Chapter 7: Ang ball namin at ang destined person ko?!

Start from the beginning
                                    

"A-ang ganda mo naman ngayon Ava.." sabi ni kuya na hindi ko alam kung nag-bublush ba..

"S-salamat k-kuya.." Hanuvey! Nanginginig ang boses ko.. Bigla kaming natahimik hanggang sa binasag na ng madaldal na bunganga ni Pamela ang katahimikan.

"Ang AWKWARD! Tara na!" sabi niya at umalis na kami.

------*

Pagdating namin a venue ng ball namin, pumunta na kami a may entrance booth para mag-papicture. Masquerade ball pala ito kaya we have to wear our mask inside. Isinuot ko na yung mask ko pati sina kuya ay nag-suot na rin. As the event go on, nagsalita na ang MC para sa huling event ng gabi.

"To all the freshmens and sophomores here, welcome! Tonight is the night you've all been waiting for. Now, our main event will begin in a few minutes. This is called the king and queen's waltz. Now, from these dance, we will choose our king and queen plus once they're chosen, they have to go  to the stage to receive their prizes plus our bonus feature, the king will kiss the queen on the cheeks, does that sound fair to you?"  tanong ng MC na ang naging sagot lang ng audience ay sigaw means na pumapayag sila.

"But, tonight, we will have a twist. Tonight we will play different kinds of music and you're going to dance with your date first. As the song exchange, you will exchange your partners to. You will go to the next  lady/man beside you as each song goes by. By the time na mag-12 na ng hating-gabi, you will then take off your masks to reveal kung sino ang destined person para sa inyo. And the one whom you danced last, may sabi-sabi sila na sila daw yung destined person para sa inyo.."

"Let's start the ball and goodluck everybody! I hope this night will be memorable to all of you, please   enjoy!"  at pagka-sabi nun ng MC ay pumunta na ang lahat sa dance floor. Pumwesto na kami ni Keith sa positions namin. Lahat kami dito naka-mask kaya wala akong idea kung sino ang huli kong makaka-sayaw. Medyo excited na kinakabahan din naman ako. Well, bahala na si Batman!

-------------*

Tumugtog na ang unang music at si Keith ang una kong nakasayaw.  Ang unang music ay Can you feel the love tonight by Nina. Nagsayaw na kaming dalawa ni Keith hanggang sa matapos ang kanta at kinalangan nang magpalit ng partner. Natapos na ang 2nd,3rd at 4th song at 5th song na.

Hanggang sa umabot na ang 5th song. Kinabahan ako. Sino kaya ang destined someone ko? Excited na ko! Napapunta ako sa matitipunong bisig ng isang lalaking kaharap ko. Pagkakita ko pa lamang sa kanya, bigla na lamang bumilis ang tibok ng puso ko kahit hindi ko pa nakikita ang mukha niya. Naka-titig lang ako sa kanya at ganun din siya sakin. Hanggang sa nagsimula na ang music at sumayaw na kami. Ang kanta ay "So Close by Jon McLaughlin" (music below)

Habang sumasayaw kami, naka-titig lang talaga siya sakin. Hindi ko alam kung napapansin niya pero namumula na ang pisngi ko. Para kasing pamilyar ang taong to eh, hindi ko lang ma-identify kung sino. Natapos na ang song at nagsalita na ang MC.

"Okay guys, it's already 12 midnight, you may now take off your masks ang find out who is your destined person, enjoy!"  pagkasabi nun ng MC, bumilang ang lahat hanggang 3 bago inalis ng sabay-sabay ang mga masks. Pagkatanggal ko nung sakin, nagulat talaga ako sa mukha ng kaharap ko! Mali! Replay! Hindi ito pwede!

"A-ava?!"

"K-kuya?!"

"Ikaw ang destined person ko?!"  sabay naming sabi sa isa't-isa.. OMG ANO TO?!?!

(A/N: Ayiieeehh!! OMG! Kinikilig ako ng sobra! Nagustuhan nyo ba ang chapter na ito ng I Heart You Kuya? Grabe, talagang inisip ko yan ng bonggang-bongga as in! Sorry po ngayon lang nakapag-update kasi busy talaga ako sa school namin.. Please vote and comment po!)

I Heart You Kuya [FIN]Where stories live. Discover now