Chapter 49: Fuschiang Pag-ibig. Track 01

Magsimula sa umpisa
                                    

Nasa locker area ako, naglalagay ng gamit bago pumunta ng Honors nang...

"Uhh.. Rachel?"

Sh*t. I slammed my locker door in an instant. "What?"

Si Wes yon. Actually hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis. Nakapikit kasi ito, tinakpan pa nya ang mukha nya ng kamay.

"Don't slap me please," he pleaded, eyes firmly shut.

"Ano bang meron?" Ang drama naman nito! Well mas trip ko talaga syang sampalin ngayon.

"Yung sa IP natin.. pinapatanong nila kung kelan tayo magmimeet. Next Friday na kasi tayo nakasked."

"Aahh.. Kelan daw ba sila pwede?"

"Tinatanong nila kung kelan ka raw free, tapos icocompare na lang kung ano ang common time nating lahat." Ang likot naman ng mga mata nya! Ugh.

"Can you please calm down? Hindi kita sasampalin. Relax lang."

At last, medyo ngumiti sya. "Tapos daw itetest natin yung product. And kung okay lang, sa bahay na lang tayo nagmeet." Napatanga na lang ako sa kanya. "They suggested it."

"Okay lang. Let's try Wednesday, para kung may aayusin tayo magagawa natin sa Thursday."

"Okay lang talaga sayo?" parang nakahinga sya nang maluwag sa sinabi ko. Grabe, ganun ba ako ka-harsh sa kanya?

"Okay lang. At least hindi na ako mamamasahe diba?" a beat "Yun lang ba?"

"Yes, that's all. Sige, una nako." He gave me this hopeful look before going. Mukhang mas relaxed na sya kesa sa kanina.

I must talk to him, to sort things out. Alam kong unfair ako.. pero.. basta. Gets nyo na yun.

9's POV

"Janine, are you okay?"

I didn't notice na kanina pa pala ako nakatulala sa space. Meeting namin ngayon para sa IP, after class, sa may waiting shed.

"Y-yeah. Ako na bahala dun sa Methodology, right?" I equipped. Um-oo naman ang groupmate ko.

The truth is.. sobrang pagod na talaga ako. As in. Last week was.. really tiring. Palagi ako nasa ospital, sinasamahan sina Chester at Tita Lou. Comatosed pa rin kasi si Tito Dan, normal pa naman ang brain activity nya kaso.. may something na nagpacomatose sa kanya. Heck I don't know, di ko na naintindihan ang sinabi ng doktor.

I hate seeing them like this. Sa totoo lang naiinggit ako sa family ni Chester, perfect kasi sila for me. Since nung naghiwalay sina Mama at Papa, sila na yung tinuring ko na second family. Ni hindi sila nagdoubt sakin, they accepted me whole. Ang saya nga nila eh.. kaso etong nangyayari ngayon? It really pains me to see them like this.

Lalo na si Chester. Wala lang akong lakas ng loob na kausapin sya pero.. medyo naging off sya sakin lately. Well I can't really blame him. First time mangyari sa kanya 'to kaya hindi nya alam ang gagawin nya. Kaso.. he's being weird. Twice syang nawala sa ospital, tapos bigla na lang susulpot. Madalas syang tulala. Sa school, well he's doing okay. Kaso.. ewan.. may something na off sa ka--

Wait.. is that Barbs?

Bakit sya tumatakbo? Wait, is she crying?

"Barbs! Barbs!!" hindi nya ako pinansin. What's wrong?

"Janine si Barbs ba yun?" tanong sakin ng isa naming kaklase. Masyado akong natutulala.. hindi ako nakasagot. What's happening?

If I Fall (Taglish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon