Chapter 38: So, it's a yes?

1.5K 27 1
                                    

Sorry po sa sobrang tagal na update! >____< Ngayon lang po ako naging free eh. Don't worry po, idodouble update ko na lang po para makabawi sa inyo dear readers pero salamat dahil nandito parin kayo ngayon at binabasa ang aking storya! We're coming near our end at sana, nandyan parin kayo till the end hanggang sa sequel! :D Para po sa inyo to!


------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------



[Ava's POV]



Na-touch talaga ako nung nag-simula syang tumugtog at kumanta. Every word mula dun sa lyrics, parang tumatagos sa puso't-isipan ko. Nung una, wala akong idea kung bakit nya to ginagawa or kung anong meron sa araw na ito at bakit ganito sya ka-sweet sakin. Natauhan lang ako nung tumayo sya at may kinuha na red velvet box mula sa bulsa nya at lumuhod sya sa harapan ko at napaiyak na lang ako nung makita ko yung nasa box, it was a cute diamond ring. Tumingin sya sakin tapos saka sya nagsalita.

"Ms. Ava Courtny Villamayor, will you marry me?" and from then, bigla na lang tumulo yung mga luha ko mula sa mga mata ko. I can't believe it. He's asking for marriage? Hindi ba engage na kami? Tiningnan ko sya sa mata at nakita ko ang pangamba at kaba sa mga mata nya pero nakita ko rin dun ang sincerety nya. Lord, bakit ba halos perpekto na ang tao na ito na wala ng ibang ginawa kundi ang pakiligin ako!?

"K-kyle... seryoso?" tanong ko sa kanya. Napatawa naman sya tsaka ako pi-nat sa ulo.

"Chups naman eh! Nagpapatawa ka naman eh! Syempre seryoso ako! Mukha ba akong nagbibiro?" tanong naman nya sakin. Nag-pout naman ako tapos nginitian ko sya tsaka ko pinunasan ang mga mata ko dahil sa mga precious tears ko.

"Hehe. Ikaw naman kasi eh. Bigla-bigla ka na lang luluhod dyan tapos mag-popropose ng kasal! Edi ba nga engage na tayo? Bakit ka pa nag-aalok  ng kasal kung ikakasal na din naman tayo after graduation?" tanong ko naman sa kanya. Tiningnan naman nya ako na para bang sinasabi nyang ang slow ko. Well, sorry naman, ang fast nya kasi eh!

Tumayo sya mula sa pagkakaluhod nya at niyakap ako. Sweet right? Well, okay. Ako na malandi. Ako na kinikilig! Yiiieeeh! Eh sa kinikilig yung tao eh may magagawa ba kayo?! Wala naman diba?! Hehe kiligin na lang din kayo para samin!

"Sira! Gusto ko kasi, ako mismo ang hihingi ng kamay mo. Mas gusto ko na ako mismo ang mag-popropose sayo para romantic at para mapatunayan ko sayo kung gaano kita kamahal at kung gaano ka kahalaga sakin" tapos nagsmile naman sya. Na-touch naman ako lalo. Haaay, masyado syang sweet ayan tuloy, naiyak na naman ako. Tears of joy naman toh eh. Basta andito sya sa tabi ko, masaya na ako.

"Halika nga dito! Pa-hug nga!" sabi ko naman sa kanya. Tumawa naman sya pero niyakap nya rin naman ako. Niyakap ko sya ng mahigpit. Gusto kong iparamdam sa kanya na mahal na mahal ko sya na that even words aren't enough to describe what i exactly feel right now. Hinigpitan nya din ang yakap sakin na para bang kapag bumitaw sya eh mawawala ako sa kanya. After a few minutes, unti-unti na din kaming bumitaw sa isa't-isa. Tumingin ako sa kanya at tumingin din naman sya sakin. Nginitian ko sya nung pinunasan nya yung mga luha ko mula sa mata ko.

I Heart You Kuya [FIN]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt