sixty nine | epilogue.

1.3K 60 34
                                    

"Saan mo ba ko dadalhin?" Tanong ko sa kanya. Nakasakay kami ngayon sa sasakyan niya. Umaasenso na ang lolo niyo dai.

"Basta maghintay ka lang. Relax baby." Sinulyap niya ako sandali at kinindatan bago ibinalik ang tingin sa daan.

"Bala ka nga diyan." inirapan ko siya at tumingin nalang sa labas.

Hindi ko talaga alam kung saan kami pupunta. Basta pumunta nalang siya sa bahay at ipinaalam ako kila mama na gagawa daw kami ng pamilya. Hindi ko alam kung anong meron sa pamilya at pinu-push pa nila si Thunder sa sinabi niya. Hays. Ago talaga.

3 month na makalipas ng magpakita siya ulit saakin. Ang sabi niya hindi naman daw talaga siya umalis, nag tatago lang siya saakin kasi nasasaktan siya. Wow nasasaktan pala ang lolo mo.

Nakatapos nadin kami ng senior highschool ngayon. Pareho din kaming naka pasa sa exam ng school for college.

"Malayo pa ba?" Tanong ko sa kanya. Sumulyap ulit siya saakin tapos ay tumango.

"Matulog ka muna, medyo malayo pa tayo." Sabi niya. Kumunot ang noo ko ng iginilid niya ang sasakyan.

"Bakit?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

Nginitian niya lamang ako tapos ay may kinuha siyang bag sa likod. Binuksan niya yon at inilabas ang laman non.

Kumot. Ay wow.

"Matulog ka muna." Ipinatong niya saakin ang kumot.

"Dream of me please." Hinalikan niya ako sa noo bago ulit pinaandar ang sasakyan.

Unti-unti ko ding naramdaman ang pagbigat ng talukap ng mata ko at nakaramdam ng antok.

---

"Baby gising na." Naramdam mong inaalog niya ko. Unti-unti kong minulat ang mata ko. Tumingin ako sa labas para malaman kung nasaan kami.

"Nasaan tayo?" Tanong ko sa kanya habang kinukusot ang mata ko.

Tumawa siya ng bahagya habang nakatingin saakin.

"What?"

"Wala ang cute mo lang. Nasa tagaytay tayo." Ngumiti siya saakin bago bumaba ng sasakyan.

Pinagbuksan niya rin ako ng pinto tapos ay inalalayan pababa.

"Thank you." Nginitian ko siya. "Ano bang gagawin natin dito? Di ka naman seryoso sa sinabi ko kila papa diba?" Tanong ko sa kanya.

"Seryoso ako sa sinabi ko Santi." Sagot niya saakin. Nagulat ako kaya mabilis kong pinagkrus ang mga braso kosa dibdib ko.

"H-hoy thunder bata pa tayo." Panigurado ay namumula na ako.

"Syempre pag kasal na tayo." Tumatawa siyang hinila ako paalis sa kinalulugaran namin.

Sumunod lang ako sa kanya hanggang makarating kami sa isang maliit na green house. Iyon yung naka sulat sa maliit na board dun eh.

"Ano 'to?" Binuksan niya ang pinto at bumungad saamin ang maraming dilaw na bulaklak. Sunflowers. Wow.

"Upo ka." Aya niya saakin. Hindi ko namalayan na may table pala dito dahil nasa mga bulaklak lamang ang atensyon ko.

"Ano to?" Tanong ko sa kanya habang nililibot ang tingin..

"Surprise!" Inabot niya saakin ang isang bouquet ng pringles.

"Surprise!" Inabot niya saakin ang isang bouquet ng pringles

Ups! Tento obrázek porušuje naše pokyny k obsahu. Před publikováním ho, prosím, buď odstraň, nebo nahraď jiným.
For Hire • lee taeyongKde žijí příběhy. Začni objevovat