Chapter 8 . Trust and Lie

Start from the beginning
                                    

"Okay.. sama kayo." Ani Kuya Third.

Nag madali akong nagpalit ng damit dahil halos itulak ako ni Caly. Wala akong nagawa kung hindi sumama nalang at tiisin ang presensya ni Travis.

Nakarating kami sa isang bahay.

"Kanino to?" tanong ko sakanila.

It's a very modern glass type house. Gusto ko ng ganito..

"Kay Travis" sabi ni Kuya Third.

Siniko naman ako ni Caly. Tinaasan ko siya ng kilay.

'Ready ka na ba pumasok sa future house mo?' bulong ni caly sakin. Sinapok ko naman siya at sumunod kila kuya pumasok.

Narinig ko ang pagtawa niya sa likod ko.

"Hindi ba magagalit parents mo?" tanong ko kay Travis.

"Wala si daddy.. nasa business trip and si mommy naman may iba ng pamilya sa states." sagot niya. Napakagat naman ako sa ilalim ng labi ko.

Hindi ko mapigilan ang makaramdam ng lungkot sa sinabi niya. Dapat siguro hindi ko nalang tinanong.

"Guys.. bili lang ako ng Ice Cream natin sa may store diyan." Ani Travis.

"Bili ka na din ng popcorn tsaka drinks. Pwede mo ba siya samahan Ina?" tanong ni Kuya Third sa akin.

Namilog ang mata ko at pekeng ngumiti. "Sure!"

Damn.

"Malayo ba yung store?" tanong ko sakanya pagkalabas namin ng bahay.

"Nope.. diyan lang sa labas ng subdivision." Aniya.

Namayani ang katahimikan sa amin. Halos marinig ko na ang spiel sa T.V tuwing sinasabi anga Awkward!

Tahimik lang kaming naglalakad. Ayoko siyang tingnan kasi baka isipin niya may gusto ako sakanya okaya baka interesado ako sakanya.

"Alina" nagulat ako at bigla siyang nagsalita.

"Bakit?"

Nilingon ko siya at nagtama ang mga mata namin. Naramdaman ko ang pag bilis ng pintig ng puso ko. He look so serious. Kinakabahan ako sa sasabihin niya.

Why is he so serious right now?

"Don't trust me" nagulat ako sa sinabi niya. Ano ba to?

"Huh? Why? You are my brother's bestfriend and you are good to me." Nalilito ako pero kinakabahan at the same time.. paano kung hindi ko siya pwedeng pagkatiwalaan?

Hindi ko naman mapigilan na hindi siya pagkatiwalaan. Yes, he stole a kiss from me pero hindi mag babago ang katotohanan na tinulungan niya na ako minsan plus he is Kuya Third's bestfriend.

"Basta. Wag." Aniya sa matigas na tono.

Hindi ako umimik. I am so confused right now. Anong sasabihin ko? Promise?

Why so sudden?

Umiwas nalang ako ng tingin.

"I hope that your family will treat Third as a real family. He is my bestfriend.. one of my true friends." Pagiiba niya ng topic. Nakahinga naman ako ng maluwag.

"Of course.. nabuo ang pamilya namin ng may pagmamahal kaya I know na magiging maayos din ang lahat. My mom is also adopted so she knows that this family is important." Sabi ko sakanya. Hindi ko alam pero parang ang lungkot niya.

"Buti pa kayo masaya ang pamilya. My mom left us and she told me that my dad, really doesn't love her and I know that.. I saw my dad eyes when he looks at my mom and there is a big difference when he looks at his first love." Nagulat ako sa sinabi niya.. hindi ko alam ang irereact ko kaya hinintay ko nalang na sundan niya yung sinabi niya.

"My dad loves his first love so much. I pitied my mom for that,  but for me my mom deserves better so I accepted that maybe she would be happy without us. My dad is a loving father but somehow I see that I am just an instrument pero kung ito ang purpose ko sa buhay tatanggapin ko. "

Hindi ko mapigilan ang masaktan sa mga sinasabi niya. Pinilig ko ang ulo ko.

"Pero hindi pwedeng ganyan. You should find your happiness. I mean you should love and care your dad but it doesn't mean that your world would revolve around him."

Hindi siya umimik sa sinabi ko.. pero kailangan niyang maintindihan to. Pag tinignan mo siya para siya yung walang pakielam pero grabe pala ang mga pinagdadaanan niya.

"Hut he wants her back, really really bad" aniya. What he said stirred something inside me.

Ngumiti naman ako sa sinabi niya.

"That's good.. atleast you'll have a mom by your side." Saad ko.

Nakikita ko na hindi siya masaya pero parang hinaharang niya ang sarili niya sa kung ano ang katotohanan.

"Nope.. she has a family. A really happy family" hindi ko alam pero kinilabutan ako. Parang may mali..

"Anong name nung babae?"

Nagkalakas ako ng loob tanungin sa kanya yun.. hindi ko alam pero na curious ako.

Loss in the Dangerous PathWhere stories live. Discover now