LuRi-The Edited Version (2018)

72 4 0
                                    

My Classmate, My Love (Short Story) by Claire Eunice Cabrera — babyitsCEC



Raffaela

May pasok pa pero nakakatamad na, ilang months na lang graduate na ako sa highschool. Pero bakit kahit tinatamad na ako, eh ayoko pang grumaduate? Hmm, siguro gusto ko pa siyang makasama ng mas matagal. Hihi

Alam niyo kung sinong tinutukoy ko? No other than my secret crush, his name is Xander Louis Javier. I rather call him Baby Lulu in my mind. Mihehe~ Classmate ko siya ngayong 4th year, transferee lang kasi siya.

Gwapo naman siya, matalino siyempre, pero kung magtatanong kayo sa ugali niya? Hahaha better ask Judas. Lol

Nagustuhan ko siya sa hindi ko malamang dahilan, basta nangyari nalang na isang araw masaya na ako pag nasisilayan ko siya.

Mahilig siyang sumayaw, minsan nga eh nasasabihan na siya ng iba na nababaliw na daw siya kasi minsan bigla-bigla nalang siyang sumasayaw. Pero ang cute kaya, swag!

He loves Kpop, I love Kpop too. Bias ko, bias din niya. Minsan nga nag-aagawan pa kami ng Kpop artist eh kasi nga magkapareho kami ng gusto. Is this destiny's choice? O to the M to the G! How I wish.. Hahaha!

Nasa room nga pala ako ngayon, malungkot! Baket? Wala kasi ang happy pill ko. Papasok kaya siya?

"Ang aga-aga pa, ba't parang sinakluban ng langit at lupa yang pagmumukha mo?" Tanong ni Milky, kararating niya lang. Lagi nalang talagang late ang babaitang ito.

"Oo nga, bakit kaya? Namumulubi ka na ba? May piso pa ako dito oh, sayo na. Hehe," Ang lame talagang magjoke nitong si Cassidy. Tsktsk.

"Haha! Di yan, hula ko, nakulangan siya sa pagkain. Takaw kaya nyan. " Isa pa 'tong si Scarlett eh, magkaibigan nga sila ni Cassidy. Ang ku-corny.

"O baka naman.. may hinahanap ka na wala dito?" Oops, nadali ata ni Prancheska ang kaletsehan ko ngayon ah. Halata niya ba? Naman eh! Tumigil ka na sa kaartehan mo Raffy.

Nasabi ko na bang may mga kaibigan akong mala-Vice Ganda kung mang-asar? Oh well, hindi pa nga. I have 4 bestfriends, we are 5, as in FIVEBULOUS. You want to know more about us? Well, that's another story. /winks;

Okay, back to reality..

"H-ha? Ano ba, hindi 'no. Tama si Miah, gutom lang ako." Pagmamaang-maangan ko.

"Weh? Yung totoo? Wag nga kami Raffy," Usisa ni Milky.

"Gutom nga sabi ako, tara punta tayong canteen." Makakapanglibre pa talaga ako ng wala sa oras nito. Panindigan mo yan Raffy!

"Talagey? Sige ba, libre mo ah." Letse, kung makapang-asar kanina na namumulubi na raw ako wagas eh. Tapos, siya itong magpapalibre ngayon. Wow naman Cassidy, lodi!

"Libre mo ah, ipapabili ko lahat ng pagkain dun." Aba naman, ginawa niyo pa akong financer niyo. Mga animals, kung di ko lang kayo kaibigan eh. Nakuuu~

"PG ka talaga eh." Asar ko nalang kay Prancheska.

"Hindi 'no!" Tamo, di daw siya PG pero ipapabili niya lahat ng gusto niyang pagkain. Kaloka!

So, ayun nga, no choice ang lola niyo. Naglakad na kami papuntang canteen, ang swerte namin at malapit lang yung room namin sa canteen. Umorder lang kami ng sandwich at juice, kasi yun lang talaga ang afford ko sa ngayon. Ang bababoy kasi nitong mga kaibigan ko. Tch.

My Classmate, My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon