One

1K 7 1
                                    


"Ken..."


At dagli namang lumingon ang binata. Nagkasalubong ang kanilang mga tingin, nagkaharap ang kanilang mga mukha at tila napunta sila sa isang lugar kung saan sila lamang ang tao. Walang ingay, walang kaluskos, walang istorbo. Tanging mga puso nila ang nagkakaintindihan. Mga mata nila ang nagsisilbing daluyan ng mga mensaheng hindi man nakikita ay naiintindihan pa rin ng bawat isa.


"...ah eh. Sa totoo lang, hindi ko alam ang sasabihin ko. Nagpapasalamat ako na kahit ganito ako, minsan mahirap intindihin, minsan malambing.Minsan tao, kadalasan hayop...nanjan ka pa rin. Sa totoo lang, hindi ko alam ang hinaharap natin, pero makakaasa kang ikaw lang. Ikaw lang ang nandito." sabay kuha ng kamay ng kausap at inilagay ito sa kaniyang dibdib.


Sinuklian naman ito ng binatilyo ng isang matamis na ngiti. Hindi niya inaasahan na masasabi ito sa kanya ni Arthur sapagkat alam niyang may pagka-reserved ang binata.


"Alam ko." kinuha rin ni Ken ang kamay ni Arthur at hinawakan ito ng mahigpit. "At makakaasa kang ikaw lang din ang mamahalin ko. Ayaw kong bilangin ang mga araw na nagdaan kug saan minahal kita sapagkat kapag binilang ko, natatakot akong baka hindi ito matapos. Ayokong matapos. Hindi ko hahayaang matapos."


Wala mang nag-utos sa kanila ngunit unti-unti na lamang naglapit ang kanilang mga mukha. Hindi nagtagal ay naging isa na ang kanilang mga labi. Sumayaw ang mga ito na tila ba mayroong musika sa paligid. Pagkatapos ng isang maalab na halik ay bumitiw sila at muling humarap sa dagat. Alam nilang simula pa lamang ito ng panibagong buhay, panibagong buhay kasama ang isa't isa. Mahirap man, o nakakatakot, alam nilang sapat na na magkahawak ang kanilang mga kamay upang parehong malagpasan ang mga hamon ng buhay.



---



"NICE ONE! Guys! Woo."


"Iba talaga chemistry niyo!"


Puri ng mga direktor at staff ng show nina Caleb Saavedra at Axel Villaflor o mas kilala sa tawag na CaXel (Casel) ng nakararami.  Ang kanilang palabas ay may pamagat na Not Like The Movies at ito ay tumatalakay sa dalawang binatilyo na nagkaroon ng kakaibang pagtatangi sa isa't isa. Sa una, hindi nila alam kung papayagan ba silang i-air ang ganitong uri ng palabas sapagkat ito ay tumatalakay sa isang relasyong sensitibo para sa mga manunuod. Sa mga unang linggo ng nasabing palabas, hindi gaanong maganda ang naitala nitong ratings. Hindi naging masayadong mainit ang pagtanggap ng mga tao. Ngunit habang tumatagal ito ay tila papataas rin ng papataas ang bilang ng mga nakatutok sa teleserye. At ngayon nga, hindi nila akalain na sobrang dami ng nahuhumaling sa kanilang palabas. 


Hindi pa man nila naabot ang mga naabot ng mga premyadong loveteams ngayon, ngunit hindi na rin naman sila pahuhuli. May fansclub na rin sila na pinangalanan ngang CaXel. May mga endorsements at commercials na rin. Nagkakaroon na rin sila ng mga mall shows at fan meetings sa iba't ibang panig ng bansa. Malayong malayo na ang buhay nila noon kumpara sa ngayon. Sa followers pa lamang nila sa Facebook, Twitter at Instagram na parehong hindi bababa sa 700,000 na tao, hindi maipagkakailang sikat na nga sila. 

Not Like The MoviesWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu