Chapter 31

9.5K 429 55
                                    

    Hindi mapakaling nagpalakad-lakad ako sa tabi ng kama kung nasaan si Lily. Sobrang init niya at hindi ko naman alam kung ano ang dapat gawin ko. Ngayon lang naman ako napunta sa ganitong sitwasyon na hindi ako ang may sakit.

    Nagulat ako nang bumukas ang pinto at pumasok sa loob si Reigan. Isinara niya ang pinto sa likod niya bago ako bigyan ng tingin. Alam kong nagtataka siya kung bakit nandito si Lily.

    "Inaapoy siya ng lagnat... h-hindi ko alam ang gagawin ko." Kinakaban na paliwanag ko sa kanya kahit hindi naman siya nagtanong.

    Hindi siya sumagot pero dumeretso siya sa bathroom. Ilang sandali lang ay may dala na siyang bimpo at basin. Uh? Saan niya nakuha yun?

    Sinimulan niyang punasan si Lily habang ako. Parang nakaramdam naman ako ng pagluwag sa dibdib ko. Mabuti na lang dumating siya.

    Habang busy siya sa pagpunas kay Lily, hindi ko maiwasan na pagmasdan siya. Ang mabaha at kulay itim na buhok niya ay dumudulas mula sa pagkakapatong sa balikat niya. Nahaharangan na ang mukha niya kaya gumigilid pa ang ulo ko para masilip at mapagmasdan siya.

    Bakit ganon?

    Habang tumatagal ay mas lalo pa siya gumaganda sa paningin ko? long eyelashes, perfect eyebrows, pointed nose, and those emotionless grey eyes. Pero ito lang talaga ang masasabi ko, every features on her face are perfect. Marami sigurong nai-insecure sa beauty niya? Ang ganda niya kasi. Sobra.

    Bumaba pa ang mga mata ko at napatitig sa mapupulang labi niya. Hindi ko pa siya nakikitang ngumiti. Ano kaya ang pakiramdam kapag ngumiti ang mga labing yan? Siguro iyon na ang oras para magunaw ang mundo....

    ....ko.

    Napaatras ako nung bigla siyang tumingin sa akin kaso napatid naman ako sa bag na nasa floor. Unang bumagsak ang pang-upo ko at napapikit ako sa sakit.

    Ouch! Pakiramdam ko hindi ko na kayang tumayo pa.

    Napamulat ako bigla nang may mga kamay na humila sa'kin patayo. Magkaharap na kaming dalawa ngayon at hindi ko namalayan ang paglapit niya. Gulat lang ako na nakatitig sa kanya.

    "Kung hindi pa ako dumating, hahayaan mo na lang siyang ganyan?"

    Hindi ko alam kung pinapagalitan niya ako or ano. Pero, napayuko ako dahil sa hiyang nararamdaman ko. I feel bad din kasi hindi ako gumawa ng paraan at hindi rin ako nag-isip.

    "S-sorry..." yun lang ang nasabi ko.

    "Your sorry means nothing, the damage has been done.."

    Mabilis na napaangat ang tingin ko pero ganon kabilis din niya akong tinalikuran. Bumalik siya sa gilid ng kama at piniga ang bimpo bago inilagay sa noo ni Lily. Nakokonsensya tuloy ako habang nakatitig rito. Para na niya akong ate pero wala man lang akong nagawa.

    "S-saan ka pupunta?" Tanong ko nang maglakad siya papunta sa pinto.

    "Gamot." Maikli at walang lingon na sagot niya bago lumabas.

    Umupo ako sa gilid ng kama habang pinagmamasdan si Lily. Mahimbing siyang natutulog. Hinawakan ko ang pisngi niya at hindi na siya ganon kainit katulad kanina. Buti na lang dumating si Reigan at naagapan ang sitwasyon.

Living With The Five Gorgeous GirlsWhere stories live. Discover now