Chapter 32: True Feelings

695 25 21
                                    

Chapter 32: True Feelings
-----------------------------------------------------------
Cyan's Pov

"Hanapin na natin ang taong tumulong sa iyo" seryoso kong sabi.

"Sige. Titignan ko lang kung safe tayo sa labas" naglakad si Ivan sa may pinto.

Bago pa man niya ito mabuksan ay may biglang kumatok. Napaatras si Ivan.

"Knock! Knock!" Rinig naming sabi ng taong kumatok sa pinto. Pamilyar ang kanyang boses. Hindi muna kami sumagot.

"Why are you not answering? You should answer 'Who's there?'" Sabi niya ulit.

"Who's there?" Napatingin ako kay Ivan ng bigla siyang nagsalita. Bakit siya sumagot.

"Cyan..." Nagbago ang tono ng boses niya.

"Cyan who?" Seryosong sabi ni Ivan.

"Cyan is.... MINE!" agad kaming napaatras ni Ivan ng mawasak ang pintuan. Niyakap ako ni Ivan para ako ay protektahan.

Narinig namin ang yabag ng isang tao papasok.

"What are you two doing here?" Sobrang lamig ng kanyang boses. Ngunit pamilyar talaga ito.

"Sino ka?" Matapang na sabi ni Ivan. Pumunta si Ivan sa aking harapan para takpan ako.

"I'm nothing but owned by someone, Im Zero" madilim ang buong paligid kaya hindi ko maaninag ang itsura niya. Si Zero, yung kamukha ni Zeke.

"Anong kailangan mo?" Tanong ulit ni Ivan.

"Are you deaf? Im here for my Cyan. So if you dont want to get hurt, move..." Cold na sabi ni Zero.

"No" seryosong sabi ni Ivan.

"Fine.." Dahan-dahang lumapit si Zero.

"Cyan, pipilitin kong labanan siya kaya habang ginagawa ko iyon, tumakbo ka palabas" bulong sa akin ni Ivan.

"Ayoko, hindi kita iiwan dito" seryoso kong sabi.

"Ayokong mahawakan ka ng lalaking ito kaya kailangan mong umalis" seryoso naman tugon ni Ivan.

"Stop your little chit-chat, it's annoying" yung kaninang madilim na mga mata ni Zero at napalitan ng kulay pula. Paano nangyari iyon?

"I want you to meet my two friends" nagtaka ako sa sinabi ni Zero. Sinong kaibigan yon?

Napaatras kaming dalawa ni Ivan ng may lumabas sa braso ni Zero na kadena. At sa dulo ng kadena ay may ulo ng ahas. Kakaiba ang itsura nito.

"Oo, this girl with me will be part of experiments as well as my son"

Ang itsura ni Zero...

"Yes, my son. What's wrong with that? I'll just making him unique"

Ay sobrang nakakatakot...

"Who? Umm.... Maybe, I'll pick Zeke"

Pinag-eksperimentuhan siya. Si Zeke at si Zero ay iisa nga.

"Meet X and Y" ngumisi si Zero na nakapagpataas ng aking balahibo.

"You're a— You're a Monster!" Malakas na sigaw ni Ivan.

"No, Im not a monster. Im a King and Im here to take my Queen" Malakas na sabi ni Zero.

-----------------------------------------------------------
Ill's Pov

The Innocent Guy In My RoomDonde viven las historias. Descúbrelo ahora