“Bakit ka pa nandito? Dapat magaayos ka naman para mamaya ah.” Sabi nya.

                Paano ako makakapagayos kung ganito yung sitwasyon nya. Nung tumawag si Denise, napasugod ako agad dito. Yung yung unang pumasok sa isip ko kaysa plantsahin yung toga ko.

                “Okay lang, mamaya pa naman yung 4.”

                “Anong oras na ba?”

                “12.” Sagot ni Denise.

                “Hala, alas dose na. ano ka ba Alfred!”

                “Wala naman kayo dun mamaya, para saan pa na aakyat ako sa stage?” nagemote ako bigla pero trip ko lang talaga.

                “WEHHH???” sabay pa silang nagsabi tapos natawa nalang kaming tatlo. Kung nandito si Jerich, complete casting na sila.

                “Hahabol nalang ako kapag nakalabas ako.” sabi nya pero hindi ako naniniwala na makakahabol pa sya sa lagay nya na ganito. “Denise, sabay nalang kayo ni Jerich.”

                “Sige, ayusin mo kasi yang sarili mo.”

                Pumasok na yung mama ni Angelie, nakita nya kaming tatlong nagtatawanan, napangiti sya.

                “Hiramin ko muna si Angelie ha?”

                “Sige po.”

                Lumabas na kaming dalawa ni Denise.

                “Tingin mo nakausap na ng mama ni Anj yung doctor?”

                “Hindi ko din alam eh.” Parehas kami ng tanong na iniisip ni Denise.

                Walang nagsalita saamin. Umupo lang kami sa labas at nagantay. Makalipas siguro mga sampung minuto, lumabas ulit yung mama nya, sabay kaming napatayo ni Denise.

                “Tita.” Naunang nagsalita si Denise.

                “Hatid ko nalang si Angelie sa school nyo mamamaya sa school nyo.” Sabi nya, “Congratulations nga pala iho.”

                “Thank you po.”

                “O sige, mamaya nalang, pagpahingahin nalang muna natin si Angelie para makalabas sya mamaya.”

                Nabuhayan ako ng loob. Hindi na kami bumalik pa sa kwarto kasi tulog nanaman daw sya. Hinatid ko nalang si Denise sa sakayan nya tapos dumiretso uwi na din ako.

                Kialala ng mga magulang ko si Angelie. Madalas ko na din syang naikwekwento kaya okay lang sa kanila kanina na umalis ako ng walang pasabi. Wala naman kaming katulong kaya ako ang nagplantsa ng toga ko. dapat sana kagabi kaso naunahan ako ng katam. Hindi ko naman ineexpect na ganito mangayayari. Nagpahinga ako sandali sa kwarto. Kapag naiisip ko yung sitwasyon ni Angelie, naiinis ako kay Mike kasi parang ang laki ng kinalaman nya sa pagkakasakit nya. Kung hindi nya sana iniwan si Angelie, hindi sya magkakaganito.

                Sasakyan naman ni papa ang ginamit ngayon. Yung Nissan Terrano para maraming pwedeng isakay. Plano kasi pagktapos mamaya, kakain sa labas at alam din nilang kasama sila Jerich, Denise at Angelie. Nagiisa lang kasi akong anak kaya natutuwa sila kapag may mga kasama ako na kaibigan.

Liempo ( A story of Rival Colleges)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن