Ika-12 ng Hunyo, taong 2013.
Nakilala kita,
Nagkatagpo ang ating landas,
'Di aakalaing may isang taong katulad mo ang aking makikita.
'Di ko alam kung bakit biglang pumintig ang aking puso ng kay lakas.
Pero dahil bago ito sa aking damdamin,
Hindi ko na lamang ito pinansin,
At pinagpatuloy ang paglalakad sa kwarto ng aming silid-aralan habang ang aking mga mata ay pilit hinahagip ang iyong mga mata.
At lumipas man ang ilang araw, buwan at taon,
Ano mang pagsubok ang haharapin,
Ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin ng aking puso.
Irene
YOU ARE READING
The 10 Chapters of Irene
Teen FictionNaranasan mo na bang mahulog sa isang taong 'di mo aakalaing magugustuhan mo? At kung kailan handa ka ng magmahal, handa ka ng buksan ang iyong puso, Doon mo mararanasan ang sinasabi nilang "Masakit magmahal" Bakit kasi siya pa? Bakit papana na nga...
