Di Matiis

608 16 0
                                    

Mika's POV

Kaloka to si Jace. Sinong mag-aakala na kwela pala to si Jace. Well. "Bili tayo ng Buko Juice Doon o" itinuro niya ang Isang cottage na nagtitinda ng Buko juice. "2 Buko juice" tumango naman ang tindera tsaka ginawa ang juice namin.

"So, dahil nakita mo na parang wala lang sa kanya kung sino ang gusto mo, napilitan kang sabihin ang pangalan ko." Sabi niya habang tumatawa. Oo, inamin ko kasi sakanya na joke lang yung sinabi ko sa Truth or Dare. Nag-sorry rin Ako sakanya sa paggamit ng pangalan niya.

Nag-show Ako ng Peace sign sakanya." Hindi kasi pwede na Si Harry at Harold Dahil obviously may girlfriend ang dalawa. Si Harvey, kasi may HD yun kay Zoe, di lang halata." explain ko kung Bakit siya yung sinabi Kong crush ko. "HD?" tanong niya. "Hidden Desire" napa-'ahh' nalang siya. "Si Ivan, Hindi ako sure pero gusto yata non Si Hannah. Si Mike, Jusko, pasimple naman yun kay Andrea halatang may gusto sa huli. Si Daniel, aba, I ship him with Kaith. Kaya Ikaw kasi Ikaw yung no-string Attach sa Lahat." paliwanag ko.

"So, ibig sabihin, ang totoong gusto mo si Hanry?" tanong niya. "Obviously and Unfortunately, Yes" pag-amin ko.

"You know what, you need to tell him. It's not like it'll kill you to tell him how you feel. Atleast you won't regret that in your life, there's one thing you didn't admit. That's gonna be your biggest nightmare." napatingin Ako sakanya. Shit! Ume-english.

Dumating na yung order namin. "That'll be $30, mister" Sabi niya. Ngumiti kami sa kanya at kinuha na ang Buko juice matapos magbayad ni Jace.

"Paano kung hindi kami pareho ng nararamdaman?" tanong ko. "Atleast nasabi mo." Nyeta! Eh ang sakit non eh. It takes courage Para masabi ang nararamdaman mo sa Isang Tao tapos Hindi masusuklian? Damn! Ang Sakit non.

Sumimangot Ako.

Ano ba Mika! Keep your shits together. Argh!

"Ah, Jace maglalakad-lakad muna Ako ha" paalam ko sakanya. "Sige" ngumiti Ako sakanya bago umalis.

"Atleast you won't regret that in your life, there's one thing you didn't admit. That's gonna be your biggest nightmare"

Tama Si Jace. I have to take the risk so that I won't regret anything. Bahala na Si Superman, at least nasabi ko kay Hanry na gusto ko siya.

Pumihit Ako pabalik Para hanapin Si Hanry nang may humarang sakin na lalaki. I think he's a Canadian. "Hey, what's your name girl?" tanong niya sakin. Binalewala ko lang siya at maglalakad na sana ng higitin niya ang kamay ko. "I'm asking you girl what's your name so you better answer me, bitch!" shit! Ang higpit ng hawak niya sakin. "Ugh! Let go of me, you jerk! You're damn hurting my wrist!" sigaw ko sakanya.

"You know what, you have a nice body, girl. My type of body. And I like that feisty attitude of yours, it turns me on" Sabi nito at dumila. Damn! I encountered a Maniac. Gwapo na sana kaso Maniac. "O shut up you, Maniac!" sigaw ko. "What did you just call me Bitch? Maniac? How dare you call me Maniac!" akmang sasampalin niya ako ng may kamao na unang lumapat sa pagmumukha niya. Sayang, gwapo sana. "Don't you dare slap her, you motherfucker!" Si Hanry! Oh My God! Sinuntok ni Hanry yung lalaki sa may jaw nito, nakabawi naman ito at sinuntok Si Hanry sa pisngi. "Oh My God! Help! Please! Help us please!" nagsisigaw nako but everyone is acting like there's an action movie taping in the area. "Geez, people can't you see what's happening! They're going to kill each other!" Damn! I can't stop cursing. Mabuti't dumating sina Harvey. "Shit! Hanry!" sigaw ni Harry. Inaawat nila ang dalawa habang dinaluhan naman Ako ng girls.

"Are you okay Mika? Answer me?" nag-aalalang tanong ni Zoe. Tumatango lang ako. Si Hanry! Oh my God!

Successful na nahiwalay nila Si Hanry sa Canadian na yun. "Eat your shit, asshole!" sumigaw Pa Si Hanry dito bago kami umalis Doon. "Anong nangyari?" tanong nila ng makaabot kami sa cottage namin. Agad binigyan ni Tita Jan Si Hanry ng Ice pack. "Kasi yung lalaki, y-yung Maniac. Tinanong niya yung pangalan ko. Lalagpasan ko lang sana siya kaso naging agresibo siya Eh. He started saying things about my body and that I can be his bitch---" natigil ang eksplenasyon ko ng sinuntok ni Hanry ang lamesa. Tumayo siya at hinila Ako paalis ng cottage. Pumasok kami sa hotel patungo sa room namin, kung Saan nilagay namin ang mga dala naming bag. Pagkasarado niya sa pinto Ay agad niya akong niyakap.

"H-Hanry..." nauutal kong tugon. "P-Please, Hayaan mo munang yakapin kita" pakiusap niya sa akin. Napalunok Ako. "Sinaktan ka ba nung gago na Yun, ha?" biglaang tanong niya. "A-Ah. Hindi naman, ano, ahmm, hinawakan niya lang ng mahigpit yung w---" Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng sinuntok niya ang dingding nung kwarto. "Babalikan ko yung gago na yun." akmang lalabas siya pero hinila ko siya at niyakap. "W-Wag please. Ayokong masaktan ka na naman" nabigla siya sa sinabi ko dahil ramdam ko ang paninigas niya, kahit Ako Ay nabigla sa sinabi ko.

"Listen, Mika, alam ko parati tayong nagbabangayan. Pero sa hinaba-haba ng panahon, yung pangbabangayan natin ang nakita kong paraan na mapansin mo ako. Ginagalingan ko ang paglalaro sa basketball kasi alam kong nandyan ka, chumicheer kahit Pa yung cheer mo Ay Para sa aming Lahat na players. Damn! Noong inamin mo na gusto mo Si Jace, nawalan ako ng pag-asa. Sabi ko sa sarili ko, "shit! May gusto sa pinsan ko. Wala akong pag-asa". Pero may nakapagsabi sa akin na I should take the risk Para wala akong pagsisihanan sa tanang buhay ko. Kaya ngayon Mika, kahit Hindi mo masuklian, aaminin ko Sa'yo, M-Mahal na Mahal kita, at galit na galit ako sa nangharass Sa'yo dahil walang pwedeng manakit sa babaeng mahal na mahal ko"

Nanlaki ang mata ko sa sudden confession niya.

A-Ano yun? M-Mahal niya Ako? Mahal niya Ako? For real?

Biglang tumulo ang Luha ko. "U-Uy, teka, bakit ka umiiyak?" natatarantang sambit ni Hanry. Tumawa Ako habang lumuluha. "Alam mo Ikaw, ang Ganda na sana ng moment E, sinisira mo. Mahal din kita, kahit ogags ka! Sumali Ako ng Cheerdance Squad dahil Sa'yo. At sa tuwing sinasabi mo noon sa mga ka-teammates mo kung gaano mo Ako kadis-gusto, ang sakit-sakit non na tila ba tinusok ako ng ilang punyal. Tuwing may bago Kang fling na cheerleader, nasasaktan Ako, pero sige go parin ang feelings ko. Noong malaman ko na childhood crush mo yung Tala, parang tinusok ng Isang milyong karayom ang puso ko. Napaisip ko, Wala talaga akong pag-asa dito. Noong Truth or Dare, nang tinanong nila kung sino yung gusto ko, tinignan kita kung interesado kabang malaman kung sino pero Wala di ko nakita yun Sa'yo Kaya Si Jace yung sinabi ko kahit di siya" nanlaki ang mga niya sa pag-amin ko.

"H-Ha, yung sa truth or Dare, hindi ko pinakitang interesado Ako dahil baka mapansin mo ang totoong nararamdaman, kahit Pa na kating-kati na akong malaman kung sino yung gusto mo. Atsaka yung sinasabi ko na Hindi kita gusto, defense ko lang yun Para di mo makita na patay na patay Ako. Pero teka---" hinawakan niya yung balikat ko. "Mahal mo Ako?" napangiti Ako at sinapak siya. "Oo nga Eh, bingi lang?" Sabi ko tumawa pa rin. Ipinakita nya ang derp face niya na shit! Ang gwapo niya.

"So, mahal kita at mahal mo rin Ako, Paano ba yan? Tayo na?" Sabi niya at ngumisi.

"Eh... Manligaw ka muna" Sabi ko. "Eh? Pwede naman na ligawan kita habang tayo na Eh" Sabi niya at niyakap Ako. "Eh? Sigurado ka? O sige tayo na" tinignan niya ako. "O shit! Yes thank you Lord! Thank you babe" sabi niya, tignan mo to may endearment na agad. Sinapo nya yung mukha ko at masuyong hinalikan ang Labi ko.

Yung halik na may pag-iingat at puno ng pagmamahal. "I love you" sabi ko habang hinahalikan niya Pa rin.

"I love you, too" nakakainis nagawa pang ngumisi kahit ako'y sabik na sabik na sakanya.

___________

Pasensya na po sa mga curse. I hope you would understand.

Another couple conquered. Last one.

Please hit the star button if it doesn't hurt that much. Kung na-appreciate niyo lang naman. No pushing...

Thank you~

Ciao!

The Bad Boy's SISTER?! (Sanders Series 2) - MAJOR REVISIONWhere stories live. Discover now