Isasara ko na yung pintuan ng rooftop ng bigla siyang magsimula muli. Na nakapan-libre sa akin ng blush-on.
"You know, panget. I think i like you." Wala tuloy sa oras na napahakbang ako, at muntik pa akong malaglag. Bwiset lang nung lalaking yun ah!
Pagkababa ko, sa mini garden muna ako ng school tumambay. Sa buong apat na taon ko kasi dito sa mini garden na ako lagi tumatambay kaya nakasanayan ko na rin pag hindi pwede tambayan ang rooftop. Maganda din kasi dito sa mini garden.
Puno siya ng mararaming bulaklak na makukulay at mababango. Pero isa lang ang gusto ko... ang santan.
Pag nakakakita kasi ako ng Santan may isa akong taong naaalala. Ang kaibigan kong babae. Napagtri-tripan kasi namin tong Santan. At ngayun nasan siya? Wala na siya. Isinama na kasi siya ng mom niya sa canada.
At pagkatapos noon, doon ko nakilala si Adrian... My fvcking boyfriend then after a years we broke up doon ko naman nakilala si Marco... My effin stalker naman tapos si Mr. Who-Ever-He-Is na malaking PERV na sinabing 'he likes me' at kung totoo man yun... Wag naman sana. Di ko pinangarap tumanda ng maaga.
Ng tumonog na yung bell ay pumunta na ako sa classroom namin. At muling napiga ang aking utak, kakaranas ko lang nakaraang linggo ng test tapos biglang may long quiz?! Dyahe, sarap pumatay. Buti na lang din maaga kaming pinauwi ang kaso nga pala may problem pa. Kailangan ko pa tong puntahan ang taong nakatira sa bahay na to.
Pumara ako ng pedicab at sinabi kung saan. Mura lang kasi ang pedicab dito sa amin. Ten pesos isa.
"Kuya sa blah blah blah,to po bayad." Sabi ko kay kuya.
"Gue gue, mem!" Wew leng ah. Jejemon to si keye ah? Grebe!
Ilang saglit lang nakarating na kami and me... Di lang pala me, us pala. Nga nga. Ka-bongga ng bahay na nasa harapan namin.
"Bahay niyo miss?"
Umiling ako. "Sa di ko kilala." Sagot ko kay kuya saka bumaba. Nag-doorbell ako, sa pangatlong pindot bumukas yung gate.
Wow! Hightech! Yaman!
Pumasok ako at pagkapasok ko bigla tong sumara. Nahintatakutan naman ako! Bumalik ako sa tapat ng gate para buksan ito pero di ko mabuksan!
"Kahit anong gawin mo, di mo mabubuksan yan!" So siya pala. Sa kanya pala ako nagkasala? Kinuha ko yung sapatos ko na isa tapos humarap ako kay Marco kasabay ng pagbato ko sa kanya ng sapatos ko.... and boooom! Sapul ang gwapo niyang face.
"Hahahahahaha!" Di ko na napigilan yungpagkahalagpak ko. Patawa kasi yung itsura niya.
"Ikaw! Dahil diyan! Lagot ka, hindi mo alam kung anong ginawa mo. At ngayun, ngayun na pala ang paniningil ko." Sa pagsabi niya noon para akong kinilabutan.
Saka anong sabi niya? Ngayun na siya maniningil? My ghad! Baka patayin na ako ni Marco dahil sa mga pinaggagawa ko sa kanya? Sabihin ko kaya na payag na akong maging gf niya... Pero ang pride ko?!
"Bakit mo ako pinapapunta dito at talagang principal pa ang inutusan mo?" Matapang na sabi ko dito. Dpat di ako magpakita ng takot kahit na nasa teritoryo niya ako.
Binigyan niya lang ako ng isang smirk. "Wanna know why?"
"Gago ka ba? O talagang pinanganak kang tanga? May pa wanna know why ka pa diyan? Kaya nga kita tinatanong di ba? Ibig sabihin gusto kong malaman! Common sense naman diyan!"
"Dami pang sinabi. Kaya kita pinapunta dito para mag-overnight." Handa na sana akong magprotesta ng magsalita siya ulit. "Pag tumanggi ka, hindi ka na makakaalis dito kahit kailan. Saka titigilan na rin kita, kaya ano? Take it or leave it?"
Tama ba yung narinig ko titigilan na niya ako? Pero pano naman ako makakasigurado? Kaso pag di naman ako pumayag hindi na ako makakaalis dito magpakailan man.
I take it or leave it?
Hay... sige na nga. Wala namang mawawala basta ba wag niya lang ako gagapangin. Dahil ang puri ng isang dumadian ay mahal!
Mas mahal pa sa buhay nitong taong nasa harapan ko.
"Hoy---"
"Shuddap handsome... Handsama ng mukha! Oo na, payag na ako! Basta ba wag mo lang ako gagapangin!"
"Gagapangin daw. Swerte nga siya kung gapangin ko siya eh, bakit lugi pa ba siya ako----"
"Gaga ka! May pabulong bulong ka pa diyang nalalaman! Bugbugin ko yang birdy mo ng mabaog ka eh!" Inis na sigaw ko dito. Pero katulad nun nginitian niya lang ako. "Pero bago pala ang lahat, may load ka?"
"Bakit?"
"Makiki-text ako."
"Sinong ite-text mo?" No ba to? Daming tanong! Mainis nga to!
"Boyfriend ko bakit?" Nakataas kilay abot langit.
"B-boyfriend? May boyfriend ka?!"
"Hahahahahaha, selos? Bakit bf ba kita? Etchos nito. Ska joke lang yun no, text ko magulang ko na mago-overnight ako dito sa bahy ng kaklase ko kasi may gagawin kaming project at baka gabi na kami matapos, okay?" Tumango siya. "Akin--- waaah!" Nagulat ako ng bigla niyang ibinato yung phone niya sa akin. Bastos talaga tong lalaking to! Buti na lang kamo nasalo ko.
Tiningnan ko siya ng masama at enerapan.
"Lam mo, kung ganito lang pala ang halaga ng phone mo sayo bat di mo na lang ibigay sa akin? Ng magkaroon naman ako ng iPhone5 na cp, torque lang kasi tong cp ko eh." Sacarstic na sabi ko dito.
"Di sayo na. Meron pa naman ako dito." At mula sa bulsa niya inilabas naman niya yung Oplus na cp niya na yung bagong labas lang. Tae lang ah. Yaman! Saka ang laki ng bulsa niya ah.
Pumasok na kami sa loob ng bahay ni Marco unggoy sa kanyang bahay. And sosyalin talaga! Yung vase nila kung di silver, ginto. Tapos may mga kutsara din na nakadisplay na 'pure' ginto daw sabi ni Marco.
Siya na mayaman! At ako na ang mahirap XD.
---
Wala na pala pong part 2 yung wet dreams hahahaha! Hope you like it!!!
Sorry sa mga typo!,, at mga wrong grammars.
3rd Chasing (Overnight)
Magsimula sa umpisa
