Halos walang umiimik ni isa sa kanilang lahat, tilay parang nagsiurong ang kanilang mga dila na wariy di makapagsalita. Kung gripo lang sana ang luhang lumalabas sa kanilang mga mata ay malamang ay baha ang ginalabasan.
Walang humay ang pagiyak ninang lahat maliban na lamang kay James na parang natulala nang malamang dinukot ang kanilang anak. Dilay parang pinagsukloban siya ng langit at lupa na wariy pasan pasan nito ang bigat na siyang nararamdaman niya ngayon.
Walang nino man sa kanila ang makapagisip nang maayos pati na si Shaira na kulang na lang ay may ilibing sa pagluluksa. Isa siyang ina kaya mahirap ang pakiramdam na mawalay sa kanyang anak, ayaw niyang mawala ang anak nito sa kanyang paningin dahil sa tiniis niya lamang ang lungkot at pagkamis niya sa kanyang kambal habang nadito siya sa pilipinas at ang mga anak niya ay nasa ibang bansa
"Patawarin mo ko ate Shai" aniya ni Shane habang himihingos kasabay ng pagagos ng iilang butil nang luha nito. Pero walang imik lamang si Shaira nang sabihin iyon ni Shane dahil sa nasa mga anak niya nakatoon kung paano niya makukuha ang mga anak niya "hindi sana mangyayari to kung hindi ko sila iniwan na maglaro doon sa plaza" dagdag pa nito
Ilang sandali pa ay narinig niyang bumukas ang pinto nang room ni James kung saan pumasok ang matandang lalaki "Papa"bulalas ni Shaira na halos kitang-kita rito ang hingal na matanda habang kasama nito sa likoran si Karen na siya ring hingal na hingal
"Anak" aniya ng matanda at agad naman itong napalapit sa kanyang anak at mariin siyang napayakap rito
Humihikbi si Shaira habang yakap-yakap ng kanyang ama, pero inaalo ito ng kanyang papa habang si James naman ay naluluhang napatingin sa kanyang asawa na tilay nararamdaman niya ang sakit na nararamdaman ni Shaira
Makalipas ng ilang oras na kakaiyak ni Shaira ay kinausap nang matanda ang in private dahil sa naawa siya rito baka kung ano pa ang magawa kung sakali
"Shaira" usal nang kanyang papa sabay hinawakan ang balikat nito. Agad namang napaangat ng tingin si Shaira upang tingnan ang ama na siyang napapangiti upang pagaanin ang loob nito "huwag kang mawalan ng pagasa"
"Mayparaan pa para mabawi ang mga anak mo, manalig ka lang anak sa panginoon. Nandiyaan siya sayo na palaging gumagabay sa tabi mo" sabay naman pinahid ng kanyang papa ang siyang umaagos na luha nito sa pisngi. Mariing hinawakan ng kanyang papa ang kamay nito nang mahigpit "dapat lakasan mo ang loob mo para sa mga anak mo. Hindi ka dapat mawalan ng pagasa, dahil sa ikaw ang pagasa nila" puna ng kanyang ama na siyang nagsisimulang tumulo ang mga luha na siyang pinipigilan niya kani-kanina lang
Mariing hinagod ng papa ni Shaira ang likod nito upang maging dahilan upang mapatigil ito sa kaahikbi
"Salamat pa" aniya ni Shaira sabay naman napayakap sa kanyang ama. Alam niyang ngayon niya lang naramdaman kung paano siya aluin ng kanyang papa, sadyang nagbigay ito nang kaunting liwanag sa kanyang puso upang lumaban
-------------------------------------------------------------
Please Vote and Follow me✌✌✌
@DancingFucker💋💋💋
YOU ARE READING
Devastated Wife[COMPLETE]
RomanceHindi mo man kayang tumbasan ang pagmamahal ko, pero kaya kung gawin ang mahalin mo ko The Revenge of a Wife
![Devastated Wife[COMPLETE]](https://img.wattpad.com/cover/131673259-64-k803900.jpg)