4: The Deal

189 14 3
                                    

            “Oy, makulit na babae. Dali na, malelate ka na sa klase mo!” Yinugyog ko siya.

            Bigla na naman niya akong niyakap. Hanggang ngayon nagugulat pa rin ako kapag ginagawa niya yun. Pero hindi na ako nagagalit gaya nung dati. At heto pa, may klase pala siya ng 8 AM eh kapag umaalis ako ng apartment nakatulog pa rin siya.

            “Ayaw pa. Sleep muna tayo.”Nakayakap pa rin siya sa akin.

            “Naman Jasmine. Papasok pa ako ng work at papasok ka pa sa klase mo.” Ibinangon ko na siya at ipinahiga sa floor. Hindi pa rin siya tumayo. “Kapag di ka pa bumangon, papasok na ako ng trabaho at bago yun, tatapakan muna kita.”

            “Umpf.”

            Bumangon na nga siya.

            Ilang linggo na kaming magkaayos. Lagi kaming nagkwekwentuhan. Madalang na rin yung mga pag-uwi niya ng madaling araw. Nagsorry na ako sa kanya, yung mga pagtrato ko. Pinatawad niya naman ako.

            “I understand. Its so easy to misunderstand me afterall.” Yun yung sinabi niya sa akin dati.

            Totoo nga yung sinabi ni Charles, maganda nga siyang kasama. Lagi niya akong napapatawa. Lagi niya akong sinusubukang ilibre pero ayoko. Lagi din kami sa diner sabay na naghahapunan. Kagi ako inaasar nung mga katrabaho ko. Idagdag mo na rin si Mrs. Carina.

            “Kita na lang tayo mamaya.”

            “K.” Narinig kong sagot niya na naka zombie mode pa rin.

            Kahit lagi akong napupuyat ay maganda pa rin ang gising ko. Siguro dahil sa kanya? Ewan. Pero kung dati, masaya ako. Ngayon, masayang masaya ako.

            “Morning!” Bati ko kay Ate Dolores, isa sa mga waitress.

            “Maganda na naman ata ang gising mo ha? Dahil ba kay…”

            “Ano? Ikaw talaga.”

            Pupunta na sana ako sa counter pero may bigla akong may nakita. Lumingon ako at nagtama ang paningin namin. It can’t be…

The Story of Lester: Lester's Fight [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon