⇜CHAPTER 18⇝ PART 2

Magsimula sa umpisa
                                    

                Nakatingin lang sa matanda si Kenji. Walang indikasyon ng pagsang-ayon sa kaniyang mukha ngunit wala rin namang indikasyon ng pagtutol. Parang nag-iisip ang binata. Kung ano ay wala sa mga kasama niya ang makahula.

                “Pagod siguro kayo. Ito ang tutuluyan ninyo,” sabi ni Mang Ernesto na ang tent sa likod nito ang tinutukoy. “Dito ang mga lalaki at sa kabila naman ang mga babae. Alam kong magiging masikip kahit mas malaki yung kabilang dahil marami kayong mga babae. Pero pagpasensyahan nyo na sana. Wala kasing mas malaki pa doon. Isa pa eh wala nang ibang bakanteng tent. Pero kung gusto ninyo, maari ko kayong bigyan ng materyales bukas para makapagtayo kayo ng isa pang tent.”

                “Maraming salamat po, Mang Ernesto,” sabi ni Shizu. Ngumiti sina Kiari at Erika sa matanda bilang pasasalamat. Ang mga bata at si Manang Lupe ay nagpasalamat din na ginaya nina Ren at Maeda. Si Kenji ay nanatiling tahimik.

                “Walang anuman,” sagot ng matanda. He briefly eyed Kenji curiously before leaving them so they could rest.

               Bago pa lang pumuputok ang araw sa Silangan ay nasa labas na ng kanilang tent si Kenji. May ilan na siyang nakitang gising ngunit madali niyang naiwasan ang mga iyon. Sinilip ni Kenji ang isang bantay nang makalampas ito sa kaniyang tinataguan sa likod ng isang puno, ngunit bago pa siya makahakbang palayo ay napadako ang kaniyang mga mata sa isang partikular na bintana sa pangalawang palapag ng mansiyon. Saglit na natigilan si Kenji. Sarado ang salaming bintana at bahagya lang nakabukas ang kurtina niyon. Madilim sa loob ngunit parang tumatagos ang kaniyang tingin sa loob niyon.

                Kenji moved away from his hiding spot and swiftly made his way towards the back of the house. Malaki pa rin ang likod niyon. Tanaw niya ang mataas na pader na pumapalibot sa mansiyon. Sa isang bahagi ng lupain ay may hanggang bewang na bakod na yari sa mga sanga ng puno. Kulungan marahil ng hayop. Sa kabilang bahagi ng backyard ay may taniman ng gulay. Nilapitan ni Kenji ang mga iyon. Ang kulungan ay hindi pa yari. At ang mga tanim ay halos kasisibol pa lamang.

                “Sinimulan namin ‘yan dalawang linggo pa lang ang nakakaraan,” bungad ni Manong Ernesto na hindi niya namalayang nakalapit. Mula sa tinitigang mga halaman ay nag-angat ng tingin si Kenji. Maaliwalas ang mukha ng matanda habang nakatingin sa mga tanim. May hawak itong baso ng kape na siya nitong inalok sa kaniya.

                Umiling si Kenji.

                “Halos wala ka nang makikitang ganito,” sabi ni Mang Ernesto sa hawak nitong inumin. “Maswerte lang na may nakuha ang grupo nina Gino noong isang linggo. May nadaanan silang bahay na may maraming supplies.”

                “Hindi ka ba umiinom ng kape?” tanong ni Mang Ernesto nang hindi umimik si Kenji. Umiling lang uli ang binata.

                “Ano nga ba ang pangalan mo?”

                “Kenjirou,” simpleng sagot niya.

                “Alam mo Kenjirou, halos sementado ang backyard na ito. Ka-desenyo noong nasa harap ng mansiyon. Maganda. Pero sa suhestiyon ni Haru, pinagtulungan ng mga kalalakihang tibagin ang semento.”

                Napabigla ng tingin si Kenji sa kausap.

                “Bakit ho? Sino si Haru?” he asked with an intense look that he didn’t mean to show.

                “Si Haru ang kasama ng grupong nagligtas sa inyo kagabi. Iyon bang masungit na nagsabi sa iyong bawal kayo sa mansiyon,” sagot nito na di naiwasang mapangiti. “Sabi ni Haru wala naman daw pakinabang ang sementong iyon. Nasasayang lang ang espasyo. Kung titibagin ay mas mapakikinabangan pa ang lupang natatakpan niyon. Siya ang nag-suhestiyon na gawing taniman ito. Siya rin ang nagsabing pwedeng maggawa ng kulungan ng mga hayop para may source ang mga tao ng pagkain. Hindi nga naman habang-buhay na may makukuha tayo sa mga abandonadong bahay at pamilihan.”

Among the Dead #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon