Yakap-yakap ko ang sarili ko nang may biglang lumabas mula sa loob ng kubo. Dalawang lalaki ang mga ito na medyo nakainom na.

"Wow. May chick pala rito." Sabi nung isa. Sisiray-siray na ito. "Bakit naman kung kailan pauwi na kami, saka lang dumating ang ka-table?"

"Pinsan ang ganda, tisay..." hindi na rin ito diretsong tumayo. "Hi Miss. Anong pangalan mo?"

Hindi ako sumagot. Sa ordinaryong pagkakataon, malamang, ninenerbyos na ako. Pero noong mga panahon na 'yun. Wala talaga akong maramdaman kundi gutom, ginaw at pagod.

"Oy mga Tiyo!" May lumabas na ikatlong lalaki. Hindi ito lasing pero halatang nakainom din. "Akala ko ba uuwi na kayo? Baka hinihintay na kayo nina Tiya." Saka lang ito napasulyap sa akin na tila nagtataka kung sino ako. Napatitig din naman ako sa kanya dahil medyo kahawig ito ng kuya ko. Mas matangkad nga lang ito at mas malaki ang katawan.

"Uuwi na nga kami. Binabati lang namin itong si Miss beautiful. Bisita mo yata 'to eh." Sagot ng mas payat sa mga lasing.

"Ito yata ang itinatago mong gelpren ha?" kantyaw naman ng isa. "Ikaw ha. Isusumbong kita sa nanay mo! Kaya pala gustong-gusto mong magpaiwan dito sa kubo-kubuhan mo ngayong gabi, ha?"

"Sus! Nagte-trenta anyos ka na Mama's boy ka pa rin? Mag-asawa ka na nga para makawala ka na sa nanay mong bungangera!"

Naghalakhakan ang mga ito. Napapakamot naman ang ikatlo at nakababatang lalaki. Sumusulyap-sulyap pa rin ito sa akin. Gabi man at madilim na, ay may gasera namang nakasabit sa may bintana.

"Umuwi na nga kayo." Nakangiting wika ng nakababatang lalaki, sa dalawang lasing.

"Oo na! Sige...salamat sa toma ha? Until next time pamangkin."

Magkaakbay na papaalis na sana ang dalawang lasing nang lumingon ang isa sa mga ito sa akin. "Miss beautiful. Kung ikaw man ang secret gelpren nitong pamangkin namin. Alagaan mo 'tong mabuti ha? Mabait naman 'yan kahit supot pa." Humalakhak ito.

"Anong supot?" namumulang reaksyon ng nakababata. Sinagot lang naman ito ng mga lasing ng magkasabay halakhakan.

"Ah hindi Miss...joke lang 'yun ha? Ang totoo, tuli na 'yan, kaso, nagmana 'yan sa akin sa pagiging mola. Mag-iingat ka, ha?" Biro ng isa sa mga lasing.

"Dahan dahan lang kamo para hindi ka masaktan!" Tumatawang pagsegunda ng pangalawang lasing.

***

"Pasensya ka na sa mga Tiyo ko. Mabiro lang ang mga 'yun pero harmless naman."

Hindi ako sumagot.

"Taga-saan ka? matapos n'ya akong papasukin sa kubong walang kuryente. Binigyan n'ya ako ng tuwalyang pambalabal. Tinanggal n'ya ang gasera sa may pintuan at binitbit 'yun sa lamesang inuumpisahan na n'yang linisan ng kalat at mga bote ng alak.

Hindi pa rin ako sumagot.

"Anong ginagawa mo rito sa bukid namin?"

Hindi pa rin ako sumagot. Nakatitig ako sa isang bowl ng left over na pulutan, at isang katamtamang basong may laman. Gutom na gutom na ako kaya do'n lang naka-focus ang atensyon ko.

"Ok ka lang ba?"

Sa halip na sumagot, lumapit ako sa lamesa at naupo sa bangko. Walang paalam na kinuha ko ang bowl na may lamang menudo at dinampot ang isang kutsarang hindi ko sure kung gamit na. Hindi na ako nahiya. Kumain na ako.

"Mukhang gutom na gutom ka ah!" Natatawa ito sa akin.

Mabilis kong naubos ang menudo at walang pasabing kinuha ang isang basong may laman para inumin.

Untamed Confessions [R-18]Where stories live. Discover now