Ice cream

940 20 0
                                    

Harold's POV

"Harold samahan mo ako please.." Biglang hila sakin ni Divine. By the way, andito ang barkada sa bahay ng mga Carter.

"Saan naman tayo pupunta?" Tanong ko.

"Kain tayo Ice cream. I'm craving kasi eh. Tapos ikaw lang hindi busy so please accompany me" sabi niya.

"Okay, teka lang. Kunin ko muna susi ko sa loob" sabi ko.

"Teka, sama ako.." Sabi niya. Pumasok kaming dalaw at kinuha ko ang susi ng sasakyan ko. My student's license kasi ako.

"Oy! San kayo pupunta?" Tanong ni Harvey.

"Kakain lang ng ice cream.!" Sagot ko.

"Sige.  Dalhan niyo nalang kami ng ice cream pagbalik niyo" sabi ni Zoe. Tumango naman kami dalawa ni Divine.

Lumabas na kami ng mansyon at sumakay na sa sasakyan ko.

"Saang Ice cream parlor tayo?" Tanong ko.

"Saan ba masarap?" Tanong niya.

"Hindi ko alam. Eh ikaw naman kakain eh
."

"Alam ko na sa Icy Wizzy Cream parlor nalang tayo" sabi niya tsaka nagiggle. Ang cute.

Ano! CUTE!!? No way!

Medyo malayo ang Ice cream parlor na yun.

Napansin kong naka-idlip pala si Divine.

"Omg! Ang sarap ng ice cream Harold. Isa pa please!"

"Wahh. Harold! Libre mo naman ako oh!"

She is sleep talking..

Amg cute cute niya talaga.

Teka, wala kayong nabasa! Pramis....

"Huminto na kami sa tapat ng Icy Wizzy Cream parlor"

"Andito na tayo oi.." Pukaw ko sakanya.

Unti-unting minulat ni Divine ang mata niya at kinusot-kusot ang kanyang mata. Cute niya talaga.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Okay, I slipped.

"Asan na tayo, Harold?" Tanong niya sa akin..

"Andito na tayo sa Icy Wizzy..." Sagot ko. Tumingin siya sa labas at namilog ang mata.

"Wahhh! Ice cream! Tara pasok na tayo Harold!" Sigaw niya.

Bumaba na kami sa sasakyan. You know, simula nung bumalik sa dati ang Barkada. Hindi na siya masyadong nagtataray sa akin at medyo pinapakita na niya ang childish side niya.

"Humanap ka na ng table. Ako na mag-oorder." Sabi ko.

"Okay.. Uhmm, Cookies and Cream akin okay?" Sabi niya.

"Wag yun. Coffee Crumble na lang para match sa skin tone mo" pang-aasar ko.

"Heh! Sayo kasi nababagay ang Cookies and Cream noh?! Sabagay Panda ka naman, black and white. Bagay nga naman" asar niya rin sa akin.

Tinawanan ko lang siya at umorder na ako. Lumalabas talaga pagkamaldita non.

"Sir, what is your order?" Tanong nung cashier. May pa beautiful eyes pa.

Alam mo tigilan mo yang pag-papacute mo. Hindi ka cute kaya please awat na.. Mas cute si Divi---- joke!
Yun yung gusto kung sabihin dito na feeling na cashier.

The Bad Boy's SISTER?! (Sanders Series 2) - MAJOR REVISIONWhere stories live. Discover now