EPILOGUE

223 18 6
                                    

A/N: Dalawa po inupload ko this day ha. Ito saka yung 6.2. Baka kasi ma-miss nyu yung 6.2. ^___^

Napangiti ako habang lumalapit sa kanya. Ngumiti siya at ang ngiting iyon ang bumubuhay sa akin araw-araw. Siya ang nagpapalakas ng loob ko sa mga oras na gusto ko ng mamatay. Siya ang nagbibigay ng saya ko at buong buhay at lakas ko ay iniaalay ko sa kanya pero hindi ko maitatanggi na may espasyo sa puso ko na hindi na muling mapupuno pa.

“LJ… let’s go home na?”

“Pewo mommy, gusto ko pa magpwey.” Hinayaan ko na muna siyang makipaghabulan sa mga kalaro niya pero ni minsan hindi ko hinayaang mawalay ang tingin ko sa kanya.

Tatlong taon na ang nakalipas nang nawala ang ama niya. Naalala ko pa nung araw na isinangga niya ang sarili niyang katawan para sa akin. Narinig ko ang putukan pero isa lang ang nakita ko, ang dugo na unti unting kumakalat sa damit niya.

Nakatingin siya sa mga mata ko at ngumiti.

“I love you Jasmine. Mahal na mahal kita.”

Yun ang mga huling salitang binitawan niya at araw-araw, gabi-gabi, naririnig ko pa rin sa isip ko ang mga salitang iyon.

“Lester! Lester! Wag mo akong iwan.. please, tulungan niyo siya… please…”

Hindi mapigilan ang pag-iyak ko. Nagmakaawa ako sa lahat ng taong naroon na tulungan nila ako hanggang makarating ang ambulansya. Nawalan na siya ng malay bago pa siya maipasok.

“Lester, wag mo akong sukuan!”

Pero sumuko na siya… Dead on arrival ang sinabi nila pero hindi ako makapaniwalang wala na siya. Tumakbo sa isipan ko ang mga masaya naming alaala. Kung nagsabi ako ng totoo sa kanya, sana buhay pa siya.

“What? My roommate’s a guy?! Oh well, you’re cute. We’re going to have lots and lots of fun.”

   “Ewan. Hindi ako interested. Magtratrabaho pa PO ako pwera lang kung may oorderin ka.”

“Ansungit mo naman! Nakikipagkaibigan lang eh.”

Iba siya sa mga lalakeng nakilala ako. Never siyang nagtake advantage sa akin. Lagi niya akong sinusungitan. Lagi niya akong iniiwasan pero hindi ko siya sinukuan. Mula ng araw na iyon, ipinangako ko sa sarili ko na balang araw, mamahalin din niya ako.

“Bakit ang frigid mo? Are you gay?”

“Are you gay?”

“OO! Tantanan mo nga ako.”

Siyempre, hindi ako naniwalang bakla siya. Sa gwapo niyang yun?! Lagi akong nagsuot ng maiiksi kapag nasa kwarto ako kasi alam kong lalake siya pero alam ko namang hindi niya ako pagsasamantalahan or anything. Mas lalo ko siyang hinangaan kasi hindi siya bumigay sa mga pang-aakit ko.

“From this day forward, I will be a good and loving and faithful girlfriend to Mark Buendia, no matter what his real name is or who he really is. Ikaw din. Magpromise ka din sa akin.”

  “Haaayss… andami namang kaartehan o. Simula sa araw na ito, ako, si Mark Buendia o kahit ano pa man ang tunay kong pangalan, ay nangangako na magiging mabuti akong boyfriend kay Jasmine Miramonte. Pinapangako kong aalagaan ko siya at proprotektahan sa abot ng aking makakaya. Masaya ka na?”

Isa sa pinakamasayang araw sa mundo ay nung pumayag siyang maging boyfriend ko kahit medyo blinackmail ko siya. Masaya kami sa isa’t isa. Minahal niya rin ako gaya ng pagmamahal ko sa kanya at nung six months namin…

“Do you regret what we did?”

“Regret? Nagpapatawa ka ba Mark? It was the best thing that ever happened to me. I love your body, you gave me so much pleasure. I love you so much.”

  “I love you so much too.”

Ibinagay ko sa kanya ang sarili ko at hinding hindi ko pinagsisihan yun. Mahal ko siya at mahal niya rin ako at yun ang pinakamahalaga sa lahat.

            “Lester… thanks for giving me the best holiday ever.”

            “Thank you rin Jasmine.”

            “Saan?”

            “Sa lahat, lalo na yung pinilit mo akong maging girlfriend kita. That was the best thing that I ever did.”

It was also the best thing I did. Habang pinapanuod ko ang fireworks nang gabing yun, sumasabog rin sa saya ang puso ko. Lalo ng hinalikan niya ako. There were colors everywhere: pink, red, blue, purple… Gaano man katingkad ang langit sa gabing yun, wala ng mas titingkad pa sa pagmamahalan namin.

“I love you Jasmine. Mahal na mahal kita.”

Binalak kong magpakamatay minsan dahil akala ko hindi ko na kakayanin na wala si Lester pero isang umaga, bigla na lang akong nahilo. Araw araw yun at nabuhayan ako ng loob. Nagsuspetsa ako na baka buntis ako at totoo nga.

Isinunod ko siya sa pangalan ng daddy niya at habang lumalaki siya, mas lalong nakikita yung pagkakahawig niya sa ama niya.

“I love you too Lester. So much…”

Namumula na ang langit.

“Lester, honey, come here na.”

            Patakbong pumunta sa akin ang baby ko. Tumatawa siya at dali dali kong binuhat.

            “Mommy, kanina dapa ako pero hindi ako nag-cwy. Tapos, tapos… naghabulan kami nila Leo, at Bambi! Hindi nila ako mataya.”

            Malaki ang ngiti niya habang nagkwekwento. Isa akong malaking tanga kung itinuloy ko dati ang pagpapakamatay. Nawala nga sa akin si Lester pero may ipinalit ang Diyos sa akin. Binigyan niya ako ng isang makulit na prinsipe na aalagaan ko habang buhay habang ang ama niya ay nasa langit at nagbabantay sa amin.

            “Mommy, cwy ka na naman?” Pinunasan ko na yung luhang tumutulo sa aking mga mata at ipinahiga na ang baby ko.

            “Baby, pray ka na.” Sinabi ko kay Lester bago siya matulog.

            “In the name of the Father and of the Son and of the Holy Spirit. Lord Jesus, bwess Mommy, bwess Daddy, bwess wowa, bwess wowo. Alagaan mo po ang daddy ko jan ha kasi sabi ni Mommy kasama mo na daw siya sa heaven ngayon. Sabihin mo pa kay Daddy ko na miss na miss na namin siya ni Mommy. Sabihin mo din na wuv na wuv namin siya. Amen.”

            Gabi gabi ako napapaluha pero dahil sa saya. As much as possible, gusto kong makilala niya ang daddy niya.

            Nahiga na din ako at dahan dahan kong pinatay ang ilaw.

Lester, nasaan ka man, mananatili ka sa puso ko habang buhay. Ikaw ang knight-in-shining armor ko at ang hero naming dalawa ni baby LJ. Siguro, may darating na lalake para sa akin pero kahit kailan hindi kita makakalimutan. Habang buhay kong aalagaan ang pagmamahalan natin sa puso ko. I love you Lester. Mahal na mahal kita.

_____________________________________________________________________________

A/N: Thank thank thank you for reading this guys! Saka sana mag-vote and comment kayo ha? You don't know how much happiness an author can be every time he/she receives a vote.

Nyahaha. Choz ko lang yan. Please read my other stories po! Check niyo na alng page ko. Hehe. I love you so much guys. Mwaps! :D

SOFT COPY??? Click niyo lang po yun External Link sa baba ng cover dyan sa upper right side. Mahal ko kasi kayo eh. :D

The Story of Lester: Lester's Fight [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon