Chapter 4

2.7K 42 11
                                    

AN: Dahil sinipag ako, double update! Yay! Haha.

TRICIA'S POV

A week has quickly gone by. Tapos na kaming mag-enroll, mag-iintay na lang ng start ng classes. Di ko din alam kung swerte o malas dahil dun din sa campus na yun papasok ang girlies. Andun din sila ate A, ate Dzi at Chel. Hay . . . mukhang magiging ma-drama ang college life ko ah.

Thursday ngayon. Bukas nang madaling araw ang luwas namin pa-Pampanga. Wala akong magawa. Wala kasi ang bullies eh. Si Aly, umuwing Batangas para dalawin ang family niya. Nasa Batangas din si Kim, kakausapin ang parents niya about something. Si Bang, nakipagkita sa best friend niya nung elementary na si Jeushl Wensh Tiu. Si Jessey naman, nakipagkita kay Mika for lunch. Sila Carol at Ate A, nakikipag-bonding sa mga kapatid nila. Si Vic . . . Di ko alam san nagpunta eh. Basta may pupuntahan lang daw siya.

Hay naku, yung mga kaibigan ko, confirmed, mga in love!  Ang hirap lang kasi bawat isa sa kanila, ang gusto eh may mahal nang iba. Nakapag-kwentuhan na kasi kaming walo eh. Kinamusta ko sila and vice versa. Four years na din pala nilang ka-close ang girlies at lahat sila, may kani-kaniyang iniibig sa mga ito. Nagkakila-kilala sila through ate A and ate Dzi who got reunited four years ago.

Si Alyssa, in love kay Dennise na may boyfriend na LA ang pangalan. Napakatorpe kasi eh. Last year lang naman pala nakilala ni Denden yung guy eh siya three years nang in love kay Den.

Si Bang naman, kay Mands tinamaan. Nung una daw, friends lang talaga sila. Partners in crime kaya 'Parts' ang tawagan nila. Pero as time wore on, unti-unti na daw nahulog ang loob ni Bang kay Mands. Ang problema? Five years na ngayon sina Mands at yung boyfriend niyang si Jeric Teng.

Si Jessey, matagal nang mahal na mahal si Mika. Akalain nyo yun? Kaya lang, ang gusto naman ni Mika ay yung childhood best friend niya na si Kiefer Ravena. Actually, three months nang sila ngayon kaya naman ang puso ni Stcik, ayun, duguan.

Si Kim, ayun, nagpapaka-martyr. Mas pinipiling ma-bully at masaktan kesa guluhin ang relationship nila Mela at ng boyfriend nitong si Jeric Fortuna o JForts. Mas okay daw na ma-bully siya kesa lalo siyang mahulog kay Mela. Pero sa tingin ko, waepek naman yun eh.

Ang dakilang donkey ng barkada, ayun, patay na patay kay Camille. In two months' time nga eh three years nang nanliligaw si Carol kay Camille. Di nga namin alam kung bakit hanggang ngayon eh hindi pa din siya binibigyan ni Camille ng diretsahang sagot. Kahanga-hanga din si Carol kasi natitiis niya ang sakit dahil sa pagmamahal niya kay Cams.

Si Vic naman pala ay nanliligaw kay Cienne. Mga more than one year na din. Kaya lang, may matindi siyang kakompitensya. Thomas Torres daw ang name nung guy at best friend ito ni AVO. At mukhang mas gusto na ni Cienne si Torres. Kawawa naman si Lips namin.

Last but not the least, si ate A. Umamin na siya three years ago kay ate Dzi pero basted. Instead eh si Jeriel ang sinagot nito a week later. Sobrang sakit nun para kay ate A at hindi sila nagpansinan for more than a year. Pero di din nila natiis ang isa't isa and they patched things up. Sinubukan na ni ate A na mag-move on ever since at ngayon nga ay may girlfriend na siya. Six months din siyang nanligaw at ngayon ay more than one month nang sila nung gf niya.

Hay nako, pare-pareho silang sawi pagdating sa pag-ibig. Kawawa naman sila, pare-parehong nasasaktan dahil sa love. Nakakaasar dahil wala akong magawa para sa kanila. Sumasakit ang puso ko para sa kanila.  Pati ngayon, ang ulo ko sumasakit na. Makapunta na nga lang muna sa mall.

(END OF POV)

JESSEY'S POV

Nandito kami ni Mika ngayon sa Vikings sa SM North Edsa. Nagyaya kasi mag-lunch eh matakaw pa naman to kaya dito ko na lang dinala. Treat ko, di ko matiis eh. Napaka-cute kasi. Mahal na mahal ko pa. Hay . . .

Be With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon