Chapter Seven

28 2 1
                                    

Jinx' Pov

Nang makarating kami sa lugar ng isa sa mga kaaway ng grupo namin ay agad kaming naghanda at mas lalong naging alerto.

Ang lugar na ito ay parang isang malaking gubat. Napapaligiran ng malalaking puno at damo.
Sobrang tahimik at walang katao tao.

Huminto si AC at Spade sa pagmamaneho ng kanilang motorsiklo malapit sa isang malaking puno.
Malayo pa ito sa mismong hideout ng grupong Poison.

Tama lang na sa malayo namin iparada ang aming mga motorsiklo dahil siguradong maririnig ang makina nito.

Isa isa kaming bumaba at pinagmasdan ang paligid.

Marami ang nakabantay na tauhan dito samantalang kami ay aapat lamang kaya kailangan namin mag-ingat ng mabuti.

Iniayos ni Ac ang kanyang maskara at kinuha ang Ak47 na nakalagay sa backpack na dala niya.
Isinabit nya ito sa kanyang leeg at nagsukbit naman siya ng tatlong grenade sa kanyang bewang.
at para makumpleto ang kanyang armas ay kinuha nya ang dalawang uzi at hinawakan nya lang ito tig-isa sa magkabilang kamay nya.

Hindi siya sanay makipaglaban ng may bag sa likod nya kaya lahat ng mga armas na gagamitin niya ay isinasabit nya na sa katawan niya.

Ang Ak47 na nakasabit sa leeg nya at ang mga grenades na nakasabit sa bewang nya ay reserba lamang. Bihasang bihasa sya sa pag gamit ng dalawang uzi sa magkabilang kamay niya at yun ang main weapon niya.

Si Spade naman ay nagsabit rin ng Ak47 sa kanyang leeg at isang Bizon sa kanyang kanang kamay. Isinuot nya ang bag na dala niya sa kanyang likuran.

Si Vayne naman ay naglagay sa magkabilang tagiliran niya ng M4A1 at dalawang silencer sa magkabilang kamay niya. Ang silencer nya ang kailangan namin habang paunti unti kaming lulusob sa hideout ng kalaban. Babarilin ni Vayne ng silencer ang sino mang nakaharang sa daan o makasalubong namin. Mas mabuting yun lang muna ang gamitin upang hindi makalikha ng ingay at hindi maging alerto ang mga kalaban.

Ang armas nila Ac at Spade ay nakahanda para sa mismong gera pag natunton na namin ang mismong hideout.

Nagsukbit naman ako ng isang uzi at sa kanang tagiliran ko at microgalil sa kaliwang tagiliran ko. Isinuot ko sa aking likuran ang bag na dala ko. At syempre inilabas ko na ang main weapon ko. Isang sniper na kung tawagin ay Awm.

Sinigurado muna namin na maayos ang earpiece na nakakabit sa aming tainga upang marinig namin ang isa't isa.

Ang misyon namin ngayon ay dukutin ang nag-iisang anak na batang babae ng lider ng grupong Poison.
Ano ang reason? Malalaman niyo rin.

Dumidilim na ang paligid pero nakikita parin naman namin ng maayos ang nilalakaran namin.
May mga nakakasalubong kaming tauhan ng Poison ngunit agad rin naman iyon pinapaulanan ni Vayne ng silencer.

Nang makarating na kami sa dulo ng gubat ay natanaw namin ang isang malaking bahay. Ito na ang main hideout ng Poison.

Agad na nagtago at dumapa si Ac at Spade sa likod ng malalaking damo. Kami naman ni Vayne ay nasa likod ng puno medyo malayo sa dalawa.

Mula rito saaming pwesto ay natatanaw namin ang malaking gate at ang mga tauhan ni Fuego (lider ng poison)

Sandali na munang nag-usap si Ac at Spade na naririnig naman namin dahil sa earpiece na nakakabit saamin.

Pinagpaplanuhan nila kung pano ang gagawin naming apat.

Nang magbigay na ng signal si Spade saamin ay agad kaming nagready.

Humanap agad ako ng maayos at mataas na spot.

Tinapik ko ang balikat ni Vayne at iniwan ko na siya sa puno.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 01, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Criminal that I loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon