Chapter 25

2.4K 53 3
                                    


*Ella's POV*

"Kung ayaw niya sayo,huwag mong habulin. Pwede ka naman maglakad papunta sakin" napalingon ako. Si Mich pala inaayos yung gamit niya. binato ko siya ng towel.

"ano sinasabi mo?!" mataray na tanong ko. psh. nagsasabi sabi kasi siya la naman kausap.

"ha? ansabe ko wag mo ng titigan, malusaw pa yan. tara na magttry out na si Den!" sagot niya tapos naglakad na paalis. tss. panira talaga kahit kailan. tiningnan ko ulit si Mae kasama niya si Marge habang nagtatawanan. Ewan pero parang nalungkot ako bigla, yung ngiti niya, yung tingin niya. Ibang iba kapag kay Marge na.

May bago nanaman ba akong kalaban sa kanya?? ganon ba talaga kalayo ang agwat namin para hindi ako ang mahalin niya?? lumingon ka lang... nandito lang ako.

"huy Besh!" di ko napansin umupo pala si Aly sa tabi ko.

"emote ka jan a" dagdag niya, I just smile then I let out a sigh.

"hayy, bat ba ang manhid niya??" mahinang tanong ko,. lagi nalang ba ako makikipagkupitensya sa wala? malinaw pa sa tubig na kaibigan lang ang tingin niya sakin. aww. :( friendzone ako. pero ganun pala talaga no?? kapag mahal mo, hindi mo susukuan,kahit na nagmumukha ka ng tanga.

"siya ba ang manhid?.. o ikaw??" sagot niya tapos tinap niya yung shoulder ko at agad na umalis. huh?? tatanungin ko sana kung anong ibig sabihin niya kaso nakalayo na siya.

ano ba pinagsasabi ng Baldong to?! paano naman ako ang magiging manhid e ako nga tong hindi mahal nung taong mahal ko. tss. napailing nalang ako at tumayo na.

*Den's POV*

Owmaygas!! hoo! eto na to! nandito na kami sa BEG, magttry out na ako.Pati pala si Marge,sinabi ko kasi na magaling din siya which is totoo naman. wala e, hindi ko naman magawang matanggihan ang Lady Eagles lalo na si Aly. Ewan! dati naman diba pinapangarap ko na makasama sa team nila, na makasama sila sa paglalaro. pero ngayon, hindi ako sigurado sa sarili ko, sapat na ba ang kakayanan ko para mabilang sa team nila?. arrgh.pinanghihinaan ako ng loob, feel ko hindi pa ako handa, feel ko pa kaya. paano kung mapahiya ako? madidisappoint lang sila. :(

napatigil ako sa pagiisip ko ng may yumakap sakin mula sa likuran, nang tingnan ko si Aly pala. Ipinatong niya ang baba niya sa balikat ko. Napangiti naman ako, hindi pa rin ako makapaniwala na girlfriend ko na siya, dati pinagmamasdan ko lang siya mula sa malayo, pero ngayon? eto siya nakayakap sakin. :) niyakap ko yung kamay niya na nakayakap sakin.

"huwag kang kabahan My lhabs, kaya mo yan. May tiwala ako sayo. Nandito lang ako tandaan mo,mahal kita" sabi niya tapos kiniss niya ko sa cheeks. OM!! O//O yiiee. I heard her chuckle.

"haha.kinikilig ka nanaman" pangasar niya, pinalo ko ng mahina yung kamay niya tapos humarap na ako sa kanya.

"thank you" sabi ko tapos kiniss ko siya sa lips. halata naman nagulat siya tapos namula. hihi.

"hahaha, o sino kinikilig ngayon ha??" asar ko sakanya. haha.

"o tama na landian! game na daw sabi ni coach!" sabat ni Ella. haha,panira talaga.

"inggit ka lang besh! blehh :P!" pangasar nu Aly pero inirapan lang siya ni Ella. hinila na ako ni Aly palapit sa kanila.

ayan na! nagsisimula na akong kabahan ulit! hindi ko kaya! parang nasusuka ako na ano. tapos hindi ko pa kateam si Aly :( mga kateam ko sila Gretch,A,Jirah,Amy tsaka Mich. tapos sa kabila sila Aly,Fille,Ella,Dzi,Mae tsaka Marge. tapos si Coach Roger nandun lang nakaupo at papanuorin kami.

at eto na papunta na kami sa court namin,grabe bawat hakbang nangagatog ang mga paa ko. pero bago ako makalipat may humila sakin tapos niyakap ako. Si Aly pala.

"My lhabs,kaya mo yan" sabi niya tapos kumalas na sa yakap. nginitian ko lang siya at naglakad na ulit tapos pumwesto na ako.

Sakanila pala ang bola. Serve ni Dzi, bawat pagbounce ng bola sa floor parang nagsslow mo ang lahat. kinakabahan ako! at eto na itinaas na ni Dzi ang bola at inihagis ito sa ere.

"Shit!" nasabi ko nalang at hinabol ang bola pero hindi ko nahabol at gumulong ako sa floor. arggh! points nila.mas lalo akong pinanghinaan ng loob sa nangyari.

"its ok Den" sabi ni Gretch at iniabot ang kamay niya para tulungan akong makatayo.pumwesto na ulit ako.

Serve ulit ni Dzi, *SPIKE!* umatras ako at hinabol ito but its a bad reception kaya tumilapon ito sa side. waaahh! ayoko na! hindi ko na to kaya! madidisappoint lang sila. napayuko nalang ako, nangingilid na ang luha sa mga mata ko. napapahiya lang ako, at sila na din.

"Hoy Denden!" nagulat ako ng may sumigaw kaya napatingala na ako, hinanap ng mga mata ko ang taong iyon hanggang sa makita ko si Myco sa gilid kumakaway at nagthumbs up pa. Ewan pero parang nilakasan ako ng loob ng konti, tumingin ako kay Aly, binigyan niya ako ng tingin na rang nagsasabing kaya ko to. Tumingin din ako kila Fille at sa ALE na nandito, lahat sila nandito para sakin, lahat sila sinusuportahan ako.

yumuko ako at huminga ng malalim.

kaya ko to,

hindi ko sisirain ang tiwala nila..

tumingala na ako at ngumiti sa kanila..

"Game!!" masiglang sabi ko. napangiti naman silang lahat at naghiyawan.

Serve ulit ni Dzi, *SPIKE!!*

hinabol ko at nareceive ko ito, sinet ni Jirah, spike ni A .

na receive ni Ella, sinet ni Marge. Spike ni Aly!

tapos na receive ko ulit.

*Habol dito* *Habol doon* *Gulong dito* *Subsob doon*

and waaaahhh!! kami panalo!  nagtatalon at nagsihiyawan ang mga kateam ko, nakisali na din ang kabila. lahat sila pinagyayakap ako habang nagtatalon. Mangilidngilid na ang mga luha ko.

Nagawa ko! Nakaya ko!

"Sabi sayo kaya mo e" sabi ni Aly tapos niyakap niya ako. hinigpitan ko din ang yakap sa kanya.

"Thank you My lhabs, thank you" sabi ko tapos kumalas na sa yakap. nagkangitian nalang kami.

tapos ng matauhan na sila lumapit na si Coach Roger sa amin. kinakabahan nanaman ako.

"That was a great fight girls!" sabi niya at huminto sa tapat namin.

"At kayong dalawa.." referring to me and Marge. nagsitahimik naman silang lahat. Si Aly naman hinawakan lang ang kamay ko. hoo! pabitin naman tong si Coach eh! kinakabahan tuloy ako.

"You're IN!" masayang sigaw niya. huwaat?! Im IN?! Where IN?! OMG! nagtatalon naman sila at naghiyawan sa saya.

"Congrats Den!Congrats Marge!" sigaw nila tapos nagroup hug kami.

******

AN-watcha' say?? o_O hehe. comment naman kayo, haha.

and thank you sa lahat ng mga readers at nagvovote! sorry if always bitin, ganun talaga guys eh. :) hehe.

#AlyDen<3

My Fan Girl (alyden)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon