Judges: Men's Toys

120 4 0
                                    

JUDGES: MEN'S TOYS

Judge #1: IammeAkira

1. Ipakilala ang iyong sarili.
-Unang-una sa lahat, ako ay isang Half-Filipino, Half-Filipina writer na nagmula sa tiyan ng nanay ko at-well... sa tatay din (alam n'yo na 'yon). An administrator of Sobrang Short Stories page and group. Mas sanay akong magsulat ng mga nakakatakot at aksyon pati na rin psychological shits sa buhay-buhay. Hindi naman ako istriktong hurado ngunit, sapagkat, pero, datapwat, petmalu, lodi, ecnalubma, susubukan kong maging mas mapagmatyag, mapagmasid, at matanglawin upang magkaroon naman ng silbi ang pag-imbita nila sa akin dito. Medyo tamad pa naman ako. Hehez.

2. Ano ang hinahanap mo sa isang istorya?
-Honestly, I'm not into reading cliche stories, gusto 'yung first word or sentence (bigyan ng chance) pa lang, e makukuha na kaagad ang atensyon ko, kahit cliche pa iyan, tututukan ko talaga ang akdang iyan. Although for sure lahat ng akda ninyo magaganda talaga kahit 'di ko pa nababasa, it will all go down to getting my attention. Although mahilig ako magsulat ng may horror/mystery/action/suspense genres. Wala naman akong genre na mas gustong basahin kaysa sa isa pang genre. Basta ba'y hindi basag ulo from start to finish, root to tips.

3. Ano ang puwede mong maitulong sa mga kalahok?
-Siguro, confidence? Bukod sa teknikal na aspeto ng patimpalak na ito, sisiguruhin kong makukuha ninyo ang malalamang comments sa mga akda ninyo. I might miss things when it comes to judging, kasi hindi naman ako scanner ng mali-mali ano, kaya huwag kayong ma-disappoint or something kaagad. Ganiyan talaga ang life. PM n'yo na lang ako baka matulungan din kita sa ganiyan.

4. Kung may maibibigay kang hamon sa kanila, ano iyon?
-Get my attention. Promise may plus points ka sa akin. At saka kung ano ang sa tingin ninyo ay hindi ninyo kayang gawin, then challenge yourself. It's super worth it.

5. Ano ang advice mo sa kanila?
-Nasabi ko na naman yata? Ang daldal ko kasi, e. Hahahahaha! Anyway, fighting lang. Kung tingin ninyo mahirap ang theme or elements ninyo ngayon, be creative. Think out of the box. Go outside your room and take a walk and observe your surroundings. Malay mo bigla lang mag-pop out ang libo-libong ideas sa utak mo. Good luck!

Judge #2: ItsariahS

1. Ipakilala ang iyong sarili.
-Mahilig sa pusa
-Minsan writer madalas reader
-Mahilig sa emojis
-Pasmado
-Mahilig sa pusa ulit

2. Ano ang hinahanap mo sa isang istorya?
-Husay sa paglalathala
-Husay sa paggamit ng mga salita
-Natatanging istilo sa pagsulat

3. Ano ang puwede mong maitulong sa mga kalahok?
-Payo sa pagsusulat (base sa 'king mga karanasan)

4. Kung may maibibigay kang hamon sa kanila, ano iyon?
-Umisip ng genre na ayaw nilang subukang sulatin at sulatin ito, dagli o maikling k'wento lamang.

5. Ano ang advice mo sa kanila?
-Sulat lang nang sulat. Basa lang nang basa. At Huwag matakot sumubok.

Judge #3: hasmina101

1. Ipakilala ang iyong sarili.
- Spiritual path but eclectic beliefs.
- Mahilig kumanta (kahit hindi maganda boses).
- Online Gamer.
- Hobby ang pagsusulat pero tamad magsulat.
- Mahilig magbasa sa dilim kaya lumabo ang mata.

2. Ano ang hinahanap mo sa isang istorya?
-May kakaibang atake. 'Yung dadalhin ako sa k'wento... 'yong makita ko ang sarili ko sa k'wento o kaya'y mapagana ang imagination ko. 'Yung tipong, hindi man ako 'yung nandoon pero parang nanood ako. Makikita ko na gumagalaw ang isang karakter. Paano ba siya umiyak? Lumuha? Tumawa? Ganern. Okay lang kahit gasgas ang plot pero kailangang makita ang pagiging unique nito.

PS: Tumitingin din ako sa teknikal na aspeto (kahit hindi ako kagalingan) pero may tendency na hindi ko iyon pakialam kapag naramdaman ko ang k'wento.

3. Ano ang puwede mong maitulong sa mga kalahok?
-Ang maitutulong ko sa inyo ay ang pagbibigay ng honest at fair judgment. Isa pa, pagbabahagi ng ilang mga natutunan ko sa pagsali-sali rin ng mga contest. :)

4. Kung may maibibigay kang hamon sa kanila, ano iyon?
-Gusto kong makita ang creativity ninyo, guys. Kung paano ninyo bibigyan ng kakaibang atake ang isang istorya. Gusto kong maipakita ninyo 'yung PUSO ng k'wento.

5. Ano ang advice mo sa kanila?
-Kung ako ang tatanungin, hindi ko arok ang kakayahan ninyo. May kanya-kanya kasi tayong pagkakaiba kung saan tayo nakakalamang. Kaya ang masasabi ko lang...

Balansehin ang puso at ang utak sa paggawa ng k'wento.

Judge #4: wistfulpromise

1. Ipakilala ang iyong sarili.
-Jade ang pangalan. Nagsimulang magsulat sa Wattpad noong 2011. Genre na sinusulat ko ay Action/Romance/Humor/Mystery. Mahilig tumugtog ng piano at gitara. Mababaw ang tawa.

2. Ano ang hinahanap mo sa isang istorya?
-Hinahanap ko sa isang istorya ay kung may kabuluhan ang sinusulat at kung may aral na mapupulot ang mga mambabasa sa dulo. At siyempre, 'yung maayos ang writing structure, grammar at naaayon sa mekaniks ang sinulat para sa patimpalak na ito.

3. Ano ang puwede mong maitulong sa mga kalahok?
-Insight. Unbiased judgment. Makakatulong din ako sa pagbibigay ng pointers para sa grammar at story structure. Mga dapat at hindi dapat gawin sa isang k'wento. Just pure honest criticism.

4. Kung may maibibigay kang hamon sa kanila, ano iyon?
-Iwasan ang cliché. Kung gusto mong mapansin ka, iwasan mong maging katulad ng iba.

5. Ano ang advice mo sa kanila?
-Enjoy lang sa pagsali. Win or lose, panalo ka pa rin dahil at least ginawa mo. Hindi lahat ay willing na sumubok at magkamali. Madalas pinapairal nila ang katamaran kaya walang nangyayari. Pero ikaw kaibigan, isa kang mandirigma! Good luck! :)

Judge #5: SayuriMa

1. Ipakilala ang iyong sarili.
-I started writing in Wattpad since 2011. Back then, I was a fanfiction writer. I wrote about Maotsujun, Arashi, and Bigbang. Im a Fan of Anime and Asianovelas so most of my stories are inspired by anime and dramas.

Aside from writing and watching TV, I also enjoy making Bento. I'm a previous Literature teacher and now working as a Loan Officer. I also serve in our Church as a Youth Leader and Seminary Teacher.

2. Ano ang hinahanap mo sa isang istorya?
-Good narration and unique characters.

3. Ano ang puwede mong maitulong sa mga kalahok?
-I won first prize in the last season of LO so I can share some of my experiences in the said contest. If winning is your goal. Haha.

4. Kung may maibibigay kang hamon sa kanila, ano iyon?
-Use your Heart in writing.

You can do that if you like what you are writing so my challenge is... write what you love to write.

I understand that this is a contest. There are given prompts and limited word counts so this will be a great challenge. How will you write what you love with the said guidelines?

5. Ano ang advice mo sa kanila?
-Just follow your heart (like what I said earlier write what you love). Make a reaserch. Watch movies or stories about Adult Men. Plan your story and read it all over again before sending.

Goodluck, saviours!

Team Baliw
11/7/17

LITERARY OUTBREAK: Save Or Die One Shot Writing ContestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon