My Fictional Character

Start from the beginning
                                    

Shet, siya nga! Langya, nakakahiya ako, pero... ANG GANDA NG BOSES NIYA! Mash-up pa talaga yung kinanta niya. I KENNOT! Bakit ako kinikilig?! HAHAHAHA! Hindi ko pa nga nakikita mukha niya. Posible bang mainlove ako sa boses niya?

Ano bang mas weird? Yung kinikilig ako sa ex ko dahil siya lang ang naka-pink noong birthday ko o yung kinikilig ako sa boses ng lalaking hindi ko pa nakikita o kilala? Ayos, Karen! AYOOOS! Nainlove ka na dati through internet, sana naman ngayon, natuto ka na, diba? Letse!

*END OF THE FLASHBACK*

Pero hindi pa doon nagtatapos ang lahat dahil pagkatapos ko mag fangirl sa boses niya, nalaman ko din yung tunay niyang pangalan dahil kinailangan ko siya para sa survey ko for Word Lit. Drake Perez pala ang totoong pangalan niya. Noong una, ayaw ko pa maniwala. Drake din ang pangalan niya? Eh yung mukha kaya? De, joke lang. Pero hindi lang 'yun! Nananadiya lang talaga dahil yung ex ko, Perez din ang apilido. Well, it really doesn't matter. KINIKILIG AKO!

Sa sobrang kilig ko, chinat ko si Eydee and guess what?!

NILAGLAG NIYA AKO. WHAT A FRIEND, DIBA?!

Pinrint screen lang naman kasi niya yung chinat ko sa kanya sa FB...

Me: Shet eydee! Alam ko na yung RA ni X sa SC. Huhu. Ang ganda ng boses nya. Crush ko na siya.

Pusang gala, kaibigan talaga ang isang 'to. Dahil sa panlalaglag niya, nakakaloka dahil mas lalo ko lang siyang naaalala! Mas lalo ko siyang naaalala, mas lalo ko siyang sinisearch sa facebook. Oo, stalker na ang peg ko.

CONFIRMED: Isa na rin talaga ako sa mga fan girls niya. No, fangirl is an understatement. I think I already like... his voice. No, I love his voice. Hahahahaha, shabu pa! OO NGA KASI, CRUSH KO NGA SIYA. HINDI NAMAN AKO PAKIPOT, SLIGHT LANG!!!

Pero teka, hindi lang yan. Lagi na rin kaming magkausap ni Drake sa DM on Twitter, pero hindi naman landian. It's either about how he handles Drake's account or kagaguhan lang naman pinaguusapan namin. May time, nagrereklamo siya sa mga stalkers niya. Makukulit naman kasi talaga yung mga fangirls niya kaya naiintindihan ko. Att the same time, naiintindihan ko rin fangirls niya. Hehehehe!

Noong isang araw pa, nag-uusap sila sa Twitter ni Chen, isa sa mga characters ng That Crazy Bastard ni Beeyotch. Ang weird lang dahil tawa sila ng tawa, eh ang pinaguusapan lang naman nila ay...

SELFIE at PEMPEM.

Kaya na-curious ako ng bonggang bongga at tinanong ko silang dalawa.

*FLASHBACK*

Kinausap ko silang dalawa sa tinychat para i-tanong kung ano yung pempem...

Me: Oy

Chen: Bakit, manager? Hahaha!

Me: Sino si Pempem?

Drake: Ikaw. Hahaha!

Short StoriesWhere stories live. Discover now