[1] - Starts with this.

27.6K 661 187
                                    

Dedicated to ARMYYY. Ang aking idol~ Yiiieee. Basahin niyo po yung Bullsh*tproof 1&2. Maiinlove po kayo sa kanya katulad ko. Promise~ Thank you sa patuloy na pagsuporta. /le wipes tears/

-

Nakasimangot na humarap sakin ang asawa ko.

"I told you that don't touch anything!" Sigaw niya sakin. Naramdaman ko ang nagbabadyang luha sa mga mata ko kaya agad ang pumikit ng mariin.

"H-hindi ko naman sinasadya." Nanginginig at natatakot kong sabi. Napayuko na lamang ako at napakagat sa aking labi para hindi niya mapansin na naiiyak na ko. Hindi na bago sakin ito, pero nadudurog pa din ako sa tuwing sinisigawan niya ko.

"Bullsh*t. Get out!" Sigaw niya sabay turo sa pinto. Nakayuko naman akong lumabas sa kwarto niya at pumunta na sa kwarto ko. Sumalampak ako sa kama ko tsaka umiyak. Ganito naman siya lagi sakin ah. Bakit hindi pa ko nasanay?

Ako si Lyka Dy. 19 years old at kasal na. Kasal ako sa isang hindi ordinaryong tao. Kasal ako sa isang alien, isang weirdo, isang bipolar, isang gwapo, at sa isang myembro ng bangtan boys. Kasal ako kay Kim Taehyung o mas kilala bilang V.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang best friend ko. Sa 'twing nadadown ako ay siya agad ang tinatawagan ko. Ilang ring din ay sinagot niya na ito.

"LYKA!!" Masiglang sagot nito. Napangiti naman ako.

"J-jungkook." Pinilit kong hindi niya mahalata na umiyak na naman ako. Bakit siya ang tinawagan ko? Kung si V ang dahilan ng kalungkutan ko, si Jungkook naman ang dahilan ng kasiyahan ko. Well, not basically that happiness. Sobrang napapagaan niya lang ang loob ko. and he is my best friend after all.

(Are you crying again?) Naging seryoso ang tono ng boses niya, nahalata niya siguro na umiiyak ako.

"Can you accompany me—" Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng patayin niya na ang cellphone niya. Bwisit. Best friend ko ba 'to? Inubob ko na lang ang mukha ko sa unan at umiyak.

Maya maya'y naramdaman kong bumukas ang pinto. Hindi ko ito pinansin dahil baka si Manang lang ito.

"Lyka." Napatigil ako sa paghikbi at napaupo. Nakita ko ang nakangiti at gwapo niyang mukha. Akala ko hindi na siya dadating.

"J-jungkook." Naiiyak kong sabi. Ngumiti ako dahil nakakadala ang ngiti niya.

"Bakit ang bilis mo?" Tanong ko sa kanya. Pinitik niya naman ang noo ko kaya napanguso ako. Ang sakit kaya.

"Pabo! We live under same roof." Sabi niya. Ay tanga, Oo nga pala. Dito ako nakatira sa bahay  ng BTS. Dito na ko tumira dahil asawa ako ni V at kailangan naming magpanggap na maayos kaming dalawa.

"Sareh akey, Sareh." Sabi ko habang ginagaya ang accent ni Cheon Song Yi ng My love from the star. Bet na bet ko yon. Dahil bukod sa nakakakilig to may Alien na kasama. Nalungkot na naman ako, naalala ko kasi si V sa alien.

"Psh. Kain tayo!" Masiglang sabi sakin ni Jungkook tska pinakita ang dala niyang Ice cream na mango flavor. Napangiti ako ng malaki.

"Yay!" Kumain lang kaming dalawa. Nagkwentuhan hanggang sa makatulog kami. This is what we called platonic love. Walang malisya. Sanay na din kami na magkatabi matulog, sanay na din ang ibang members sa'min.

.

.

.

.

.

"Good morning, Baby!" Napamulat ako sa lalaking nagsalita. Napangiti ako ng masilayan ko ang mukha ng gwapong lalaki.

"Good morning." Inaantok kong sabi.

"Ay~ Ang baho! Tooth brush na! May panis na laway ka pa. Ew. Very unlady like." Napasimangot ako tska siya binatukan. Abnormal talaga 'to, lakas makasira ng mood.

"Epal ka talaga Kookie! Ang ganda na ng gising ko alam mo ba yon?" Sabi ko sa kaniya bago pumasok sa CR.

Agad kong ginawa ang rituals ko. Ilang minutes pa ay lumabas na agad ako. Paglabas ko...

Sh*t.

"LABAS!" Sigaw ko kay Jungkook, Paano ba naman nasa loob pa ng kwarto ko, eh nakatapis lang ako. Tatawa-tawang lumabas si Jungkook. Hay*p talaga 'yon.

Nagbihis na ko. Simpleng white t-shirt at short shorts ang sinuot ko.

Lumabas ako ng kwarto ko at dumiretso sa dining table. Naabutan ko doon ang mga lalaking naka—

Another SH*T.

"Tupa! Bakit naka-boxers lang kayo?" Sigaw ng tao na kakarating lang din.... si V. Agad tumayo si Jungkook at tinakpan ang mata ko.

"JUSME! MAY BABAE NG NAKATIRA SA'TIN. MAG-AYOS NAMAN KAYO NG PANANAMIT!" Sigaw ni V sa kanila.

"Cool. HAHAHA." Tatawa tawang sabi ni Jimin. Tumawa din ang iba at pumunta na sa kani-kanilang kwarto kaya inalis na ni Jungkook ang pagkakatakip sa mata ko.

Tinignan ko naman ng nakangiti si V pero inirapan niya lang ako. Nginitian ko naman si Jungkook, ngumiti naman siya pabalik at saka ginulo ang buhok ko. Hinawakan niya ang kamay ko at umupo na kaming magkatabi. Sanay na akong hawakan niya kamay ko. Platonic.

Kinuhanan niya ko ng pinggan at pinag-sandok ng pagkain. Sanay na din akong ganito kaalaga sakin si Jungkook.

"Bacon, o hotdog?" Tanong ni Jungkook sa'kin. Tinuro ko ang hotdog. Napa-diretso ako ng tingin kung saan nakaupo si V, kumakain siya ng bacon. Lalagay na sana ni Jungkook ang hotdog sa plato ko pero pinigilan ko.

"I prefer bacon." Ngumiti ako sa kaniya. Napakamot naman siya ng batok at saka nilagay sa plato ko ang bacon.

"Dapat kayo na lang ang kinasal eh." Napatingin ako kay Jin na kakaupo lang katabi ni V. Alam niyo ba yung TaeJin? Well, Totoo siya. Mas magasawa pa ata sila kaysa sa'min eh. Niyakap naman ni V ang braso ni Jin. 'Di ba? TaeJin Shipper kaya ako! ^_______^

"Nako, Oppa! E 'di lagi na 'kong imbyerna." Sabi ko habang natatawa. Binatukan naman ako ni Jungkook .

"Abnormal ka ba?! Kumakain ako diba?" Bulyaw ko kay Jungkook. Inirapan naman ako ni Jungkook kaya binatukan ko. Ang arte talaga nito.

"Aray! Makabatok kang butiki ka!" Sigaw niya sa'kin. Kaya binatukan ko ulit siya. Butiki pala ha.

"Gago! Makabutiki ka pero makayakap ka sa'kin kagabi!" Sigaw ko sa kaniya.

"Magkatabi na naman kayo natulog?" Tanong ni Jin Oppa. Tumango lang ako.

"Kayo talaga, baka maging siyam na tayo sa bahay at maging kabit ka pa Jungkook." Natatawang sabi ni Jin oppa. Namula naman ako dahil sa hiya.

"Anong kabit? Mag-a-annul ng kasal si V at Lyka." Sabi ni Jungkook. Ewan ko pero nainis ako sa sinabi ni Jungkook. Hindi ko alam kung bakit. Pero tama ba na sabihin sa harap ko at ng asawa ko na mag-a-annul din kami ng kasal?

"Annul? Hindi ko papa-annul ang kasal namin. Magdusa ka sa pagiging kabit." Sabi ni V na kinagulat ko. Binehlatan niya pa si Jungkook.

"Gano'n ha? Okay lang. Ako naman mahal ni Lyka. 'Di ba 'di ba?" Sabi ni Jungkook at saka nagpa-cute sa harap ko. Please kill me now.

Tumawa lang si Jin oppa.

Married to a BTS Member [BANGTAN BOYS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon