Chasing(02) - Love Me Back

Start from the beginning
                                        

Kaya sa stagena to, nasa moving on pa rin ako.

"Are you out of your mind? You're just asking your ex to go out? At dahil hindi pa ako nababaliw alam mo na naman siguro ang sagot? Isang malaking NO." Madiin na pagkakasabi ko dito.

Magsasalita pa sana siya ng bigla na lang may asungot na naki-singit.

"Hey babe." Sambit ni Alexander at inakbayan ako. Nakita ko naman ang pagkagulat kay Rald pero ilang saglit lang ay nabago ang ekspresyon.

Mula sa pagkagulat ay bigla na lang siyang ngumisi at kitang kita sa mata niya ang galit.

Wag niyang sabihin na hanggang ngayun eh mahal pa rin niya ako pagkatapos niya akong lokohin.

So pathetic.

"B-boyfriend mo?" Di na ako nagulat sa tanong niya dahil alam kong itatanong niya yan at syempre alam ko na din ang sagot.

At para fair sasaktan ko rin siya. Dudurugin ko din ang puso niya, masama na kung masama!

"Oo, i think 5 monts na kami. Im a good actress wright? Napaniwala kitang nasaktan ako ng sobra dahil sa ginawa mo. Saka akal mo gwapo at maganda lang ang pwedeng mang-two time? Pwes nagkakamali ka, dahil kahit panget pwede." Nakangiting sabi ko.

Pero sa totoo niyan gusto ko sabihing mahal ko pa rin siya at gusto kong magkabalikan kami pero hindi ako pinanganak sa mundo para maging tanga forever.

Nakita kong nagngitngit yung mga ngipin niya. Pwes alam na niya ang pakiramdam ng maloko. Ang sakit kaya matapakan ang pride. Isang buwan pa lang kasi simula ng mag-break kami.

"Di ko alam na ganyan ka pala."

"Wow ah. Ako pa ang sasabihin mo talaga niyan?" Sacarstic na saad ko.

"Well, nung natunugan ko kasing kinaliwa mo ako di kinanan kita. Para fair. Saka alam ko naman kung gaano mo ako kinakahiya eh dahil sa paghiging panget ko. Well di ko naman kasalanan na patulan mo ang isang katulad ko and to be honest, mas ikinakahiya kita. Dahil ako kahit pangey tapat, eh ikaw? Waley, gwapo ka lang!" Kimberlyn calm down! Gumagawa ka ng eksena sa bookstore, tandaan mo sales lady ka. Baka matanggal ka sa trabaho.

Ay kahit pala pasabugin ko tong buong BookStore eh hindi ako matatanggal sa trabaho ng dahil kay Alexander.

"Saka tong si Alexander mas masarap siyang kasama kesa sayo. Hindi niya ako kinakahiya!" Hinatak ko si Alexander papaalis at lumabas muna kami ng bookstore, buti walang masyadong tao dahil maaga pa saka weekdays.

Nakarating kami sa parang mini park nitong Ultra Mega Mall o UMM na pagma-may ari ni Alexander. Naupo ako sa isang bench at napabuga ng hangin.

"Ang kapal din ng mukha niya." Bulong ko.

"Ang sakit talaga magmahal no?" Ay kasama ko pala ang asungot na to.

"Tinatanong ko opinyon mo?" Pambabara ko dito.

"Alam mo nagmahal na ako ng ilang beses." Weh nga? Nagmahal na siya? Sus baka nga pa fling fling lang ang isang to.

"Pero lahat sila sinaktan ako, pera lang ang habol nila sa akin kadalasan." Ouch men. Kahit pala maala demigod na iyong kagwapuhan naloloko ka parin at nasasaktan.

Mga sira din yung mga babae na lumoko dito kay Alexander kung ako ang mga yun di ko to lolokohin. Tss kung ano ano pinagiisip ko. Kung sana naniniwala pa ako sa true baka bigyan ko siya ng chance to court me kaso hindi na eh.

"So, anong gagawin ko? Kaawan ka?" Tanong ko dito at pinameywangan siya.

"Hindi naman. But Kim gusto mo bang di na makaramdam ng kalungkutan?" Nakunoot noo ako sa tanong niya.

"Aba syempre sino ba namang hindi gusto maging masaya lang habang buhay?"

"Then love me back. I promise I'll make you happy sa bawat paghinga mo hanggang sa kahulihulihan mong paghinga."

Enerapan ko siya, lakas talaga ng tama ng isang to.

"Ikaw gusto mo yan na ang kahuli hulihan mong paghinga?" Sagot ko dito habang naka-amba yung kamao ko.

Iniwan ko na siya doon at bumalik na sa loob ng book store.

Baliw talaga ang isang yun, bat di siya pumunta sa bar at pumick up ng ibang babae for sure naman na madaming babae ding nagkakandarapa sa lalaking to. Sadyang yung naiibigan niya lang eh mukhang pera.

Subukan kaya niya maging mahirap malay niya doon siya makahanap ng true love. Saka masyado kasi siyang uto uto at galante kaya ayan lagi siyang nahuhuthutan.

Ayaw ko pa naman sa lahat yung uto uto.

---

Revised na rin tong chap.2 eneseya lang. :)

Chasing Ms. Panget (Revised Prologue-Chap.2)Where stories live. Discover now