sixty nine | epilogue.

Magsimula sa umpisa
                                    

"Wow!" Ang cool talaga. Grabe nakakapanghinayang kainin.

"Ginawa ko talaga yan kanina. Nagpatulong ako kila mark. Inabot kami ng ilang oras kasi laging napuputol. Sorry kung may sira ung iba." Napakamot siya sa batok niya.

"Ano ka ba! Ang ganda kaya." Tinitigan ko lang yon.

"Ahm ano Santi." Tinignan ko siya.

"Oh? Teka nga bat mo ba talaga ko dinala dito?" Inumpisahan ko nang kainin iyong pringles.

"Ano kasi..." Para siyang ewan na nahihiya tas hindi siya mapakali.

"Ano ba yon?" Nagulat ako ng biglang tumugtog iyong kanta ni ed sheeran.

Perfect.

Tumayo siya at lumaput sakin tapos inilahad ang kamay niya. Tinanggap ko naman yon at tumayo.

Hinala niya ko papalapit sa kanya. Inilagay niya ang mga braso ko sa batok niya at siya naman ay sa bewang ko.

"Naalala mo ba yang kanta na yan?" Naka titig lamang siya saakin ng deretso. Feeling ko mamaya ay matutunaw na ko. Harot santi, harot ah.

"Oo, iyan yung kinanta mo saakin nung matapos ang unang week ng contract." Sagot ko sa kanya.

"Oo, yan din yung kinanta sayo ni Jamier nung tinanong ka niya kung pwede na ulit kayo. Mali pa nga lyrics niya eh. Tsk. Gagaya na nga lang. Basura talaga yon." Natawa ko sa reaksyon niya.

"Kalimutan mo na yon." Sabi ko sa kanya.

"Talaga, kalimutan na natin ang past. Nasa present na tayo. Sana ganun din ang puso mo Santi." Sabi niya saakin.

"Matagal ng nasa present lahat, Thunder." Sagot ko sa kanya.

"Sure na ba yan?" Tumango ako bilang sagot.

"Talaga?" Natatawa ako kasi parang ayaw niyang maniwala.

"Oo nga. Past is past na po."

"So pwede na kita maging asawa?" Tanong niya.

"Hoy anong asawa ka diyan!" Bahagya kong pinalo ang dibdib niya. Tigas bes, tigas. Charot.

"Eh misis ko?" Tanong niya.

"Thunder!" Tumawa naman siya at kinurot ang ilong ko.

"To naman di mabiro. Cute mo talaga." Nginitian niya ko.

"Pero girlfriend pwede?"

"Akala ko ba tayo na 3 months ago. Sabi mo pa nga wala na kong choice."

"So gusto mo talaga noon pa? Ikaw baby ha, may tinatago ka palang pagtingin saakin." Tinundot sundot niya ako sa tagiliran.

"Thunder! Tumigil ka iiwanan kota dito." Banta ko sa kanya. Niyakap niya naman ako.

"Joke lang naman." Binaon niya ang mukha niya sa pagitan ng ulo at balikat ko.

"Hindi naman ako papayag na magiging akin ka nalang basta ng walang kahiraphirap."

Tahimik lang kami habang sumasabay sa tugtog.

"Santi." Tawag niya saakin.

"Hmm?"

"Can you be my girlfriend?" Bulong niya saakin.

"Bawal ang hindi." Dagdag niya.

"Tinanong mo pa ko."

"Para wala ka nang kawala." Hinarap niya ko at kinindatan.

"May pagpipilian pa ba ko?" Tanong ko sa kanya.

"Wala na." Nginisian niya ako.

"K." Sagot ko.

"Ihhh, ayokong napipilitan ka." Pag iinarte niya.

"Oh,Ano ba sabi ko?"

"Gusto ko maayos." Wow ha siya pa demanding ah.

"Fine. Oo thunder. Oo sinasagot na kita." Nginitian ko siya.

"Seryoso na yan ha?" Aba.

"Ok, binabawi ko na." Sabi ko at akmang aalis na. Hinabol niya naman ako at hinila paharap sa kanya.

"To talaga joke lang naman. I love you, i love you, i love you." Hinalikan niya ako sa noo, ilong tapos ay sa labi.

"Ako rin thunder. Mahal din kita. Sobra."

----- end -----

EwwwwwwwWwWWwW kadiri ko dito guys. Choajdiwowjan.

Tapos na ang story ni thunder at santi! Maraming salamat sa lahat ng sumuporta. Sana lumaganap pa ang seulyong heehe. At palalaganapin ko pa iyon wiiiii.

Sana nagustuhab niyo itong story ko hehe. Sana patuloy niyong suportahan ang seulyong guys. I know mas marami talaga ang jenyong at seulmin. Nirerespeto ko iyon pero jenmin at seulyong na talaga ko skl HAHAHAAHAHA.

Hindi ko din naman papayagang hindi masaya si Ten kaya bibigyan ko siya ng story! Pati si Saint!

Nag babalak din ako ng iba pang seulyong story kaya kung mag hihintay kayo salamat!

Thank you sa lahat ng nagbasa,bumabasa, at mag babasa. Love u all!

-- jasperoses

For Hire • lee taeyongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon