Herminie's POV
"Good morning. I am Professor Jadesy Seras, I am your adviser for the whole semester."
Start na talaga ng klase. Ang bilis naman ng panahon. Parang kahapon lang, natutulog ako tapos pag mulat ko tapos na ang bakasyon. Bakit kasi ang bilis T_____T
"May mga activities tayo at most of them is by partner. Kung sino ang nasa kaliwa nyo ay siya ang inyong partner sa whole semester ng subject na ito. Maliwanag?"
"Yes Professor."
Ano naman ang trip ng professor namin at pairing pa talaga. Hays. Nga pala di ko pa kilala tong katabi ko. Bakit kaya ang tahimik nito. Kung di pa sinabi ni Miss yung about sa pairing, di ko malalaman na may katabi ako. Paano ba kasi? Ang tahimik. Di ko nga naramdaman na may tumabi e.
"Hi! I am Herminie, and you are?" I extended my arm so that I can reach him. Oh diba? Haha. Pero di parin ako pinapansin ng lalaking to. Bingi ba ito?
"Pre, tingnan mo partner ni Herminie, si Jorimu. Hahaha. Matatagalan kaya nya yan? Sayang naman napunta pa sya sa kulogong yan! Pweee! Hindi bagay!"
"Sinabi mo pa!"
Narinig ko ang mga lalaki na akala mo ay bumubolong pero dinig na dinig ko naman. Ang sarap tirisin. Kainis. Pero etong partner ko makukutusan ko to pag di pa tinanggap ang kamay ko!
"Jorimu." Tinanggap nya nga kamay ko pero alam nyo kung pano? Hinawakan lang nya ang tip ng mga daliri ko. Anong problema ng lalaking to? May allergies sa babae?
"Ahm Jorimu, regarding sa activity, saan natin gagawin?"
"Saan mo ba gusto?"
"Sa library! Okay lang ba?"
"Okay."
"T-teka, kanina ka pa a? Bakit ba ayaw mong humarap sakin?"
"Pasensya na kung ako magiging partner. Nadinig mo naman ang mga pinagsasabi nila diba? Malas mo at napartner mo ako."
"Teka lang, anong malas? Anong kadramahan yan? Hays. Humarap ka nga dito. Baka bigwasan kita dyan. Masabihan pa akong baliw dito. Akala nila wala akong kausap."
Humarap naman sya at laking gulat ko na. . .
"T-teka, diba ikaw yung nabangga ko kanina?"
"Hmm, oo. S-sorry ha?"
"N-naku, naku. Ako dapat ang mag sorry kasi nga kasalanan ko naman talaga yun e. Hindi kita napansin, nagmamadali kasi ako."
"Naku, wala yun."
"Tsaka, sorry talaga. Nasigawan talaga kita. -_-. Pero seryoso, wag kang ma offend. Haha"
"A-ano yun?" Kinabahan ata. Biglang namutla e.
"Birth mark ba yang nasa mukha mo?"
"A-aah yes." Tipid nyang sagot sakin.
"Ang astig naman. Ako kasi, walang birth mark. Haha. Mabuti ka pa. ^___^"
Pagkatapos kong sabihin sa kanya yun ay namula ang mukha nya. Hala? Galit ba to? Hala. Lagot na.
"Jorimu? Galit ka ba? S-sorry."
Bigla syang nag walk out. Hindi man lang sinagot tanong ko. Hays. Malamang galit yun. T___T yung activity palaaaaaaa! Waaaaah T____T
Lagoooot na! Herminie naman e! (╥ω╥')
Jorimu's POV
"Ang astig naman. Ako kasi, walang birth mark. Haha. Mabuti ka pa."
"Ang astig naman."
"Ang astig naman."
"Ang astig naman."
Parang sirang plaka na pa ulit-ulit na nag pi-play sa aking utak ang sinabi nya. Kaya ako nag walk out, kasi di ko kinaya. Daig ko pa ang babae sa inasta ko kanina. Tss.
Bakit nya ba kasi sinabi yun? Tss.
Nag lakad-lakad lang ako dito sa soccer field nang makita kong tumatakbo si H-herminie at parang may hinahanap. ┌ʕ º ʖ̯ º ʔ┐
Tumalikod agad ako. T-teka, bakit naman ako tumalikod. Asa naman na ako ang hinahanap ng magandang yun. Tss. Yeah. Maganda. Napakaganda.
Tumalikod ka talaga kasi feel mo ikaw ang hinahanap nya.
Anong ako? Bakit naman nya ako hahanapin?
Haha! Malay natin? Pero umaasa ka! May pagtingin e!
Anong umaasa? Hindi no! Tsaka pagtingin? Malamang may mata ako!
Haha. Sige lang. Lokohin mo sarili mo.
Nababaliw na talaga ako. Nakikipagtalo ako sa sarili ko. Yung parang may angel at devil na nagsasagutan e. Ganun!
"JORIMUUUUUU! JORIMUUUU! WAIT!"
I froze. S-so ako talaga ang hinahanap nya? A-ako talaga? Pero bakit?
I face her at hinihingal talaga sya. Tss. Bakit ba kasi sya tumakbo?
"J-Jorimu, s-sorry talaga. S-sorry. Wag ka ng magalit please?"
T-teka! Bigla nalang sya lumuhod at yung mukha nya. Shit pinagtitinginan na kami at nagbubulungan na ang mga tao.
"A-ano ba ang ginagawa mo Herminie? H-hindi ako galit. Tumayo ka nga dyan."
Sabi ko sa kanya na parang galit. Takte naman Jorimu.
"My gosh! Look at her! She's so kawawa. Jorimu is a monster!"
"Ang kapal ng mukha ng panget na yan para ganyanin si Herminie! I can't believe it!"
"Ang lakas ng loob nya para gawin nya yan sa babae. See that gurl? She's beautiful. Ano to? Beauty and the Beast? Hahahaha!"
"Bro! Feeling gwapo amputa! Babae pa talaga ang ginanyan."
I want to scream. Gusto kong magwala! This is not happening to me.
"Will you please mind your own business? Stop throwing bad adjectives to him! Kung makapanglait kayo akala nyo naman perpekto kayo! Lumayas kayo! And one last thing! Hindi sya panget. Kayo ang mga panget!"
I froze again. Shock is written all over my face and a few seconds turn into red. All my life no one defend me, especially when it is about my looks. For the first time of my life someone defended me in front of many people. But anong rason nya para gawin yun? Bakit nya kai-
"Jorimu naman e. Kanina pa ako tawag ng tawag sayo. Sorry talaga."
"Y-you! W-why did you that? You don't know na pagkatapos ng ginawa mo e tatantanan ka nila? No! They will just bully you! And they will bully you because of me. You are not thinking!"
"I don't care Jorimu. I told them you are not ugly because you are not! And please, samahan mo ako sa cafeteria. Nagugutom na ako."
"Magpasama ka nalang ng iba."
"As if I want to make friends with those bitches. Don't me. Let's go! I'm starving. ʕ ͡° ʖ̯ ͡°ʔ"
She really drag me. But I feel something strange in my chest and I don't know what is this. Kailangan ko atang mag pa check up.
A/N:
Please comment down your thoughts guys. Comments and votes are highly appreciated.
-Riri 💕
YOU ARE READING
My Only Panget
Teen FictionAng kwentong ito ay hango lamang sa imahinasyon ng butihing author na walang ginawa kundi mag imagine lang at isulat. Date Started : February 5, 2018 Date Finished : ------
