Judges: Teenage Dreams

263 4 0
                                    

JUDGES: TEENAGE DREAMS


Judge #1 maikitamahome 

1. Ipakilala ang iyong sarili. 

-Isa akong palakaibigang tao.-Tumutulong ako sa ibang manunulat na kagaya ko sa abot ng aking makakaya, lalo na sa mga baguhan pa lang.-Masayahin akong tao.-Adik ako sa kape.-Mahilig ako sa anime. 

2. Ano ang hinahanap mo sa isang istorya? 

-Ang hinahanap ko sa isang istorya ay iyong may mabigat na laman. Iyong nagpapakita kung ano ang iba't ibang uri ng pag-ibig, sa pamilya, kaibigan at pananampalataya sa Diyos... Iyong may aral kang matututunan. Iyong sa simula pa lang ng kuwento, maho-hook ka na agad dahil sa executions ng scenes at pagbato ng mga linya na para bang ika'y nanonood ng actual na palabas sa isang telebisyon. 

3. Ano ang puwede mong maitulong sa mga kalahok? 

-Siguro ay kung ano ang aking mga natutunan din sa aking mga kapwa manunulat kung paano magkaroon ng self-confidence. Kung paano magtiwala sa sariling kakayahan, kung paano itulak at ilabas ang sarili mula sa comfort zone na nakasanayan. 

4. Kung may maibibigay kang hamon sa kanila na patungkol sa temang pretension? bullying? pride? ano iyon? 

-Kung patungkol sa mga ganiyang tema, siguro'y magbibigay ako ng hamon na gumawa ng mga adhikain upang iwasan na mapunta sa sitwasyong iyan. 

5. Ano ang advice mo sa kanila? 

-Huwag maiinggit sa iba. Magtiwala sa sariling kakayahan. Bumilib ka sa iyong sariling talento. Huwag lumaki ang ulo. Panatilihin ang isang ugali na kung ano ka noong simula, umabot ka man sa tuktok ay huwag kalimutang ibaba ang iyong tingin at tanawin ang mga taong tumulong sa iyo; ang dahilan kung bakit nasa tugatog ka ngayon. Maghintay ng tamang pagkakataon. Patients is a virtue ika nga. Walang nilaga kung walang tiyaga. Be faithful and trust God, because every thing was in the power of patients comes with a great blessings and opportunities.  


Judge #2 BunagManlapaz 

1. Ipakilala ang iyong sarili. 

-Una, malaki aking pasasalamat sa Catharsis Contest dahil doon ko lalong nahubog ang aking aspetong manunulat. -Pumapangalawa, ang Wattpad dahil sa pagbibigay ng pagkakataon sa mga manunulat tulad natin.-Pangatlo, lalo lang bukas ang aking isip sa paghahabi ng kuwento kung ako'y nasa biyahe at nagkakape.-Pang-apat, hilig ko ang sci-fi, horror, gothic, at thriller. . .-Kaya ang panlima ay, ang pangarap na makapaglimbag ng bawat isang genre na ninananais ko. 

2. Ano ang hinahanap mo sa isang istorya? 

-Panindigan ang istilo mo bilang manunulat at magbahagi ng bagong istraktura sa paglalahad ng iyong kuwento. Lakasan ang impact nito sa iyong mga mambabasa. 

3. Ano ang puwede mong maitulong sa mga kalahok? 

-Susubukan ko sa dulo ng aking mga kakayanan na mapalago ang kaalaman at karanasan ng ating mga manunulat. 

4. Kung may maibibigay kang hamon sa kanila na patungkol sa temang pretension? bullying? pride? ano iyon? 

-Ang hamon ko ay ilagay ang iyong sarili sa iyong matalik na kaaway at kung paano ka hihingi ng kapatawaran at kakaibiganin ang nakaalitan o/at napagdiskitahan mong kaibigan o kaklase. 

5. Ano ang advice mo sa kanila? 

-Hanapin ang iyong galing sa pagtukoy ng iyong hilig, uri ng mga karakter, paglalarawan ng iyong kuwento na base sa iyong sariling karanasan, pormal at impormal na kaalaman, at natatanging kakayanan.  

LITERARY OUTBREAK: Save Or Die One Shot Writing ContestWhere stories live. Discover now