WPFTJ: CHAPTER 2

90 18 8
                                    

 

.

>WHAT? STAYING WHERE? HERE?<

------------------------------------------------------------------------------------------------------

.

Nakakalungkot isipin na ilang buwan na ang lumilipas pero hindi ko pa rin nakikita ang babaeng nagpatibok ng aking puso. Sinubukan ko na abangan siya sa labas ng gate ng school niya, pero ni anino niya hindi ko manlang nasulyapan. Ilang linggo kong ginawa yun pero bigo pa rin ako. Siguro nga hindi kame para sa isa't-isa, makakalimutan ko rin siguro siya.

.

Tuluyan na akong nawalan ng pag-asa na makita pa siyang muli, kaya naman nagfocus na lang ako sa pag-aaral ko.  Sabi nga nila diba kung para talaga kayo sa isa't isa paghiwalayin man kayo ng pagkakataon magkikita at magkikita pa rin kayo. Sa nangyare samen dalawa isa lang ang ibig sabihin, hindi kame para sa isa't isa.

.

Ako nga pala si Kenneth Torres Harris, half filipino half british. Kent ang palayaw ko. Sa UK ako lumaki, dito ako pinagcollage ng mga magulang ko para maantabayanan ang negosyo namen dito, although hindi ako ang namamahala nun, sabi ni Daddy maige na rin daw na may isang family member ang pwede umattend sa meeting. 19 years old na ako, 3rd year college sa kursong Business Administration sa UP Diliman. Mag-isa lang ako sa tinitirhan kong bahay sa taguig, tuwing hindi sila busy saka ko lang nakakasama ang mga magulang ko at ang nag-iisang kong kapatid na babae.

.

Matatas ako magtagalog dahil bata pa lang kame ng kapatid ko tinituruan na kame ni Mommy na magtagalog, isa pa dati pa man nagbabakasyon na kame dito. Wala naman na akong masasabi masyado tungkol sa sarili ko. Simpleng binata lang ako na masipag mag-aral. School at bahay lang ako, walang bisyo, at walang barkada. Wala pa akong nagiging girlfriend since birth, baket? hindi ko rin alam, baka kasi hindi ako pogi kaya ganon. *Hahahaha*

.

Bukas simula nanaman ng second semester, simula nanaman ng pasukan at ng pagsubsob sa pag-aaral. Gagawin ko na lang na libangan yun para mawala sa isip ko ang misteryosang babae na yun. Tama. Tama. Tama. Isa pa kailangan ko na magkaroon ng matataas na grades, yun kasi ang magiging basehan ni Daddy kung ipapahandle niya ba saken ang kompanya namen sa future. Ako ang panganay kaya kailangan ko gawen ang lahat para hindi mabigo ang pamilya ko saken.

.

*Kinabukasan*

.

Kala ko magiging ordinaryong araw lang to pero hindi pala, kanina kasi nakabangga ko siya sa may sidewalk, tinulungan ko pa nga siyang pulutin yung mga nahulog niyang gamet. Nagthank you lang siya bago tumuloy sa pagtakbo. Nakakapagtaka kung baket siya nananakbo, problema nanaman kaya niya? Susundan ko pa sana siya kaso naalala ko na first day nga pala ng pasukan kaya hindi ko na nagawa. Ayoko mamiss ang first daw, mag aala vip nanaman kasi ako pag bukas pa ako pumasok. VIP? yung bang aman ng usap-usapan sa klase, nakakairita yun kaya iniiwasan ko na mangyare.

.

Pumasok ako sa school kumopya ng mga notes, nagtake ng quiz, pinakilala ang sarili sa mga classmates, kung ano ang laging nangyayare sa school yun ang nangyare sa buong linngo ko. May mga babae na nakikipag kaibigan saken, nginingitian ko na lang sila. Ayoko naman na kasi na may umasa pang muli na magkagusto ako sa kanya, nangyare na kasi yan nung unang pasukan nung first year pa lang ako. Hindi ko naman sinasadya yun, pero nagkagusto saken yung isang babae dahil sa pag entertain ko sa kanya at pagiging mabait. Hindi ko siya sinasadyang masaktan kaya ngayon iniiwasan ko na rin lang na maulet.

Wrong Person for the JOBWhere stories live. Discover now