Judges: Switch It Up!

114 6 2
                                    

Judge #1:


JustPlainlyMe

1. Ipakilala ang iyong sarili.

-Ako si JustPlainlyMe. Part-time writer at full-time asawa ni ironman.

2. Ano ang hinahanap mo sa isang istorya?

-Simple lang naman ang hinahanap ko sa isang istorya. Puso, talino at katuturan. Aanhin mo ang kuwentong walang emosyon? Aanhin mo ang kuwentong hindi pinag-isipan? At aanhin mo ang kuwentong basta-basta na lang isinulat? Ibigay mo sa 'kin lahat 'yan at hindi ako mangingiming bigyan ka ng A+.

3. Ano ang puwede mong maitulong sa mga kalahok?

-Bukod sa mga komentong maaari kong maibigay, wala naman akong gaanong maitutulong sa kanila, kundi ang pagkintal sa kanilang mga isipan na hindi natatapos ang laban sa isang kontes lang. Hindi natatapos ang pagkatuto sa isang kontes lang. Ipagpatuloy ninyo ang pagkahayok sa pagsali sa mga kontes na ganito dahil dito kayo matututo tulad ng pagkatuto ko sa mga bagay-bagay mula nang maging kontesera ako. At higit sa lahat, hindi masusukat ang kagalingan sa dami ng premyong natanggap o kontes na naipanalo. Nasusukat ito sa mga natutunan mo na kahit abutin man ng ilang siglo, hindi mawawala sa 'yo.

4. Kung may maibibigay kang hamon sa kanila, ano iyon?

-I won't tell you what to do. It will only limit your idea. I want you to do it on your own. Give us something that you want to write and I know that it will be beautiful.

5. Ano ang advice mo sa kanila?

-Panatilihing nakatapak ang mga paa sa lupa. Gaano man karaming papuri ang matanggap mo, huwag mo pa ring palobohin ang ulo. Kawawa ka naman 'pag pumutok iyan at bumulagta ka sa lupa nang sugatan. Tandaan, ang mga nagtatagumpay ay ang mga taong marunong lumingon sa kanilang pinanggalingan at hindi ang mga taong may stiff neck. Hahaha. 'Wag ninyong intindihin ang huli kong sinabi.


Judge #2:

LadyEmanuelle

1. Ipakilala ang iyong sarili.

-Kilala sa mga nakakakilala sa 'kin (mga sampu sila) bilang Saph Pineda.

-(Dating) suki ng mga writing contest na laging umaasa sa deadline bilang go signal para makapagsulat.

-Tulala. Mas madalas magsulat ang isip kaysa kamay.

-Kinain na ng sistema.

2. Ano ang hinahanap mo sa isang istorya?

-Kapag napaniwala ako at nadala sa pang-uuto ng gawa-gawang kuwento, alam kong nahanap ko na ang hinahanap ko. 3

. Ano ang puwede mong maitulong sa mga kalahok?

-Bihira akong mag-sugarcoat ng sasabihin. Sa mga honest opinion naman tayo madalas natututo hindi sa bola-bolang masarap lang nguyain at lunukin pero mahirap tunawin.

4. Kung may maibibigay kang hamon sa kanila, ano iyon?

-Hamon? Patunayan nilang 'di nasayang ang pagkakalaglag ng iba para makaabot sila sa round na ito. Isa pa, gusto kong makasaksi ng magaling na storyteller higit pa sa magaling na writer.

5. Ano ang advice mo sa kanila?

-'Wag limitahan ang kayang abutin ng imahinasyon. Kung nagdududa ka sa kakayahan mo, imagination mo lang 'yan. Haha. Hindi masamang magrebelde sa pagsusulat paminsan-minsan.

LITERARY OUTBREAK: Save Or Die One Shot Writing ContestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon