"Naku kung pwede nga lang, why not coconut? Baka pag sinunggab ko si sir tuloy tuloy ako sa basurahan, pero kung ikaw ang susunggab---" Puputulin ko na sana siya kaso naunahan na ako ni Krystal.
"Makulit ka rin Mae no? Halika na nga, pabayaan na natin dito si Kim." At hinatak ni Krystal si Mae papaalis.
Hay, sa wakas! Nawala na rin ang dalawa kong makulit na kabigan. Tatahimik na rin kahit sandali--- ay mali pa dahil may isang asungot na makikisingit pa.
"Narinig ko lahat ng pinag-usapan niyo. Talagang ibang iba ka sa mga babaeng naging girlfriend ko and thats why i like you." Saad ni Alexander habang naka-pose pa ng pang modelo.
Okay, aaminin ko ang hot niyang tingnan kaso wala. Wala pa rin akong nararamdamang kakaiba. Meron pala. Kaba, ewan ko ba parang kinakabahan ako tuwing nasa malapit ko siya saka pag hinawakan niya ako parang may boltahe ng kuryente na dumadaloy.
Kaya ayaw na ayaw kong hinahawakan niya ako.
"So, who cares? At feeling is neutral, you like me but i don't like you." Sagot ko dito at iniwan ko siya.
Bahala siya sa buhay niya.
Naglalakad lakad ako ng biglang may tumawag sa akin isang lalaki... familliar sa akin yung boses niya.
Nilingon ko siya at halos umabot sa lupa yung pagkanga-nga ko. Well, well. Ang magaling ex ko lang naman ang kaharap ko.
Okay, aaminin ko. Di pa ako nakaka-move on pero syempre dahil uso ang pride hindi ko ipapakitang nasaktan ako sa ginawa niya at parang wala lang siya sa akin.
"Yes, sir?" Salita ko ng makalapit ako dito.
"A-ah eh..."
"Sir, kung wala po kayong itatanong wag kayong tatawag tawag at nakakaistorbo kayo." Bakas ang inis sa bawat pagbigkas ko ng salita pero walang emosyon yung mukha ko. (Try niyo? XD)
Bigla naman siyang sumeryoso. "Meron."
"Ano yun?" Taas kilay na tanong ko dito.
"Pwede ba tayong lumabas?" Di ko napigilan ang sarili ko at nag burst out na ako... sa kakatawa.
Sira pala siya eh. Di ba niya alam ang ibig sabiuhin ng x sa math? Wala. Wala na siya sa buhay ko. Maaaring di pa ako nakaka-move on at masakit pa rin pero di ako tanga para bigyan siya ng second chance.
Because cheater is always a cheater no matter what happen.
Pero etchos ko lang yung wala na siya sa buhay ko. Kasi kahit x na siya sa buhay ko, parang katulad lang nung sa math...(nakalimutan ng otor) kahit x lang siya understsood na may visible 1 siya.
Kaya kahit x na siya sa isip ko siya pa rin ang number one sa puso ko.
Chasing(02) - Love Me Back
Start from the beginning
