Chapter Five

28 3 1
                                    

Angel's Pov

Narito ako ngayon sa mall na malapit lang sa University namin. Kailangan ko bumili ng mga materials para sa project namin.
Gusto sana ako samahan nila Mia kaso lang ngayon na daw nila uumpisahang gawin yung project para sa group nila.

Nakakalungkot kasi nahiwalay ako ng grupo sakanilang tatlo.

Ako na ang nag kusa na bumili ng mga materials, nung una ayaw ng mga kagroup ko na ako ang mapagod sa pagbili pero sinabi ko naman na okay lang sakin kaya wala na silang nagawa.

Nang makumpleto ko nang kunin ang mga materials na nakasulat sa listahan na binigay nila saakin ay pumila na agad ako sa counter para magbayad.

Nagulat ako nang biglang may tumabig saakin at sumingit sa unahan ko.
"Excuze mehhhh!" maarteng sabi saakin ng babae at tinarayan pa ako.

Hindi ko nalang siya pinansin at hinayaan ko nalang na siya ang mauna saakin. Pang apat sana ako sa pila ngunit ngayon ay pang lima nalang dahil siningitan ako ng babaeng ito.

It's okay. No problem.
Marunong naman akong maghintay.

Inilapag ko muna sa sahig ang bitbit kong basket na pinaglalagyan ng mga materials.

"Babe why are you staring at her?" narinig kong bulong nung babae sa kasama niyang lalaki. Boyfriend niya siguro babe daw e.

"Hmmm. Bitch can you please stay away from us? Nakakairita e! Saka pwede ba wag ka magpacute sa bf ko?" nagulat ako sa sinabi niya.

Itinuro ko pa ang sarili ko kung ako ba talaga yung kinakausap niya.

"Yes. Ikaw. Bitch" mataray na sagot niya saakin.

Nagkibit balikat nalang ako.

okay.

Aalis na sana ako sa pila at lilipat sa ibang counter nang biglang may humawak sakin.

Gulat na gulat ako nang makita kung sino ang nakahawak sa braso ko ngayon.

Agad na bumilis ang tibok ng puso ko.

"Kayn?"

Oo si Kayn Lazer nga, ang kuya ni Ara.
naikwento lang saakin nila Mia na kapatid pala ni Kayn si Ara at hindi girlfriend.

"Hi?" malanding bati nung babae sakanya.

What? seriously? sa harap ng boyfriend niya pa siya nag ganyan?

"Bakit mo pinapaalis ang Girlfriend ko?" malamig na tanong ni Kayn sa babae.

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat dahil sa sinabi niya.

Girlfriend? Ako? Ano daw?
Mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko. Pakiramdam ko ay namumula ako.

"Ha? Eh.. Hindi ah siya nga nagpapaalis sakin eh. Diba babe?"

Tumango ang lalaki bilang pag sang-ayon sakaniya.

"Bakit pre angal ka? Sarap ng girlfriend mo ah, ang ganda pa mukhang anghel palit tayo" nakangising sabi ng lalaki kay Kayn at saka ako tinitigan ng malagkit.

Kitang kita ko naman ang inis sa mukha ni Kayn at ang pagyukom ng kanyang kamao.

Aktong lalapit na saakin ang lalaki nang bigla nalang itong sinuntok ni Kayn.

Napasigaw naman ang mga tao sa paligid dahil sa mga nangyayari.

Sa sobrang lakas ng suntok ni Kayn sa lalaki ay bumagsak ito sa sahig.

Hinawakan ko agad si Kayn sa kanyang braso dahil akmang susuntukin niya ulit ito.

Napapunas ang lalaki sa dumudugo niyang labi.

The Criminal that I loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon