Hinipan ko na ang kandila. Ang saya-saya ko lang talaga!

"Beeeeess! Happy birthday! 17 ka na! Hahaha!"

"Thank you so much bess!"

Tiningnan ko ang lahat ng tao na nasa room ko. Ang ganda ng bungad sakin e. Ang laki ng mga ngiti.

"Thank you everyone! I think maliligo muna ako."

"Oo nga bess! Ang baho mo. Yubg hininga mo. May panis pang laway sa mukha mo. HAHAHA!"

"CLADREIN JEN!" Walangyang babae to! Hindi naman ako mabaho a!

"Byeee. Baba na po ako. Haha"

Tss. Takot pala e. -_-

"Fix yourself na Princess. Let's have breakfast once you are done.

"Okay Dad. Thank you. I'll be quick."

What a beautiful daaaay! Sana tuloy-tuloy na to! Hala! Alas 7 na! May klase pa akooo!

Jorimu's POV

"Ano ba ang ginagawa mo dito sa sala, Jorimu? I told you to stay in your room! May mga bisita ako! Go to your room now! "

"Mom, I don't want to stay in my room anymore. I'm so bored there."

"I said go to your room! You will just ruin everything!"

"But Mom. . "

"I said go to your room, you freak!"

"You freak. . . You freak . . You freak . . "

2 years na ang nakakalipas, pero sariwa parin ang mga alaala na labis akong nasaktan. Hindi ko alam kung bakit naging ganito. Sino nga naman ang mag-aakala na ang dalawang sikat na mga modelo at artista, yeah I'm referring to my Mom and Dad, ay may anak na katulad ko na ipinagkait ata ang salitang gwapo.

Boooogshhh ~~~

"Ano ba? Tumingin ka nga sa dinadaanan mo?! Bwesit!"

"S-sorry M-miss. H-hindi ko t-t-talaga s-s-sinasadya."

"Umalis ka sa harapan ko!"

Lumayo agad ako sa kanya. Grabe naman ang galit ng babaeng yun. Di nga sinasadya e! Tss. Ang ganda pa naman tapos ang panget ng ugali. Tss. Hay naku.

"Hahaha. Nandyan na ang Ugly King ng Campus! Bigyan ng daan ang hari sa kapangitan! Hahahaha"

Sabi ng bwesit na Jeremy. Sanay na ako sa mga ganyanan nila. Hindi ko nalang pinapansin kasi kahit anong gawin kong laban, ako parin ang masasaktan.

Lord, birthday ko ngayon, pero bakit ganon? Ang sama naman ng bungad ng araw sakin? Habambuhay ko na ba itong dadalhin? Itong sakit na nararamdaman ko? Bakit nila nasasabi na ang panget ko? Dahil ba sa malaking balat sa pisngi ko? Hindi ko naman kasalanan ito diba? Kailan pa kaya darating ang tao na makakaintindi sakin? Kailan pa? Lord dinggin mo naman ang hiling ko oh? Sana po, dumating na ang tao na makakaintindi sakin. Please?

Pumasok ako sa classroom at laking gulat ko ng makita ko yung babaeng maganda na nabunggo ko kanina sa labas. Tss. Kung sinuswerte ka nga naman.

Naghanap na ako ng mauupuan nang makita kong yung chair na nasa kaliwa nya lang ang bakante. Tss. Lord? Ito ba yung gift mo sakin?

Umupo nalang ako at tumingin sa bintana. Pinakadulo kasi ang upuan namin ng magandang ito. Sana, mag enjoy ako sa semester na ito.

***

Author's Note:

Kung may nagbabasa nito, maraming salamat! Please comment your insights about the first chapter guys! I will appreciate it.

Please share the story with your friends po. 😘

Sa mga mag co'comment, I am planning to dedicate and maybe mention your names in the story. So comment na.

Don't forget to vote guys! LoveLove 💕

-Riri💕

My Only PangetWhere stories live. Discover now