Chapter 2: CRUSH

256 2 0
                                    

Chapter 2: CRUSH

 

DARA’s POV

 

Pagkababa namin agad ni Ate sa kotse ng magkapatid, dumiretso ako agad sa kwarto ko dahil madami pa akong paper works.

“Dara! Dito ka muna.” Sigaw ni Ate

“No, I can’t Ate. I have so many things to do.” Sabi ko at tumakbo paakyat sa kwarto ko

Nagpalit na ako ng pinakapreskong damit ko para maumpisahan ko na ang tambak na paper works ko. Haaaaaaaay. Kaya ko ‘to.

Nagsando lang ako na may manipis na strap na color white tsaka short tapos messy bun tsaka yung maliit kong eyeglasses. Hehe.

Inayos ko na yung mga gamit ko sa may terrace ng kwarto ko. Yung makikita yung mga dumadaan na kotse o mga tao sa village namin.

Bumaba muna ako at kumuha ng juice at oreo sa ref para may kinakain ako habang tinatapos yung FS.

“Lalalalala… lalalalala…” kanta ko sa kusina

“Hey yow sister!” biglang sulpot ni Ate

“Why?” tanung ko sa kanya pagkaharap ko

Nakaupo sya sa may table namin.

“Sexy natin a?” sabi nya at nginitian ko naman sya

Pagkatapos kong naayos yung pagkain ko, umalis na ako sa kusina at sumusunod naman si Ate.

“Bakit ka sumusunod?” tanung ko sa kanya

“May sasabihin ako sa’yo. Hahaha.” Sabi nya na kinikilig pa

Nauna na sya sa kwarto ko. Alam ko na sasabihin nya.

“Ang dami naman neto.” Sabi ni Ate nung nakita na nya yung papers sa table ko at umupo sa isa sa mga upuan sa terrace ng kwarto ko

Binaba ko na yung hawak ko at sinimulan na ang FS.

“Ang gwapo nung magkapatid kanina no?” sabi ni Ate habang nakatingin sa akin

“Bakit? Crush mo no?” panunukso ko sa kanya

“Yung isa, yung GD.” Sabi nya na taas baba yung kilay sa akin

“Mas gwapo naman yung TOP e.” sabi ko pero nakatingin pa rin sa mga papel sa harapan ko

Natahimik naman si Ate.

“Mukha namang masungit yun.” Sabi nya

Love Chain [ON-GOING]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora