga nakadamit ng panlalaki pero malalaki naman yung dibdib.

Sa sobrang pagko-concentrate ko sa pagkain ng mani at panonood ng mga tao, hindi ko na rin namalayang umalis na pala sina kuya. Basta naramdaman ko na lang na parang may makati sa manggas ng polo ko kaya kinamot ko. "Ano ba 'yun?"

Napatayo at napatalon talaga ako nung nalaman kong nakapatay ako ng higad! Yung malaki at mabalahibong higad pa talaga! Ang malala, kumalat pa yung pinong balahibo niya at nagsimula na akong mangati.

Kaya ayun, kinuha na ni Hiro yung sasakyan niya at pumunta kami dun sa tinitirhan niya sa Katipunan. Tas bumili si Mason ng kandila at lighter kasi raw papatakan yung kati-kati ko para doon daw dumikit yung mga balahibo at matanggal.

Ansaket kaya! Pero hindi talaga ako umiyak kahit dugo-dugo na yung labi ko dahil sa pagkagat ko. Ginawa niya yun sa buong kaliwang braso ko.

"Hiro, may suka ba dito tsaka face towel?" tanong ni Mase kay Hiro nung natapos naming bakbakin yung natuyong patak ng kandila sa braso ko. Pulang-pula nga yung balat ko eh.

HATBABE?! Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon