Kumain na nga lang ako kesa sa problemahin yung magulo niyang pangalan, pagkatapos kong kumain ay pilit niya na akong pinapauwi, andito na nga kami sa may gate ng bahay niya

"Ihatid mo na kasi ako please lang, baka kasi mamaya inaabangan na pala akong umuwi ni houl eh" pamimilit ko sa kanyang ihatid ako

"Houl?" tanong niya ng nakakunot noo

Napatakip naman ako sa bibig ko

May nasabi ba akong houl? Sheex, bakit niya kasi ako pinainom ng juice, yan tuloy nadudulas ang dila ko

"Houl? Maglinis ka na nga ng tenga mo or baka naman may gusto ka kay houl kasi wala naman akong sinasabing houl, ang sabi ko ' ihatid mo na kasi ako please lang, baka kasi mamaya inaabangan na pala akong umuwi ni kuya' baka kasi nag-aalala na yon" palusot ko

Lately ay napapadalas na ang pagsisinungaling ko

Ba naman kasi, baka madamay pa si evil pag nalaman niya ang pinaggagagawa sa akin ni houl

"Tsk, fine, ihahatid na kita but this is the first and last time na ihahatad kita pauwi sa inyo"

Nayakap ko naman siya sa sobrang tuwa "Yey! Thank you evil, ambait bait mo talaga" saka ako kumalas sa yakap at hinila siya papunta sa kotse niyang kulay itim

Sumakay naman kami at sinimulan niya ng magdrive

"Don't call me evil"

Etoj na naman siya sa pagiging magulo niya, eh sabi niya siya si evil

"Eih? Ang sabi mo ikaw si evil"

"I'm flix okay, my name's not evil, ako ang evil, masama ako okay?"

Ahhh, gets ko na

Pero mabait naman siya diba? Hindi niya pinagsabi yung tungkol sa mark ko, linigtas niya ako kay houl, binihisan niya pa ako ng damit, pinakain niya pa ako pag gising ko kanina tapos ihahatid niya pa ako pauwi ngayon

"Hindi ka naman masama ah, mabait ka and i know na mabuti kang tao" tiningnan niya naman ako sandali saka binalik ang tingin sa daan

"Hindi ako kagaya ng iniisip mo, masama ako okay"

"Pero hindi masama ang nakikita ko sayo"

Bumuntong hininga lang siya at hindi na umimik hanggang sa makarating kami sa bahay

But ang ipinagtataka ko ay bakit alam niya ang bahay namin eh hini ko naman sinabi sa kanya

Peymus pala ang bahay namin eih, pati si houl eh naihatid ako sa bahay ng hindi ko man lang sinasabi ang address ko

"Bumaba ka na" utos niya sa akin

"Ikaw muna"

Sinamaan niya naman ako ng tingin saka binalik ang tingin sa harap

"Bumaba ka na, h'wag mo na akong inisin"

"eh naman kasi natatakot ako kay kuya, baka pagalitan ako dahil ginabi ako ng uwi, samahan mo lang akong magpaliwanag sa kanya, ikaw na rin ang maggawa ng alibi ko"

Kumunot naman ang noo niya saka ako sinamaan ulit ng tingin

"Bumaba ka na" matigas na ang pagkakasabi niya na may halong awtoridad

"Eih please last na to, hindi naman sa inaabuso ko ang kabaitan mo pero takot lang talaga ako sa sermon ni kuya"

"Fine!" pagsuko niya saka bumaba ng kotse, bumaba na rin naman ako saka nagdoorbell

Maya maya lang ay lumabas na si kuya

"My gosh liane! Alam mo ba kung anong oras na ha, tandaan mong babae ka kaya huwag kang magpagabi..." napatigil naman siya sa pagsasalita ng mapadapo ang tingin niya kay flix

"Kuya si flix nga pala kai---"

"Boyfriend niya"

0_0 boyfriend ko siya?!

Her Obsessed Prince (1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon