Chasing(02) - Love Me Back

Start from the beginning
                                        

Lakas tama eh!

Mas high pa sa tumira ng tsongke eh!

"Nakatira ka na naman ba ng utot?" Tanong ko dito na ikinatawa niya.

Ang sexy ng tawa niya...

shetey! Kung ano ano ang pinagi-iisip ko!

"Alam mo ang cheap ko naman, titirahin ko na lang utot pa? Bakit hindi na lang ikaw." Malanding sabi niya and he grinned.

"What the! Ang bastos mo!" Inis na sabi ko dito at hinampas ko siya ng hanger na hawak ko.

"Alam mo hindi ka lang pala may sira sa tuktok ng utak bastos ka rin pala!" Malakas na sinipa ko yung binti niya kaya napaluhod siya.

"Go to hell, baliw!" mahinang sigaw ko dito bago ako umalis sa kinatatayuan namin.

Kala ko baliw lang yung lalaking yun bastos rin pala!

Naku piilan niyo ako, mapapatay ko na talaga yung lalakin yun!

"Oh, ke aga aga nakabusangot ka diyan?" Puna ni Krystal sa akin, isa sa mga kaibigan kong sales lady din.

sasgot na sana ako ng biglang may sumingit.

"Sus sino pa bang dahilan kung bakit nakabusangot yang si Kim? Di si sir Alexander." Singit ng mukhang singit-de joke lang yan-na si Mae.

Ang babaeng mas malala pa kay Dora ang bunganga. Adbenturos ang bunganga ng babaeng yan mas mabilis pa sa bente quarto oras ang pagchi-chismis niyan. Ewan ko nga kung paano ko naging kaibigan ang babaeng yan eh.

"Ewan ko nga sayo Kim kung bakit ayaw mo kay Sir h kitang kita namang gusto ka ng tao. Kung ako sayo matagal ko ng sinunggaban yang si sir." dag-dag pa  niya.

Pareho naman kaming napangiwi ni Krystal dahil sa pinagsasabi nito ni Mae.

"Alam mo Mae hindi ako gold digger. Saka aanhin ko ang pera niya kungdi ako masaya sa kaniya at hindi ako manggagamit saka wala akong nararamdaman dun sa tao bakit naman ko papatulan yun si sir!" bwelta ko habang inaayos yung libro sa istante.

Buti walang masyadong tao kaya libreng libre kaming mag-chikahan.

"Saka kaming babaeng matitino hindi kami nanggagamit ng tao, higit pa sa lahat hindi namin pinapatulan yung taong hindi naman namin gusto." Dagdag pa ni Krystal.

"Sabi ko nga, pero sayang di ba?" Makulit talaga tong si Mae.

"Alam mo kung nanghihinayang ka bakit hindi ikaw ang sumunggab kay sir? Hindi yung parang kinokonsensya mo pa si Kim." komento ni Krystal.

Chasing Ms. Panget (Revised Prologue-Chap.2)Where stories live. Discover now