⚽️Chapter 25: Drifting

Start from the beginning
                                    

"Alagaan mong mabuti sarili mo Kaiser. Alam ko nahihirapan ka anak. Kung hindi nga lang nangyari satin 'to, ako dapat ang nagtataguyod sa inyong magkakapatid." Papa. Hawak nya magkabilang kamay ko.

"Papa, wag nyo na pong isipin yun. Ilang taon na lang din magkakasama-sama na tayo."

"Kung hindi lang natin sinapit ang trahedyang to anak, sanay hindi nagkasakit ang Mama niyo." Umiiyak na na naman si Papa.

"Pa, tama na yan. Ayan na naman kayo eh. Makakasama na naman sa inyo yang pag-iisip niyo." Ilang taon pa, lalaya na rin si Papa sa kasalanang hindi naman niya ginawa.


Ivo's POV

Ayoko pa ring dumilat.Something soft? Something round?? Something warm? Something two.

Sa couch pala ko nakatulog at may breakfast sa table. Nakalagay sa plate yung 2-piece Chinese Chowking chowpao sauteed vegetable. Nakakatakam. Nasaan si Nom? Wala siya sa kama. Maaga siyang nagising at nag-order pa ng food. Nakakatuwa naman. Ang ganda ng gising ko.

Bumangon nako, itinali ang mahaba kong buhok at nag-inat-inat. Umalis na siguro siya. Anong nakaaen nun at nag-abala pang umorder nito? Aba't nagblender pa talaga ng cold juice tong si Nom saken. Ano kayang lasa ng mapulang juice na'to? Itinaas ko yung baso. Parang kakaiba yung pagkapula niya eh.


Ibiniling ko yung baso at may sticky note."Tnx."

"Tss. Marunong din pala siyang mag-thank you." sabi ko. At may isa pang sticky note dun sa baso.

"Don't worry, it's not your pet."

Pffttt. Pweh! Naibuga ko tuloy yung kinakain ko. Tumakbo agad ako sa kwarto ni Myrtle.


Nana's POV

Iniwan ko na yung mga damit at sapatos ko dun. Naka-white t-shirt lang ako at naka leather sandals ni Ivo. I'm okay now kahit medyo masakit pa rin yung balikat at likod ko. Naalala ko nga pala, today is the submission of report sa Soc Sci 2, pati na rin sa communication arts and a recitation in philosophy. What a fcvkin schedule. Buti nandun pa si Wynwyn sa dorm. Naabutan niya ako.

"Nana!" sinalubong niya ako ng yakap. Sh*t. My shoulder.

"Saan ka ba nagpunta buong gabi? Ni hindi ka man lang nagtext o tumawag. Akala ko kung napaano ka na!" Wynwyn panicked like a Mom.

"I'm sorry. Nalasing ako and nag-stay ako kay-- k-kina Salma, my friend." Liar I am.

"Salma? Babae ba yun? Eh bakit loose t-shirt ng panlalake suot mo at saka yang sandals, panlalake yan ah! Ang v-card mo!"

"V-card? Shut up Wynwyn!! That's gross! We only slept."sabi ko.

"We? Sino ngang 'we' kayo? Don't tell me.. s-si... Iv---" Wynwyn

"Shut up!"

*******

Manhattan University

"Pero sino nga Nana kasama mo buong gabi??" Wynwyn asked. Nag-taxi lang kami and we're walking to the hallway. I wore a beige sweater to cover up my wound and a brown above knee dress. Yeah, I've changed my style. A bit girly-girly today.

"The truth is, sinugod ako ni Lydon sa Collins Hotel."

"What the heck! OMG, ayos ka lang ba?? Anong ginawa niya sayo?"

"Nasugatan niya ang balikat ko at nakatakas siya."

"Tapos?"

"Tapos a-ano.."

Hindi ko na naituloy yung sasabihin ko, biglang may isang black Aston Martin sportscar ang sumulpot sa gilid namin at nagpasikat ng drifting paikot sa kinatatayuan namin ni Wynwyn. Napahinto yung ilang mga kotseng dadaan at nagkumpulan yung mga estudyante paikot samin dito sa hallway. Akala mo may isang grand exhibition na nangyayari dito.

"OMG. Ano 'to Nana? Ang galing niya magdrift!"Wynwyn said na manghang-mangha sa nakikita habang patuloy pa rin sa pagdrift yung kotse paikot sa amin. Sino yung nagda-drive na yun? Tinted ang window niya at bagong sportscar lang sa paningin ko.

Magaling siyang mag-drift ng sportscar niya, the way he drives like a pro. Naka-ilang rounds din siya sa ginawa nya, I think 7 rounds na talaga namang nagpahanga sa buong University.

"OMG! Huminto na siya! Nana, feel ko nakatingin siya saken sa loob ng car!".

Inihinto na niya ang kotse, ang lakas ng hiyawan ng mga tao, parang gusto pa nilang ulitin yung exhibition na yun. Halos gumuhit ang malaking guhit na bilog sa hallway na kinatatayuan namin ni Wynwyn. Sino 'to?

"More! More! More!!Wuhooooo!" loud crowd.

"Wynwyn let's go." Bulong ko sa kanya at hinila si Wynwyn.

"Pero, Nana. Hindi mo lang ba sya titingnan o kikilalanin man lang? Kyaaahh. Nakakakilig ginawa niya!!"

"Para drifting lang, bahala ka na nga dyan. I have to go."

Ibinaba nung guy yung shades niya and nagtilian lalo yung mga babae. Tumalikod na'ko at lumakad palayo pero sinundan ako ng kotseng yun at huminto sa harap ko.

"What the hell." I murmured.

Itinapat nya yung pinto ng kotse sa kinatatayuan ko. Tinanggal niya yung shades at tumingin saken. Nagtilian lalo yung mga babae.

"Got impressed lemon girl?" He smiled and winked at me. si Edge.

Ang dami talagang b*tches sa school na'to. Dinig ko ang mga pagbubulungan nila. No wonder, why girls drool over this oh-so-cool sexy guy named Edge Bang. I was carried away by his manly perfume.

I bent my head and mas inilapit ko pa muka ko sa kanya. Hinila ko yung kwelyo nya, mas naamoy ko yung strong perfume nya habang lalong lumakas bulungan ng mga taong nakapaligid sa amin. I gave my best smile to this smug man. Na-seseduce ko na pala siya nang parang akmang hahalikan niya ako.

"Ooooopsss!" Napaatras ako ng konte. One last flirt smile Nana.

"Next time, mas babaan mo pa body ng car mo para mas swabe ang drifting."

Sabay tulak ko sa broad chest niya and walked forward. Speechless ang crowd. Napapaiwas yung mga tao sa nilalakaran ko. Tinginan lahat sila saken lalo na side ng mga girls na I think inis na inis na. Minsan pala masarap din makipagflirt kesa magpadugo ng muka at bumasag ng bungo. Who knows? Somedaty, I'll be a pro.

HuntressWhere stories live. Discover now