Lumabas ako ng naka-bathrobe.


Una. Ayokong suotin ulit yung damit ko kanina. Damit ko pa yun kagabi eh. >.<



Ayoko namang magsuot ng bagong damit. Bakit?? Bukod sa hindi ko alam kung sa’kin ba talaga yung mga gamit dun sa isang maleta, hindi ko alam kung ga’no kami katagal dito.


Paglabas ko ng banyo, wala ding matinong lugar na pwedeng pag-upuan. Kaya dun ako sa maleta umupo. Haaay. Pa’no ba naman na to?? Ano na lang gagawin ko??



Ang lagkit-lagkit ko na, balot pa ko ng alikabok, tapos para pa kong basang sisiw sa itsura ko ngayon. Wala pang isang oras akong nandito sa bahay na to pero gusto ko ng umuwi.


Kinuha ko yung phone ko at sinimulang i-dial ang number ni mama. Ilang beses na nag-ring yung kabilang linya pero walang sumasagot.



Nag-dial ulit ako, pero wala pa din.




Ano bang problema?? Bakit ayaw niyang sagutin yung tawag ko??!



Lalo pa kong nainis. Naalala ko yung sabi ni mama ko nung bago pa man ako sumakay sa sasakyan ni Charles at sumama sa kanya dito.



“Alam ko lang na mae-enjoy mo ang trip niyo”



Nag-umpisa nang pumatak yung peste kong luha. Enjoy?? Ano ba definition ng enjooooyyy??!!. >.<



*tok!tok!tok!*



Pinunasan ko yung luha ko. Sa mga oras na to, si Manang O ang pinaka-huli kong gustong makita. At kung makikita man niya ko, hindi sa ganitong sitwasyon.




*tok!tok!tok!*




“RB?”



Si Charles.


Napatingin ako sa pinto.

Shut Up or I'll Kiss YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon