Risk

625 20 1
                                    

Hanry's POV

Hindi na naituloy ang Truth or Dare namin ng umalis si Mika. "Si Jace ang gusto niya? I thought it was someone else...." Di makapaniwalang sabi ni Elle. "Yung baboy na yun. Masekreto masyado. Isipin niyo, sa grupo ako yung close niya pero wala akong alam..." Drama ko tapos sabay pailing-iling pa. "Aray...!" Nguwa ko ng batukan ako ni Harvey. "Sina panget nga walang alam na babae sila ikaw pa kaya?"

Hindi nalang ako sumagot. Sumunod na araw ay pumunta kami sa isang beach resort dito sa New York. Ang High Peaks Resort. 

"Tara don tayo sa swimming pool!" aya ni Jace. Kanina ko pa to napapansin, palagi siyang dumidikit kay Mika. At ang nakakairita pa eh nag-two piece lang ang girls! Amputa... 

Kaya ayun ang mga mokong, bantay sarado sa mga jowa nila. Parang aso kumbaga kung saan pupunta ang girlfriend nandoon din, kulang nalang sa CR din eh. "Hanry tara!" tinawag ako ni Mike na kasalukuyang inaakbayan si Andrea. Teka ano na bang status ng dalawang to? Hindi yata ako updated? Tumayo ako mula sa sun lounge at naghubad ng Tshirt tsaka naglakad papunta sa kanila. 

Maraming tumitingin sa akin. Nararamdaman ko yun, hindi ko akalain na kahit mga foreigner maaakit sa gandang-lalaki ko. Tsk. Tsk. "You're really flashy, Hanry" sabi ni Mika nang makarating ako sa kanila. "May problema ka?" sagot ko. Inirapan lang ako ng huli. 

Humarap siya kay Jace at nagkwentuhan. Nainis ako bigla. Ewan ko ba, basta naiirita ako, ano yun? Nagkaaminan lang close na agad? Tsk. "Gawin kitang sireno, Hanry!" Natatawang sambit ni Mike. "Sireno? Ano yun?" Tanong ko. "Sireno, lalaking sirena. Don't tell me gusto mo sirena?" Pang-aasar niya. "Ulol!" Sigaw ko. Tapos nagtawanan na kami.

Tinawag na kami ni Tita para daw kumain. Nag-ihaw sila ng tupa doon sa may cottage. Agad kaming nagpuntahan roon at nagsipunas ng kanya-kanyang towel.

"Hmmm" sinimot ni Harry ang usok mula sa inihaw. "Hoy, para kang high" sabi ni Daniel, na sinigundahan ni Elle. Pagkatapos kung kumuha ng kanin at ulam ay umupo Ako sa buhanginan katabi ni Mika. "AY JUSKO! May kapre sa tabi ko!" napasimangot naman Ako sa biglaang pagsigaw ni Baboy. "Pwede ba Baboy tumahimik ka nalang at baka itahi ko Yang bibig mo." sumimangot siya bago nagpatuloy sa pagkain ng biglang tumabi din sa kanya si Jace. "Ito oh. May baby back ribs Pala dun di nailabas agad" Sabi nito at nilagyan ng baby back ribs ang pinggan ni Mika. "Ah. Eh. Salamat Jace" ang ngumiti siya ng matamis. The F!?

Hindi Ako nakatiis Kaya umalis Ako doon. Napansin ni Mika ang pag-alis ko. "O Saan ang punta mo Hanry?" tanong nito sakin. "Sa malayo. Masakit kasi ang makagat ng langgam." at tuluyan na akong lumayo. "Huh?" narinig ko pang react niya. Tsk.

"O bad trip yata tayo Dre?" biglang sumulpot sa gilid ko Si Harvey. "Wala to." sumulyap ako sa mga naliligo sa pool. "Alam mo bruh, kung ano man Yang kinikimkim mo, ilabas mo yan, baka magulat ka nautot ka na Pala" at tumawa ito na parang baliw. Akala seryoso na eh. Hayaan niyo na yan madalang lang yan tumawa Kaya pagbigyan.

"Di seryoso Brad, kung ano man Yang kinikimkim mo Dyan sa loob-loob mo. Ilabas mo yan, bago Pa mahuli ang lahat. Kapag binigyan ka ng pagkakataon, sunggaban mo, di sa Lahat ng panahon nabibigyan tayo ng pagkakataon." Sabi nito at tinapik ang balikat ko bago umalis. Sinulyapan ko Si Mika at Jace at lalo lang akong nainis ng makita ang nakaplaster na ngiti sa mukha ni Mika habang kausap ang pinsan ko. Lintik na pag-ibig.

Pagkatapos kong kumain Ay agad akong lumusong sa pool para maligo at maibsan ang inis ko.

Biglang sumulpot sa harap ko Si Zoe. "Anong mukha yan Hanry?" tanong ni Zoe. "Mukha ng Diyos" bored kong sagot. "Diyos ng mga Dobie." Sabi niya. Sinimangotan ko nalang Si Zoe. "Pero seryoso, Anong nangyari Sa'yo? Pinarusahan ka ba ng Diyos?" tinignan ko siya ng tila nalilito. "Paano nasali ang Diyos dito?" siya naman ngayon ang sumimangot. "Eh sagutin mo nalang kasi ang tanong ko." bumuntong hininga Ako.

"Alam mo Hanry, parang may clue na Ako kung Ano yan. Sa pagkakakilala ko sayo, you are a Risk Taker. Hindi ka takot na magtake ng risk. Pero Bakit tila dinadaga ka ngayon? Hmm? To be honest with you, take the risk Hanry. Kahit hindi mo alam ang susunod na mangyayari, atleast in your life masasabi mo nalang na atleast nasabi ko. No regrets. Kasi nagawa ko, kahit pa hindi nasuklian" napatingin Ako sakanya. Kung alam niya ang dinaramdam ko ngayon, ang ibig niya bang sabihin sa 'kahit pa hindi nasuklian' ay wala talaga akong pag-asa?

Nanlaki bigla ang mata niya at binatukan ang sarili. "Aish, I just said that to point possibilities. Pero hindi natin alam, baka mali ang propesiya ko.!" Propesiya? Ano siya si Babaylan? Mekeni Mekeni dug dug doremi? Uso kasi yan sa Pinas ngayon. Nasagap ko lang.

"Alam mo, bagay talaga kayo ni Harvey." sumimangot agad siya. "Bagay? Kami ni Panget? Sa Ganda Kong to Si Panget ang bagay sakin?" turo niya sa sarili. "Hindi. Pareho kayo Eh." tumaas ang kilay niya. "Pareho?" ngumisi Ako sakanya. "Mga Love Analyst" Sabi ko at lumangoy palayo bago Pa Ako mahampas ni Zoe.

Bumili Ako ng Buko Juice sa Mini Canteen Doon sa side. "One Buko Juice please" Sabi ko sa tindera na Americana. Nilagyan ko pa ng American accent yung English ko. "Here Mister. That will be $3" Sabi niya. I handed her my payment at ngumiti sakanya. Naglakad - lakad Ako sa gilid ng pool ng mahagip ng mata ko Si Mika at Jace na nagbabatuhan ng tubig sa pool. Tsk.

Ang bigat na sa loob. Tsk. Nakaka-bading naman to pero shit ang bigat na sa pakiramdam.


Damn. Selos na selos na Ako.


"Kapag binigyan ka ng pagkakataon, sunggaban mo, di sa Lahat ng panahon nabibigyan tayo ng pagkakataon"

"Sa pagkakakilala ko sayo, you are a Risk Taker."


"Kahit hindi mo alam ang susunod na mangyayari, atleast in your life masasabi mo nalang na atleast nasabi ko. No regrets."

Tama ang tandem na Yun. Well, hindi ko na hihintayin na magkaroon Ako ng pagkakataon. Kung gusto ko na may mangyari, Ako na ang gagawa ng paraan para atleast di Ako mag-regret.

Tama Si Zoe, I'm a Risk Taker.

Sasabihin ko na sakanya.

Mika.

———––—

Seriously and daming tawag ni Harvey kay Hanry o sa mga kapatid niya no?

Dre. Bruh. Brad.

Iba ka Harvey.

Please hit the star button if it doesn't hurt that much. Kung na-appreciate niyo lang naman. No pushing...

Thank you~

Ciao!

The Bad Boy's SISTER?! (Sanders Series 2) - MAJOR REVISIONWhere stories live. Discover now