"No, no, it's not what you think" pagkakaila ko na halata ang kaba sa boses

"Huwag ka ng magsinungaling! I heard you moan his name!"

Nagulat ako sa biglang pagsigaw at pagsampal niya sa akin

"Flix.." naluluha kong sambit sa pangalan niya

At isa na namang sampal ang sinagot niya sa akin

Namamanhid na ang pisngi ko

"Tandaan mo, akin ka lang kaya huwag ka ng maglaway sa iba!" sigaw niya sa akin saka niya kinuha ang baril sa malapit na lamesa saka niya ito kinasa

"We're going to die together kung hindi ka mapapasakin" ramdam ko naman ang panginginig ko ng itutok niya sa akin ang baril

"Flix don't..."

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng marinig ko ang putok ng baril

..
Nadatnan ko na lang ang sarili ko na nasa isang puting silid at hingal na hingal

Naghysterical naman ako ng may maaninag akong papalapit sa akin, hindi ko ito makilala dahil malabo pa ang paningin ko "Stay away from me! Stay away from me!" paulit-ulit kong sigaw

"Lili calm down, it's just me, your bestfriend alex" ramdam ko ang pagyakap niya sa akin pero nagpupumiglas pa rin ako

"Stay away from me!"

"It's me alex, lili calm down"

"Alex?" kumalma naman ako kahit papano

"Yeah it's me, I'm here lili so you don't have to worry" hinagod niya ang likod ko at gumanti naman ako ng yakap saka humagulgol ng iyak

"Alex ilayo mo ako sa kanila, papatayin nila ako alex, please ilayo mo ako sa kanila" pagmamakaawa ko sa kanya habang naiyak

"Sino sila lili? tell me kung kanino kita ilalayo" Kumalas na siya sa yakap saka ako hinawakan sa magkabilang balikat saka tinitigan

Hindi ako nakasagot ng may marinig kaming katok mula sa pinto

"Alex!" tawag ng lalaki mula sa labas na nakapagdulot naman sa akin ng takot

Tatayo na sana si alex pero kinapitan ko ang damit niya

"Alex huwag mong bubuksan, ilayo mo ako sa kanila ni houl" naiiyak kong sabi sa kanya na halata ang pagkatakot sa boses

Nanlaki naman ang mata ni  alex at hindi nakapagsalita

"They are after me alex, please ilayo mo ako sa kanila" pagmamakaawa ko sa kanya at bakas naman sa mata niya ang pag-aalala

"Nagdala ako ng pagkain alex, buksan mo 'tong pinto!" halata na ang pagkagalit sa boses ng nasa labas na si flix

"Wait lang" sigaw naman pabalik ni alex sa kanya

Kumuha siya ng wheelchair saka ako pinaupo doon

Hindi ko na naman kailangan ng dextrose kaya mas madali kaming makakalabas

Hindi ko na ininda ang sakit sa ulo ko at ibang parte ng katawan dahil ang iniisip ko lang ngayon ay makalayo sa kanila

"Flix bumalik ka na lang, tatawagan na lang kita pagnagising na si lili, gusto ko lang na makasama muna ang bestfriend ko kahit ngayong tulog siya"

"Fine but call me if she's awake okay?"

"Sige"

Rinig naman ang mga yabag ng paa palayo

Chineck muna ni alex kung nakaalis na siya at ng makasiguro ngang wala na siya ay tinulak niya na ang wheelchair ko

Matiwasay naman kaming nakapunta sa parking ng hospital at sumakay agad kami ng kotse ni alex, sinakay niya rin yung wheelchair sa backseat

"Saan na tayo pupunta?" tanong niya sa akin habang nagmamaneho

"Sa resthouse namin sa cavite, doon muna tayo, sorry nga pala alex sa pag-aabala sa iyo"

"Bestfriend mo ako lili, sasabihin mo ba sa kuya mo na sa resthouse niyo muna tayo mag-iistay?"

"H'wag na alex, nadamay na nga kita, ayaw kong pati si kuya ay madamay"

"But baka makatulong siya and mas safe kung mpoprotektahan ka niya"

"Huwag na alex"

"Kung gusto mo siyang tawagan o kontakin eh ito yung phone mo, nakuha ko ng maaksidente ka kanina" inabot niya sa akin yung phone ko galing sa bulsa niya na nhindi man lang inaalis ang tingin sa daan

Binuksan ko ito at nangilabot naman ako ng makita ang isang mensahe

From:09*********

Nagpunta ako sa hospital my princess pero wala ka, bakit mo ako iniwan? But don't worry mahahanap naman kita kahit saan ka pa magtago <3 basta always remember that you're just fvcking mine

**end**

Agad kong tinanggal mula sa cellphone ko ang simcard ko saka ito binali

Baka matract niya pa kasi ako sa pamamagitan ng simcard ko

...
Pls vote po guyz, huwag po kayong magtaka kung si alex ang naabutan niya paggising sa hospital dahil maeexplain naman yan next chapter

Pls vote and share po, comment na rin po kayo🤡(pacute po ng mukha yan XD)

Her Obsessed Prince (1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon