ten. °

1.3K 85 30
                                    

SANTI

Binilisan ko ang pagkain ko. Habang kinakain ko ung tinapay nadmedyas na rin ako. Baka mamaya mainip iyong baba na yon at tusukin ako.

Napatingin naman ako sa pinto ng bumukas ito.

"Noona, bat nasa labas si Thunder hyung?" Tanong sakin ni Saint.

"Ah..." Please utak ko gumana ka, magisip ka ng dahilan.

"Ano mo si hyung?" Tanong niya ulit. Sakto namang tumunog ang cellphone ko. Nilapitan naman iyon ni Saint.

"Baby, asan ka na? Malalate na tayo." Basa niya sa message. Mabilis naman ako binigyan ng masamang tingin ng kapatid ko.

Napapikit naman ako sa inis. Wrong timing naman tong si baba nako.

"Ah... Mag to-toothbrush lang ako." Mabilis akong pumuntang banyo at mabilis din mag toothbrush.

"Ano yong 'baby' na yon?" Tanong niya, nakasandal siya sa hamba ng pintuan.

"Alam mo lil bro, malalate na si noona. Cute cute mo talaga. Ung pera nasa may taas ng ref. I love you!" Pinunasan ko ang aking bibig at Hinalikan ko siya sa pisngi. Mabilis kong kinuha ang cellphone ko mula sa kamay niya.

"Noona boyfriend mo ba si Hyung?"

"Babye! Mag-aral ka ng mabuti!" Nagmamadali kong isinuot ang bag at sapatos ko bago lumabas ng bahay.

Nadatnan ko ang gago sa labas ng gate namin, nakaupo siya sa gater. May suot siyang earphones sa magkabilang tenga. Hindi niya siguro ako napansin kaya sinipa ko siya sa paa.

Nagangat siya ng tingin sakin. Ay putek-- ang gwapo --- wait sinabi ko bang gwapo siya? Hindi.

Tinanggal niya iyong earphones niya at tumayo.

"Tagal mo naman. Wag ka masyadong magpahalatang nagpapaganda ka sa first day natin." Binigyan niya ko ng nang-aasar na ngiti.

"Aba'y... Aish!" Yabang talaga.

"Tara na." Nilahad niya ang kamay niya saakin.

"Gagawin ko diyan?" Tanong ko sa kanya.

"Kainin mo, cheese stick yan eh." Sarcastic niyang sagot. Inirapan ko naman siya.

"Slow naman tss." Kinuha niya ang kaliwa kong kamay at nag simula nang maglakad.

---

Kang Daniel as Saint Kang !

For Hire • lee taeyongWhere stories live. Discover now