Chapter 23

2.4K 65 5
                                    


*Den's POV*

"My Lhabs? pansinin mo naman ako dito oh. may problema ba??" tanong ko kay Aly. kanina ko pa kasi siya kinakausap at kinukulit pero di niya ako pinapansin.Well halata naman na galit siya pero ano bang nagawa ko! kahapon lang e ang saya saya pa namin.nandito kami sa Cafeteria . Ewan ko nga eh! pero yung mga ibang studyante na napapadaan samin e titingnan ako ng masama at iirapan tapos magbubulungan pa.Nako!kung nakamamatay lang yung mga tingin nila siguradong kanina pa nila ako pinaglalamayan. -,- waaah! ano ba nagawa ko?! tiningnan ko si Gretch pero umiwas lang siya ganun din ang ginawa nila Fille. Si Ella naman busy sa pagkalikot ng phone niya.Si Aly naman busy sa pagtusok ng pagkain niya na halata mo namang galit na galit.

"Girls! waah. ano ba nagawa ko? kausapin niyo naman ako oh" pero wala pa ding pumansin sa akin. patuloy parin sila sa mga ginagawa nila. bigla naman itinapat ni Ella yung phone niya sakin kaya kinuha ko ito.

O_O Fvck!!

"Shit!" nasabi ko nalang. sino nakakuha nito kagabi?! shit shit!

tiningnan ko naman sila Gretch tinaasan lang nila ako ng kilay. bigla naman tumayo si Aly at aalis na sana pero pinigilan ko siya.

"Ly, please. ipapaliwanag ko to. please makinig ka sakin. Wag ka naman magalit oh.please" tumingin lang siya sa akin tapos bigla naman may pumatak na luha sa mga mata niya.

"Im not mad, Im hurt. There's a difference" sabi niya at tuluyan ng umalis. Fvck! arggh! ano na gagawin ko?! tiningnan ko ang ALE .

"Girls, please let m--" but Fill cut me off.

"Sige na Den, sundan mo na yun sakanya ka na muna magpaliwanag. Alam naming hindi mo magagawa to kay Alyssa" sabi niya, ngumiti ako ng konti sa kanila at sinundan na si Aly.

nakita ko siyang nakaupo sa damuhan sa may Garden habang nakayuko. Alam kong umiiyak siya. tumabi ako sa kanya at hinawakan yung kamay niya na pilit na binubunot yung mga damo.

"Alyssa," hinila niya yung kamay niya at niyakap yung mga paa niya habang nakayuko pa din.

"kala ko iba ka kay Jovee, kala ko mahal mo talaga ako. Pero mali ako, hindi ko inakala na magagawa mo sakin to. bakit Den?? bakit kailangan kong masaktan ng paulit ulit?" naiyak na din ako sa mga sinabi niya. Aly, mahal kita totoo yun.

"please makinig ka muna sakin oh.."

"ano pa bang dapat kong marinig?? iddeny at idedeny mo rin naman yan eh. Wag na Den, mas lalo lang akong masasaktan" -Aly

"hindi ko naman iddeny yun e. Hinalikan nga ako ni LA pero Ly! makinig ka sakin. Nagkita kami kagabi pagkatapos kitang ihatid. Dinamayan ko siya kasi alam ko may problema siya pero hindi ko alam na ako pala yun. Na a-ako pala yung sinasabi niyang babaeng binalikan niya. Nagsorry ako sa kanya Ly, sinabi ko hindi pwede, pero bigla nalang niya ako hinalikan. I tried to--" naputol yung sasabihin ko ng bigla nalang niya akong yakapin. Napakalma na ako at niyakap ko na din siya.

"Mahal na mahal kita Aly.. Mahal na mahal. please, wag ka na umiyak oh" sabi ko at kumalas na sa yakap at pinunasan ko na yung mga luha niya,tumigil na siya sa pagiyak.

"thank you, thank you kasi pinakinggan mo ko. Mahal kita Aly,kahit anong mangyari. Mahal kita" hinalikan ko siya sa noo tapos ngumiti na siya.

"Im sorry Aly, So--" O_O bigla nalang niya akong hinalikan! shit! tiningnan ko siya nakapikit lang siya habang hinahalikan ako. I respond to her kiss. tumigil na siya at niyakap ako ulit.

"A-anong ginawa mo??" tanong ko. syet! shock pa rin ako sa nangyari. Duh?!! hinalikan lang naman po ako ng isang Alyssa Valdez!. yung kaisa isang babaeng kinababaliwan ko! now tell me sinong hindi masshock dun?!

*Aly's POV*

kumalas na ako sa yakap at tinignan siya. haha, namumula na siya.

"binubura yung halik sayo ni LA". simpleng sagot ko. hihihi. Aba! wlangya yung LA na yun! inunahan pa ko! masasapak ko talaga yun. 

Sabi ko naman sa inyo eh, Hindi naman ako galit kay Denden.Ewan, pero hindi ko magawang magalit sa kanya. Im just, hurt. nasaktan ako. pero hindi yung katulad ng kay jovee. this time, mas masakit. Sabi na eh! may pagnanasa talaga yung LA na yun sa My lhabs ko! Pero nagpapasalamat ako at nakinig ako sa kanya at nalaman ko kung ano talaga yung nangyari. Sabi ko din sa inyo, edukada akong tao at ayoko gumagawa ng eksena. Kaya mas pinili ko nalang makinig at tama naman yung napili ko. I feel sorry for her kasi andaming nagalit sa kanya na mga fans ko, kanina ko pa napapansin yung nga studyante na tinitingnan siya ng masama at pinagbubulungan.

hayy. Narealize ko na hindi ko pala kaya kung sakaling mawawala si Denden. Kung sakaling niloko at iiwan niya ko. Ganon ko na pala siya kamahal.

Ayoko na siyang pakawalan pa at baka makuha pa ng iba. Tumingin ako sa kanya at ngumiti.

"Loko yun eh! inunahan pa ako sa Girlfriend ko!" dagdag ko pa. halata naman nagulat siya.

"a-ano nga ulit yun?? G-girlfriend??y-you mean--" hindi ko na ipinatuloy pa ang sasabihin niya hinalikan ko siya ulit pero this time smack lang.hihi. oo na sige! ako na naadik sa labi niya! malay ko bang ang sarap pala niyang halikan?! hihihi.

"ayaw mo??" sabi ko at ngumiti. ngumiti naman din siya ng nakakaloko.

"Chansing" sabi niya,pinalo ko naman siya pero tumawa lang siya. tapos nung tumigil na siya tumingin siya sakin ng serysoso.

"pero Aly. waaahhh!! salamat! thank you talaga!thank you!" sabi niya at niyakap ako. napangiti nalang ako, sa wakas kami na! hihi. at hindi ko hahayaang maagaw pa siya sakin ng iba. lalong lalo na yung LA na pugo na yun!

"I love you My lhabs" sabi niya. kumalas na ako sa yakap at ngumiti.

"I love you too My Lhabs^_^" sagot ko. haha. yung ngiti ni Denden abot batok na! hihi. kinikilig nanaman to for sure.

"pakiulit" sabi niya. haha, ang cute! parang kahapon lang ako yung nagrerequest ng paulit ulit sa kanya ng ganyan. tapos ngayon, hihi.

*****

My Fan Girl (alyden)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon