Chapter 15

3.5K 63 5
                                    

*Denden's POV*

"baliw ka kasi eh!ayan bagay sayo!" sabi ni Fille.. hayst! kinwento ko kasi yung nangyari kagabi kasi nman hanngang ngayon hindi pa rin ako pinapansin ni My loves ko! T.T galit pa rin siya sa akin..

sa totoo nyan hindi naman talaga ako nagddrama kagabi hindi ko alam kung bakit ako nandoon.. hindi ko alam kung bakit ako nawalan ng malay. nagising lang ako dahil sa pagyugyog ni Aly sa akin..

"e bakit ba kasi nandoon ka??ano ginagawa mo dun??" tanong ni Mich.

eto na nga ba ayaw kong itanong nila eh kasi ako mismo hindi ko alam.hindi ko na pinaalam sakanila na bigla bigla nalang akong nawalan ng malay doon diba?? mag aalala lang sila..

"h-ha?? ahm. ano n-nag sasun b-bathing??" palusot ko pero tiningnan lang nila ako ng masama.

"wag mo nga kami gawing tanga! magssun bathing ka eh gabi na non?!" sigaw ni Gretch.. patay! galit na sila bakit naman kasi yun ang nasabi ko ehh..

"hayy nako.. tulungan niyo nalang kaya ako?ano na gagawin ko??hanggang ngayon galit pa din siya" sabi ko sakanila

habang inilalapag ko yung mga almusal namin sa lamesa. mamayang hapon na din pala ang balik namin.

"alam mo hindi naman galit yun no.nagtatampo lang siguro kaya kung ako sayo lambingin mo lang yun ok na..haha" sabi ni Ella habang pasimpleng kumukuha ng pagkain pero hinampas ko yung kamay niya.

"hep! hintayin na natin yung my loves ko" sabi ko sakanila napanguso na lang si Ella at umupo na lang.

"ayiie.. may pa my loves my loves ka na ngayon ha" pang aasar ni Mae.. hehe. ewan ko nga kung bakit hindi sila nagtatanong tungkol kay Aly sa akin eh. pero ayos na din yun. masaya ako kase parang alam na nila yung nararamdaman ko para kay Aly though hindi namin napaguusapan yung feelings ko for her pero hinahayaan lang nila ako at hindi sila masyadong nangiintriga..

"oh ayan na pala ang mahal na prinsesa eh!" sabi ni Marge. napalingon naman kami kay Aly na pababa sa hagdan.. kahit nakapoker face lang siya ang ganda ganda parin niya!

"oh Good Morning Alyy! ^_^" masaya kong bati pero nagsmile lang siya at umupo na sa tabi ko.. hayst.

"oh kainan na!" sigaw ni Ella.. umupo na lang din ako sa tabi niya kinuha ko na din siya ng pagkain niya hindi naman siya nagreklamo at kumain na..

nakikita ko naman sila Gretch na patingin tingin lang samin habang binibigyan ako ng kanilang mga mapangasar na ngiti.

"tsk.tsk. kaya ikaw baby ko sabihin mo lang sa akin pag nagseselos ka na ha??" sabi ni Gretch kay Fille habang tinitingnan pa si Aly. si Aly naman wala man lang reaksyon at patuloy pa din sa pagkain..

"at bakit naman ako magseselos gusto ba kita??" mataray na sagot ni Fille. pfft! hahahaha.

"BoomBasag!!!" sigaw ni Ella tapos nagtawanan lang kami... hahahah.. o ano ka ngayon Gretch?!

nagaasaran lang sila doon habang kumakain kami ng bigla nanamang sumakit ang ulo ko tapos nahihilo pa ako..napahawak na ako sa ulo ko pero hindi ko pinakita sa kanila na nasasaktan ako. maya maya lang napansin ata ni Marge na natahimik ako..

"oy Den? ayos ka lang ba??" alalang tanong niya. napatingin naman lahat sila sa akin pati na din si Aly kaya napaayos naman ako ng upo tapos ngumiti sa kanila..

"h-ha?? ah oo. " sagot ko at sinubo yung pagkain ko.

"yung totoo??" seryosong tanong niya kaya napabuntong hininga nalang ako. pagnagsersyoso na si Marge wala na akong magagawa kailangan sabihin sa kanya yung totoo..

My Fan Girl (alyden)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon