6.1: Truth

274 19 12
                                    

           “ANAK!”

            “Mom… I missed you so much.”

            “I missed you too son. Look at you.” Tinignan ako ni Mom mula ulo hanggang paa. “Ang payat mo na.”

            Natawa lang ako.

            “Ma, may ipapakilala ako sa’yo.” Tumingin ako kay Jasmine at tinawag ko siya. “This is Jasmine, the girl who makes me happy.”

            “Oh you’re beautiful,” sinabi ni Mom at yinakap din si Jasmine.

            Pumasok na kami sa loob ng bahay. Idinala ko kaagad siya sa kwarto ko. Muntik na akong nagpanic kasi nandun pa rin yung picture ni C-Ann na kasama ko. Si mom naman, di man lang tinanggal.

            “I can explain.” Sinabi ko kay Jasmine.

            Nilagpasan niya lang ako at tinignan yung isang naka-frame at hinawakan ito. “This is the bitch who’s with you bago naging tayo.”

            “Well…”

            “She’s past right? RIGHT?” Nakakatakot yung pagkatanong niya.

            “Oo naman. Akin na yan at ililigpit ko na lahat.”

            “But I want you to burn them. Lahat ng pictures na may kasama kang ibang babae.”

            Napatawa ako. Naalala ko isang beses nung may nagpacute sa akin sa mall habang gumagala kami. Lumapit si Jasmine sa kanya at binigyan yung babae nang mapanlait na tingin mula ulo hanggang baba. Tapos, inaya niya na akong umuwi.

            “What are you laughing at? Seryoso ako.”

            “Alam ko, eto na o.”

            Inalis nga namin yung mga pictures tapos naghalughog pa siya ng gamit ko at tanong ng tanong.

            Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang nakuha niya mula sa isa sa mga cabinet ko at ipinakita sa akin.

O____O

            “Uhh babe? Give me that.” Sinabi ko at inabot ko yung hawak niya pero inilayo niya yung thing na yun.

            “It’s so unfair. You’re my first but I’m not your first!” Nakasimangot siya.

            Wala akong masabi. Ano bang dapat sabihin sa mga situations na ganito? Saka alam naman na niyang hindi siya ang una ko eh.

            “Eh kasi…”

“Shut up. Talk to the hand.”

Tinalikuran niya ako at nahiga sa bed. Matinding suyuan ito. >_<

“Uyyy. Jasmine… I love you so much.” Sinabi ko habang tumatabi sa kanya. Niyakap ko na din siya pero hindi niya ako pinapansin.

“Jasmine…”

“Uy Jasmine, it’s not important who’s my first.”

Maya maya ay napagod na din ako.

“I’m gonna sleep muna. Wake me up pag gusto mo na akong kausapin ha?” Hinalikan ko yung buhok niya at natulog na.

Nagising ako nang marinig na humihikbi si Jasmine.

“Jasmine, anong problema?”

“Wala, wala, wag mo akong intindihin.”

The Story of Lester: Lester's Fight [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon